Connect with us

amazing

Vice Ganda, Inaming Tuluyang Niyang Iniiwasan ang mga Bagay na ito Dahil Kay Ion Perez

Published

on

Bukod sa pagmamahal at kasiyahang tinatamasa ng aktor at TV host na si Vice Ganda sa kaniyang long time boyfriend na si Ion Perez, isa pang bagay na proud siyang naranasan dahil sa kanilang relasyon ay nagawa niyang talikuran ang lahat ng kaniyang masasamang bisyo noong siya ay single pa.

Sa pakikipag kwentuhan sa kaniyang dating manager na si Ogie Diaz, inamin ni Vice na may kakaibang payapang dala si Ion buhay niya.

“Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion.” saad ni Vice.

Eto rin ang dahilan kung bakit todo ang pasasalamat ni Vice na dumating ang kasintahan sa buhay niya.

“Si Ion kasi hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya ‘yung buhay ko,” pagbabahagi ni Vice.

At kung dati ay hindi mapakali si Vice na hindi lumalabas at gumigimik, nagbago umano ang lahat noong nakilala niya si Ion.

Bukod pa rin ay napag tagumpayan na rin ng host na talikuran ang pag iinom, paninigarilyo at napaka raming bisyo.

“Dati di ba gabi-gabi nga rampa ako ng rampa, so tinalikuran ko ‘yun. Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko. Pag-inom, hindi na rin ako umiinom di ba? Hindi na ako gumi-gimik. Si Ion lang sapat na, totoo ‘yun. Sapat na ako kay Ion na nagtatrabaho ako nandiyan si Ion nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa,” paglalahad ng komedyante.

Kung kaya naman makikita na masaya ang dalawa sa isa’t isa, lalo na si Vice na matagal ding nasaksihan ng kaniyang mga fans na naging paulit-ulit na-ibig.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Yumaong Ina, Ginulat ang Kaniyang mga Anak Matapos Magpamana ng Tinatagong Yaman ng Kanilang Bayan!

Published

on

By

Hindi lubos akalain ng mga magkakapatid na ito na habang buhay babaguhin ng kanilang pumanaw na ina ang kanilang mga kapalaran dahil sa isang pamana na akala nila ay mumunti lamang.

Si Noel Suque, kabilang sa mga anak ng yumaong si Nanay Leoning ang nagbahagi ng kanilang kakaibang kwento sa social media na kalaunan ay umabot na sa GMA Sunday Documentary Show Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon kay Noel, lumaki sa hirap ang kanilang pamilya ngunit kahit kailan ang hindi naging salat ang kanilang buhay dahil punong-puno pa rin ito ng saya at pagmamahal, lalung-lalo dahil sa kanilang ina na sinigurado na lalaki silang maayos.

Kung kaya naman noong sumakabilang buhay ang kanilang ina labing pitong taon na ang nakararaan ay hindi sumagi sa isip nila na bisitahin ang “lupa” na paminsan-minsan ay binabanggit ng kanilang ina sa magkakapatid dahil akala nila ay kararampot lamang ito, at kailangan pang pag hatian.

Ngunit laking gulat na lamang nila noong yumao ang isa sa kanilang mga tiyahin, kung saan ibinunyag nito na dapat nilang bisitahin ang lupa, at ganoon na lamang ang sorpresa ng magkakatapid na aabot pala sa halos limang ektarya ang lupa ng kanilang ina!

Bukod sa mga palayan ay sakop din nito ang isa sa yaman ng kanilang bayan, isang ilog—at malapit sa 50-feet tall Bagacay Falls!

Agad namang nakitaan ni Noel ng potensyal ang lugar upang pagtayuan ng negosyo, Maaaring mag-alaga ng kambing sa mga gilid-gilid. Maraming puno.”

Laking pasasalamat man ay nag uumapaw pa rin ang pangungulila ni Noel sa kaniyang ina sa tuwing tinititigan niya ang kanilang lugar, “Parang may yumakap sa akin na malamig. Sabi ko, ‘Siguro kasama ko ang nanay ko.’”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Aiko Melendez, Kinailangang Isugod sa Ospital at Tahiin ang noo Matapos Kumain ng Ramen! Paano ito Nangyari?

Published

on

By

Kamakailan lamang ay kinailangang isugod sa ospital ng aktres na si Aiko Melendez matapos siyang maaksidente sa banyo ng sarili niya mismong bahay dahil sa hindi inaasahang dahilan.

Sa kaniyang Instagram update noong Setyembre 1, ipinakita niya ang resulta ng naging aksidente, at ibinahagi na kinailangan niyang makaranas ng 11 stitches sa kaniyang noo.

Pinag pasa-pasahan din siya di umano ng mga ospital at sa kabutihang palad ay tinanggap na siya ng pangatlong ospital na kanilang nilapitan.

Ayon sa kaniyang post, “At ang ending ko sa ER hospital, my forehead about to be stitched (sad emoji). third hospital na ‘to. Hopefully ma-accommodate nila ako. (crying emoji) Thank you Andre Yllana for rushing me here. (praying emoji)”

Sinundan naman ni Aiko ang post na ito matapos ang ilang oras.

“I am finally home… Thank you for all your messages (praying emoji) Blessed pa din ako hindi natamaan mata ko, ang hirap magkasakit nowadays. Buti in Malvar Hospital line awhile ago was not so long. Thank you Doc Niño Garcia Daffon who stiched my forehead. Praying for no keloid. Malalim yung sugat talaga (sad emoji)

“And it so painful … Lord thank You pa din po that I am better now,not feeling nausea or dizzy.”

Nang makausap naman siya ng PEP.ph ay inamin niya ang kagulat-gulat na bagay kung bakit nangyari ang insidente.

“Kasi sumusuka ako tapos medyo nahilo ako, humampas ang ulo ko sa sink.”

Maanghang na ramen di umano ang dahilan kung bakit siya nahilo at nahirapang hanapin ang kaniyang balanse, na nag resulta sa kaniyang malakas na pagka untog.

Iginiit din niyang hindi siya buntis.

“Hindi ako buntis! Kasi may nakain ako so pagsuka ko sa sink medyo nahilo ako.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Andrea Brillantes, umani ng iba’t ibang reaksyon online dahil sa kaniyang “threatened” na pahayag ukol sa mga bagong artista

Published

on

By

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang aktres na si Andrea Brillantes matapos niyang aminin ang kaniyang totoong saloobin patungkol sa mga bagong pausbong na artista ngayon sa showbiz.

Sa kaniyang kwentuhan kasama ang kaniyang ka lovetea na si Seth Fedeline para sa vlog ng kanilang channel na The Gold Squad Plus, ibinunyag ni Andrea na bagamat masaya siya para sa mga baguhang artista ay hindi niya maiwasang kwestyunin ang kaniyang kakayahan dahil di tulad ng iba ay inabot siya ng maraming taon sa showbiz bago niya makuha ang inaasam-asam na big break.

Ayon kay Andrea, ito ang bagay na pinaka ayaw niyang na eexperience bilang artista.

“Antagal ko na kasi di ba, sobrang sakit sakin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag, ako,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Yun ako, ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon.”

“Tapos etong bagong to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyaan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba.”

Para kay Andrea, sa tuwing nakaka saksi siya ng ganoong pangyayari ay tila isa siyang pinggan na binabasag dahil harap-harapang ipinapamukha sa kaniya ang mistulang “easy access” patungo sa kasikatan.

“Anong kulang sakin, ano pa bang dapat kong gawin.”

Ngunit hindi naman ito nagustuhan ng netizens at marami sa kanila ang nag aasam na mas matutunan ng dalaga na magpasalamat na lamang sa mga naging bunga ng kaniyang paghihirap kahit hindi naging ganoon kadali ang kaniyang lakbay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending