Connect with us

Celebrities

Netizens, Napanganga sa Glow-Up Transformation Ngayon ni Melai Cantiveros!

Published

on

Isa si Melai Cantiveros sa mga pinakasikat na former housemates ng “Pinoy Big Brother.” Dahil sa kanyang kalog personality, naging paborito ng kanyang fellow housemates at mga viewers si Melai. Kaya naman maraming fans ang talagang natuwa matapos tanghalin si Melai na “Big Winner” ng “Pinoy Big Brother: Double Up” noong 2009.

Matapos ang kanyang pagkapanalo sa Big Brother house, sunod sunod naman ang projects na nataggap ni Melai. Unti-unti ring nahubog ang talento niya pagdating sa pag-arte at pagho-host. Sa katunayan, nasubaybayan na rin natin si Melai sa iba’t-ibang programa at pelikula.

Read More: Jericho Rosales, Nagsalita Na Nga Ba Ukol Sa Usap-usapang Paglipat Niya Ng Network?

Sa mahigit isang dekada ni Melai Cantiveros sa industriya ng showbiz, nasubaybayan rin natin ang kanyang pagbabago.

Talagang artistahin na si Melai ngayon, at sabay silang nag-glow up ng kanyang asawang si Jason Francisco. Noon pa man, si Jason na ang naging ka-love team ni Melai sa loob ng PBB house at biniyayaan sila ngayon ng magandang pamilya.

Talaga nga namang mas lalong naging blooming at glowing si Melai ngayon. Kamakailan lang, pina-wow niya ang mga fans sa social media matapos ibahagi ni Melai ang kanyang mga latest photos. Sa mga larawang ito, makikitang madam na madam ang itsura ni Melai dahil sa kanyang bonggang style para sa event na iyon.

Nakasuot si Melai ng white sheer dress, white shoes at mini sling bag. Kahit pa simple lamang ang suot ni Melai, kaya naman niya itong dalahin! Ayon pa sa mga fans, mas lalong nagmukhang sosyal si Melai sa kanyang bagong look ngayon. Kapansin-pansin rin ang pagputi ni Melai na talagang bumagay sa kanyang brown hair.

Hindi rin nakalimutan ni Melai na magpasalamat sa kanyang glam team, na tumulong sa kanya upang ma-achieve ang new look na ito. Inulan rin siya ng mga positibong komento sa social media, at maraming fans ang talagang na-excite sa new transformation ni Melai ngayon.

Read Also: Vin Abrenica, Nagbigay ng Pahayag Tungkol sa Pambababae Matapos Siyang Tanungin ng Asawa Niya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Yumaong Ina, Ginulat ang Kaniyang mga Anak Matapos Magpamana ng Tinatagong Yaman ng Kanilang Bayan!

Published

on

By

Hindi lubos akalain ng mga magkakapatid na ito na habang buhay babaguhin ng kanilang pumanaw na ina ang kanilang mga kapalaran dahil sa isang pamana na akala nila ay mumunti lamang.

Si Noel Suque, kabilang sa mga anak ng yumaong si Nanay Leoning ang nagbahagi ng kanilang kakaibang kwento sa social media na kalaunan ay umabot na sa GMA Sunday Documentary Show Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon kay Noel, lumaki sa hirap ang kanilang pamilya ngunit kahit kailan ang hindi naging salat ang kanilang buhay dahil punong-puno pa rin ito ng saya at pagmamahal, lalung-lalo dahil sa kanilang ina na sinigurado na lalaki silang maayos.

Kung kaya naman noong sumakabilang buhay ang kanilang ina labing pitong taon na ang nakararaan ay hindi sumagi sa isip nila na bisitahin ang “lupa” na paminsan-minsan ay binabanggit ng kanilang ina sa magkakapatid dahil akala nila ay kararampot lamang ito, at kailangan pang pag hatian.

Ngunit laking gulat na lamang nila noong yumao ang isa sa kanilang mga tiyahin, kung saan ibinunyag nito na dapat nilang bisitahin ang lupa, at ganoon na lamang ang sorpresa ng magkakatapid na aabot pala sa halos limang ektarya ang lupa ng kanilang ina!

Bukod sa mga palayan ay sakop din nito ang isa sa yaman ng kanilang bayan, isang ilog—at malapit sa 50-feet tall Bagacay Falls!

Agad namang nakitaan ni Noel ng potensyal ang lugar upang pagtayuan ng negosyo, Maaaring mag-alaga ng kambing sa mga gilid-gilid. Maraming puno.”

Laking pasasalamat man ay nag uumapaw pa rin ang pangungulila ni Noel sa kaniyang ina sa tuwing tinititigan niya ang kanilang lugar, “Parang may yumakap sa akin na malamig. Sabi ko, ‘Siguro kasama ko ang nanay ko.’”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Julia Barretto, Tapat na Inaming Wala Daw Dapat Ihingi ng Sorry sa Ibang Tao!

Published

on

Kahit pa kalagitnaan ng pandemic, patuloy na namamayagpag ang career ng Kapamilya actress na si Julia Barretto. At sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan ng aktres, patuloy pa rin ang pagdagsa ng kanyang mga projects. Kabilang na dito ang latest drama teleserye sa TV 5 na “Di Na Muli” na pagbibidahan ni Julia.

Kamakailan lang, naging matunog sa social media ang linya ng character ni Julia sa trailer ng “Di Na Muli.” Tumatak sa publiko ang sinabi ni Julia na:

“Hindi lahat ng totoo ay kailangang aminin.” Kaya naman sa kanyang nakaraang press conference ay sinagot rin ito ni Julia.

Read More: Heart Evangelista, Matapang na Sinagot ang Netizens na Hinusgahan Siya Dahil Wala pa Siyang Anak

Paliwanag ni Julia, may dahilan kung bakit hindi lahat ng katotohanan ay dapat isiwalat sa publiko. Dahil may mga bagay daw na sadyang mas makabubuti kung isasarili na lang kaysa ipapaalam pa sa iba.

Hindi man tinukoy ng aktres ang kanyang pinaghuhugutan ay ni-link naman ito ng mga netizens sa kanyang love life.

“I think, ano siya, it’s the same as what you don’t know won’t hurt you. Siguro hindi lahat nang bagay kailangan malaman mo para hindi na rin masakit. Nag-iisip ako ng way na sagutin ‘to na bukas hindi siya yung headline eh,” natatawang paliwanag ni Julia.

Bukod pa dito ay tinanong rin si Julia kung mayroon nga ba siyang pinagkakautangan ng ‘sorry.’ Ilang segundo ring napaisip ang aktres bago sumagot ng ‘wala.’

Ayon kay Julia, hindi siya nagsisisi sa kanyang mga desisyon o ginawa dahil ito rin ang bumuo sa kanyang pagkatao ngayon.

Matatandaang taong 2019 nang madawit si Julia sa hiwalayan ni Bea Alonzo at Gerald Anderson. Noong mga panahong iyon ay nagtambal si Julia at Gerald sa kanilang romantic movie na “Between Maybe.” Ayon naman kay Bea, bigla na lamang siyang ghinost ni Gerald matapos nitong makatrabaho si Julia.

Read Also: Viral Ngayon Sina Donnalyn Bartolome at AJ Raval Matapos Nilang Gawin ito sa Kanilang Vlog

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

amazing

Aiko Melendez, Kinailangang Isugod sa Ospital at Tahiin ang noo Matapos Kumain ng Ramen! Paano ito Nangyari?

Published

on

By

Kamakailan lamang ay kinailangang isugod sa ospital ng aktres na si Aiko Melendez matapos siyang maaksidente sa banyo ng sarili niya mismong bahay dahil sa hindi inaasahang dahilan.

Sa kaniyang Instagram update noong Setyembre 1, ipinakita niya ang resulta ng naging aksidente, at ibinahagi na kinailangan niyang makaranas ng 11 stitches sa kaniyang noo.

Pinag pasa-pasahan din siya di umano ng mga ospital at sa kabutihang palad ay tinanggap na siya ng pangatlong ospital na kanilang nilapitan.

Ayon sa kaniyang post, “At ang ending ko sa ER hospital, my forehead about to be stitched (sad emoji). third hospital na ‘to. Hopefully ma-accommodate nila ako. (crying emoji) Thank you Andre Yllana for rushing me here. (praying emoji)”

Sinundan naman ni Aiko ang post na ito matapos ang ilang oras.

“I am finally home… Thank you for all your messages (praying emoji) Blessed pa din ako hindi natamaan mata ko, ang hirap magkasakit nowadays. Buti in Malvar Hospital line awhile ago was not so long. Thank you Doc Niño Garcia Daffon who stiched my forehead. Praying for no keloid. Malalim yung sugat talaga (sad emoji)

“And it so painful … Lord thank You pa din po that I am better now,not feeling nausea or dizzy.”

Nang makausap naman siya ng PEP.ph ay inamin niya ang kagulat-gulat na bagay kung bakit nangyari ang insidente.

“Kasi sumusuka ako tapos medyo nahilo ako, humampas ang ulo ko sa sink.”

Maanghang na ramen di umano ang dahilan kung bakit siya nahilo at nahirapang hanapin ang kaniyang balanse, na nag resulta sa kaniyang malakas na pagka untog.

Iginiit din niyang hindi siya buntis.

“Hindi ako buntis! Kasi may nakain ako so pagsuka ko sa sink medyo nahilo ako.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending