Connect with us

amazing

Isang Netizen, Nag Viral Matapos Matapang Na Ipakita Sa Publiko Ang Kaniyang Kili-kili

Published

on

Viral ngayon ang isang netiizen na nag ngangalang si Iane Manlapaz dahil sa kaniyang matapang na pagbabahagi ng kondisyon ng kaniyang katawan kung nakakaranas siya nd discoloration.

Sa isa niyang post kung saan ipinakita niya ang larawan ng kaniyang kilikili at binigyang boses ang kapwa niya mga babaeng nakararanas ng parehas na sitwasyon, umani ng magagandang reaksyon si Iane.

”Arms up, because having dark underarms shouldn’t stop you from doing so. 🙆‍♀️ #BodyHairIsNormal #BodyPositive” aniya.

Sa kasalukuyan ay umani na ng 43 thousand engagements ang larawan niyang ito.

Ngunit hindi pa rin nawawala ang mga komento na nakakapag pababa ng loob ng dalaga, kung kaya naman sa isang post ay ipinaliwanag niya ang kaniyang sarili.

“BODY HAIR DOESNT CAUSE BAD ODOR. The main cause of it are the bacteria combining with the fluids released by your apocrine glands. Although, it gives bacteria more surface to cling to, it is not the MAIN cause. If you clean your bits regularly, you are good. DARK ARMPIT DOESNT MEAN BAD ODOR. Again, the main cause of bad odor are the bacteria. There are reasons why dark armpits exist and one of them are medical conditions. DARK ARMPIT AND BODY HAIR DOESNT MEAN UNHYGIENIC. It’s not dugyot. ”

Dagdag pa niya, “‘Let’s educate ourselves. Ang sabi ko lang naman sa post ko, itaas niyo mga braso niyo kasi hindi enough reason ang pagkakaroon ng maitim na kilikili to keep them down and make yourself uncomfortable. Idk why some of you are so pressed which leads me to ask,

“WHY ARE YOU SO OFFENDED?

“Also, tigilan niyo yung normalize normalize edgy attacks niyo. Wala akong gustong inormalize. I said it. BODY HAIR IS NORMAL. Why would you normalize something that is already normal? 😆
Also remember: What you say about me and other people says something more about you.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Yumaong Ina, Ginulat ang Kaniyang mga Anak Matapos Magpamana ng Tinatagong Yaman ng Kanilang Bayan!

Published

on

By

Hindi lubos akalain ng mga magkakapatid na ito na habang buhay babaguhin ng kanilang pumanaw na ina ang kanilang mga kapalaran dahil sa isang pamana na akala nila ay mumunti lamang.

Si Noel Suque, kabilang sa mga anak ng yumaong si Nanay Leoning ang nagbahagi ng kanilang kakaibang kwento sa social media na kalaunan ay umabot na sa GMA Sunday Documentary Show Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon kay Noel, lumaki sa hirap ang kanilang pamilya ngunit kahit kailan ang hindi naging salat ang kanilang buhay dahil punong-puno pa rin ito ng saya at pagmamahal, lalung-lalo dahil sa kanilang ina na sinigurado na lalaki silang maayos.

Kung kaya naman noong sumakabilang buhay ang kanilang ina labing pitong taon na ang nakararaan ay hindi sumagi sa isip nila na bisitahin ang “lupa” na paminsan-minsan ay binabanggit ng kanilang ina sa magkakapatid dahil akala nila ay kararampot lamang ito, at kailangan pang pag hatian.

Ngunit laking gulat na lamang nila noong yumao ang isa sa kanilang mga tiyahin, kung saan ibinunyag nito na dapat nilang bisitahin ang lupa, at ganoon na lamang ang sorpresa ng magkakatapid na aabot pala sa halos limang ektarya ang lupa ng kanilang ina!

Bukod sa mga palayan ay sakop din nito ang isa sa yaman ng kanilang bayan, isang ilog—at malapit sa 50-feet tall Bagacay Falls!

Agad namang nakitaan ni Noel ng potensyal ang lugar upang pagtayuan ng negosyo, Maaaring mag-alaga ng kambing sa mga gilid-gilid. Maraming puno.”

Laking pasasalamat man ay nag uumapaw pa rin ang pangungulila ni Noel sa kaniyang ina sa tuwing tinititigan niya ang kanilang lugar, “Parang may yumakap sa akin na malamig. Sabi ko, ‘Siguro kasama ko ang nanay ko.’”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Aiko Melendez, Kinailangang Isugod sa Ospital at Tahiin ang noo Matapos Kumain ng Ramen! Paano ito Nangyari?

Published

on

By

Kamakailan lamang ay kinailangang isugod sa ospital ng aktres na si Aiko Melendez matapos siyang maaksidente sa banyo ng sarili niya mismong bahay dahil sa hindi inaasahang dahilan.

Sa kaniyang Instagram update noong Setyembre 1, ipinakita niya ang resulta ng naging aksidente, at ibinahagi na kinailangan niyang makaranas ng 11 stitches sa kaniyang noo.

Pinag pasa-pasahan din siya di umano ng mga ospital at sa kabutihang palad ay tinanggap na siya ng pangatlong ospital na kanilang nilapitan.

Ayon sa kaniyang post, “At ang ending ko sa ER hospital, my forehead about to be stitched (sad emoji). third hospital na ‘to. Hopefully ma-accommodate nila ako. (crying emoji) Thank you Andre Yllana for rushing me here. (praying emoji)”

Sinundan naman ni Aiko ang post na ito matapos ang ilang oras.

“I am finally home… Thank you for all your messages (praying emoji) Blessed pa din ako hindi natamaan mata ko, ang hirap magkasakit nowadays. Buti in Malvar Hospital line awhile ago was not so long. Thank you Doc Niño Garcia Daffon who stiched my forehead. Praying for no keloid. Malalim yung sugat talaga (sad emoji)

“And it so painful … Lord thank You pa din po that I am better now,not feeling nausea or dizzy.”

Nang makausap naman siya ng PEP.ph ay inamin niya ang kagulat-gulat na bagay kung bakit nangyari ang insidente.

“Kasi sumusuka ako tapos medyo nahilo ako, humampas ang ulo ko sa sink.”

Maanghang na ramen di umano ang dahilan kung bakit siya nahilo at nahirapang hanapin ang kaniyang balanse, na nag resulta sa kaniyang malakas na pagka untog.

Iginiit din niyang hindi siya buntis.

“Hindi ako buntis! Kasi may nakain ako so pagsuka ko sa sink medyo nahilo ako.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Andrea Brillantes, umani ng iba’t ibang reaksyon online dahil sa kaniyang “threatened” na pahayag ukol sa mga bagong artista

Published

on

By

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang aktres na si Andrea Brillantes matapos niyang aminin ang kaniyang totoong saloobin patungkol sa mga bagong pausbong na artista ngayon sa showbiz.

Sa kaniyang kwentuhan kasama ang kaniyang ka lovetea na si Seth Fedeline para sa vlog ng kanilang channel na The Gold Squad Plus, ibinunyag ni Andrea na bagamat masaya siya para sa mga baguhang artista ay hindi niya maiwasang kwestyunin ang kaniyang kakayahan dahil di tulad ng iba ay inabot siya ng maraming taon sa showbiz bago niya makuha ang inaasam-asam na big break.

Ayon kay Andrea, ito ang bagay na pinaka ayaw niyang na eexperience bilang artista.

“Antagal ko na kasi di ba, sobrang sakit sakin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag, ako,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Yun ako, ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon.”

“Tapos etong bagong to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyaan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba.”

Para kay Andrea, sa tuwing nakaka saksi siya ng ganoong pangyayari ay tila isa siyang pinggan na binabasag dahil harap-harapang ipinapamukha sa kaniya ang mistulang “easy access” patungo sa kasikatan.

“Anong kulang sakin, ano pa bang dapat kong gawin.”

Ngunit hindi naman ito nagustuhan ng netizens at marami sa kanila ang nag aasam na mas matutunan ng dalaga na magpasalamat na lamang sa mga naging bunga ng kaniyang paghihirap kahit hindi naging ganoon kadali ang kaniyang lakbay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending