Connect with us

Local

Kilalanin ang Hot Coach na Nagsilbing Inspirasyon ni Hidilyn Diaz

Published

on

Buong bansa ang nagpugay sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa nagdaang Olympic Games Tokyo 2020. Nakamit ni Hidilyn ang gintong medalya para sa female weighlifting competition. Si Hidilyn rin ang kauna-unahang Pilipino na nag-uwi ng gintong medalya para sa Pilinas. Nakamit niya ito matapos magbuhat ng record-breaking 224 kilograms.

Bago makamit ang tugatog ng tagumpay, ilang taon ring nag-ensayo si Hidilyn, na tubong Zamboanga. Sumali rin siya noong 2016 sa Olympic Games sa Rio, at nagwagi siya ng silver medal. Kaya naman sa pagkakataong ito na nakapag-uwi siya ng gintong medalya, buong Pilipinas ang nagpupugay.

Read More: Who Did It Better? Netizens, Pinagkumpara ang Sweet Photos ni Julia at Gerald vs. Bea at Dominic!

Mapalad rin si Hidilyn sa suporta at pagmamahal ng mga tao sa paligid niya. Kabilang na dito ang kanyang coach at boyfriend na si Julius Naranjo. Si Julius ay isang Filipino-Japanese national na nakilala ni Hidilyn sa isang weightlifting championship noong 2017, at di nagtagal ay naging kasintahan niya ito.

Ngunit dahil sa isang back injury, hindi na muling nakabalik pa sa weightlifting competition si Julius. Kaya naman masaya siyang maging coach ni Hidilyn habang ito ay nagte-training.

Ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal, isa si Julius sa mga sumuporta kay Hidilyn para mapaghandaan niya ang Olympics 2021.

“Swerte ako na yung coach ko ay boyfriend ko din. Pero mahirap din. Sa part niya kasi mahirap turuan ang elite athlete, lalong lalo na ako. Hindi ako basta basta nakikinig, kinukwestiyon ko lahat at hindi ako basta basta sumusunod. Swerte ako na magaling yung coach ko, magaling siya. At magaling din yung image na pinapalakas nila ako.”

Noong na-lockdown siya sa Malaysia nitong nakaraang taon, kasama niya si Julius na siyang tumulong sa kanya sa pag-eensayo. Ginugol niya ang kanyang lakas at oras sa training camp, kung saan tinulungan naman siya ng kanyang conditioning coach sa pagte-training.

Read Also: Katrina Halili, Ipinasilip Mala-Resort na Bahay at Lupa sa Palawan na Katas ng Kanyang Paghihirap sa Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Yumaong Ina, Ginulat ang Kaniyang mga Anak Matapos Magpamana ng Tinatagong Yaman ng Kanilang Bayan!

Published

on

By

Hindi lubos akalain ng mga magkakapatid na ito na habang buhay babaguhin ng kanilang pumanaw na ina ang kanilang mga kapalaran dahil sa isang pamana na akala nila ay mumunti lamang.

Si Noel Suque, kabilang sa mga anak ng yumaong si Nanay Leoning ang nagbahagi ng kanilang kakaibang kwento sa social media na kalaunan ay umabot na sa GMA Sunday Documentary Show Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon kay Noel, lumaki sa hirap ang kanilang pamilya ngunit kahit kailan ang hindi naging salat ang kanilang buhay dahil punong-puno pa rin ito ng saya at pagmamahal, lalung-lalo dahil sa kanilang ina na sinigurado na lalaki silang maayos.

Kung kaya naman noong sumakabilang buhay ang kanilang ina labing pitong taon na ang nakararaan ay hindi sumagi sa isip nila na bisitahin ang “lupa” na paminsan-minsan ay binabanggit ng kanilang ina sa magkakapatid dahil akala nila ay kararampot lamang ito, at kailangan pang pag hatian.

Ngunit laking gulat na lamang nila noong yumao ang isa sa kanilang mga tiyahin, kung saan ibinunyag nito na dapat nilang bisitahin ang lupa, at ganoon na lamang ang sorpresa ng magkakatapid na aabot pala sa halos limang ektarya ang lupa ng kanilang ina!

Bukod sa mga palayan ay sakop din nito ang isa sa yaman ng kanilang bayan, isang ilog—at malapit sa 50-feet tall Bagacay Falls!

Agad namang nakitaan ni Noel ng potensyal ang lugar upang pagtayuan ng negosyo, Maaaring mag-alaga ng kambing sa mga gilid-gilid. Maraming puno.”

Laking pasasalamat man ay nag uumapaw pa rin ang pangungulila ni Noel sa kaniyang ina sa tuwing tinititigan niya ang kanilang lugar, “Parang may yumakap sa akin na malamig. Sabi ko, ‘Siguro kasama ko ang nanay ko.’”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Aiko Melendez, Kinailangang Isugod sa Ospital at Tahiin ang noo Matapos Kumain ng Ramen! Paano ito Nangyari?

Published

on

By

Kamakailan lamang ay kinailangang isugod sa ospital ng aktres na si Aiko Melendez matapos siyang maaksidente sa banyo ng sarili niya mismong bahay dahil sa hindi inaasahang dahilan.

Sa kaniyang Instagram update noong Setyembre 1, ipinakita niya ang resulta ng naging aksidente, at ibinahagi na kinailangan niyang makaranas ng 11 stitches sa kaniyang noo.

Pinag pasa-pasahan din siya di umano ng mga ospital at sa kabutihang palad ay tinanggap na siya ng pangatlong ospital na kanilang nilapitan.

Ayon sa kaniyang post, “At ang ending ko sa ER hospital, my forehead about to be stitched (sad emoji). third hospital na ‘to. Hopefully ma-accommodate nila ako. (crying emoji) Thank you Andre Yllana for rushing me here. (praying emoji)”

Sinundan naman ni Aiko ang post na ito matapos ang ilang oras.

“I am finally home… Thank you for all your messages (praying emoji) Blessed pa din ako hindi natamaan mata ko, ang hirap magkasakit nowadays. Buti in Malvar Hospital line awhile ago was not so long. Thank you Doc Niño Garcia Daffon who stiched my forehead. Praying for no keloid. Malalim yung sugat talaga (sad emoji)

“And it so painful … Lord thank You pa din po that I am better now,not feeling nausea or dizzy.”

Nang makausap naman siya ng PEP.ph ay inamin niya ang kagulat-gulat na bagay kung bakit nangyari ang insidente.

“Kasi sumusuka ako tapos medyo nahilo ako, humampas ang ulo ko sa sink.”

Maanghang na ramen di umano ang dahilan kung bakit siya nahilo at nahirapang hanapin ang kaniyang balanse, na nag resulta sa kaniyang malakas na pagka untog.

Iginiit din niyang hindi siya buntis.

“Hindi ako buntis! Kasi may nakain ako so pagsuka ko sa sink medyo nahilo ako.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Andrea Brillantes, umani ng iba’t ibang reaksyon online dahil sa kaniyang “threatened” na pahayag ukol sa mga bagong artista

Published

on

By

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang aktres na si Andrea Brillantes matapos niyang aminin ang kaniyang totoong saloobin patungkol sa mga bagong pausbong na artista ngayon sa showbiz.

Sa kaniyang kwentuhan kasama ang kaniyang ka lovetea na si Seth Fedeline para sa vlog ng kanilang channel na The Gold Squad Plus, ibinunyag ni Andrea na bagamat masaya siya para sa mga baguhang artista ay hindi niya maiwasang kwestyunin ang kaniyang kakayahan dahil di tulad ng iba ay inabot siya ng maraming taon sa showbiz bago niya makuha ang inaasam-asam na big break.

Ayon kay Andrea, ito ang bagay na pinaka ayaw niyang na eexperience bilang artista.

“Antagal ko na kasi di ba, sobrang sakit sakin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag, ako,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Yun ako, ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon.”

“Tapos etong bagong to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyaan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba.”

Para kay Andrea, sa tuwing nakaka saksi siya ng ganoong pangyayari ay tila isa siyang pinggan na binabasag dahil harap-harapang ipinapamukha sa kaniya ang mistulang “easy access” patungo sa kasikatan.

“Anong kulang sakin, ano pa bang dapat kong gawin.”

Ngunit hindi naman ito nagustuhan ng netizens at marami sa kanila ang nag aasam na mas matutunan ng dalaga na magpasalamat na lamang sa mga naging bunga ng kaniyang paghihirap kahit hindi naging ganoon kadali ang kaniyang lakbay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending