Connect with us

amazing

Mag-Inang, Hindi Inaasahang Natuklasan Ang Bagay na ito sa Bag ng Kanilang Padre de Pamilya Matapos Itong Bawian ng Buhay

Published

on

Isa sa pinaka gasgas na kasabihan sating mga Pilipino ay ang ” Kapag may isinuksok, may madududkot”. napakahalaga ng pera para sa atin lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Sobrang laking bagay ng pag-iipon lalo na kapag nangailangan tayo ay alam nain kung saan kukuha.

Tulad na lamang ng isang pamilya na namatayan ng ama. Ayon sa Facebook post ni Dy Dela Paz, isa sa mga pinoproblema nila ay ang perang gagamitin sa pagpapalibing ng kanilang ama. hindi nila alam kung saan kukuha o manghihiram lalo na’t pandemya.

Ngunit ang problemang iyon ay natapos ng mapansin nila ang isang bag na pinakatatago ng ama ni Dy. Nang buksan na nila ang bag na natagpuan ay nagulat ang pamilya sa nakita ng mga ito. Ang bag ay punong-puno ng mga pera.

Dahil doon, naalala nila ang laging sinasabi ng ama sa kanilang nanay na hindi na umano nito kilangan mag withdraw sa bangko dahil may pera naman silang pamilya.

Nang matagpuan at malaman kung ano ang laman ng bag ay nabuo ang kanilang haka-haka na nandoon ang perang tinutukoy ng kanilang ama. Ni hindi rin daw ito pinapalabhan ng kanilang ama at lagi itong bitbit. Ang pera ay nakabalot sa papel at plastic ng hamburger.

Sabi sa post ni Dy

“HANGGANG SA HULI TAY KAMI PA DIN INIISIP MO”

Ang pamilya nila Dy na noon ay hindi alam kung saan kukuha ng malaking halaga ay ngayong hindi na ito iniisip, dahil ang perang nakuha nila sa bag ng yumao nilang ama ay umabot sa halagang dalawang daan at limang libong piso.

Sapat na upang maipalibing ang ama.

Maraming netizens ay humanga at natuwa sa kwento ni Dy.

Ang kwento ng ama ni Dy ay isa lamang sa mga patunay na mahalaga ang pag-iipon dahil hindi natin alam kung kailan ito kakailanganin.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Jane De Leon, Mamaalam Na Sa Ang Probinsyano Upang Gawin Ang Bagay Na Ito

Published

on

By

Laking gulat ng mga taga-suporta ng long time running ABS CBN prime time series na Ang Probinsyano ang biglaang pag-exit ng aktres na si Jane de Leon kahit na on going pa rin ang serya.

Ayon sa anunsyo na ginawa ng ABS CBN sa kanilang official Facebook account ay kailangan nang umalis ng karater ni Jane sa palabas upang makapag handa na ito sa pag uumpisa ng taping ng Darna na halos anim na taon nang pinaghahandaan ng network.

“Lilipad na sa wakas bilang Darna si Jane de Leon at magsisimula nang mag-taping para sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ngayong Setyembre.

“Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan niya ginagampanan ang karakter ni Capt. Lia Mante.

“Mapapanood ang mas maaksyong FPJ’s Ang Probinsyano sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon.”

Matapos ang mahabang proseso ng paghahanda ng ABS CBN para sa Darna the Movie ay lubos na ikinagagalak ni Jane ang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ng kompanya upang mapatunayan ang kaniyang kalidad bilang aktres.

“Akala ko postponed, hindi na matutuloy. Ayoko talaga mag-expect.

“Yun ang pinaka-prinomise ko kay Lord na ayoko mag-expect ng kahit ano because alam ko naman na may darating na blessings.

“And then, yun ang sinabi ko dati habang nag-audition ako sa mga boss.”

Dagdag pa niya, “Sinabi ko sa kanila na, ‘If hindi po talaga para sa akin ito, naiintindihan ko na baka para talaga sa ibang tao or para sa ibang nararapat na artista. Pero kung ibibigay niyo po sa akin ito at pagkakatiwalaan niyo po ako, nagpapasalamat po talaga ako.'”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Mariel Padilla, Nanindigang Hihiwalayan Ang Asawang Si Robin Kapag Nangbabae Ito!

Published

on

By

Binigyan ng pagkakataon ni Mariel Padilla ang kaniyang asawang si Robin na klaruhin ang kaniyang pahayag ukol sa tukso at pangbabae sa vlog ni Ogie Diaz kung saan ibinunyag niya na hiwalay na ang kaniyang anak na si Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica dahil sa third party.

Sa bagong vlog na inupload ng aktres ay muli niyang tinanong ang kontrobersyal na pahayag ni Robin ukol sa pangangalunya.

“Kasi sa panahon ngayon, huwag na tayong maglokohan. Panahon ngayon, hindi ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

Paglilinaw ni Robin, “Ako ay nagsasalita sa aking experience. Experience ‘yon nung ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan,”

Bumwelta rin siya sa mga nambabatikos sa kaniya, “Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it. Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo ‘yung interview,” saad ni Robin. “’Yung iba dun lang sa caption, binanatan na ‘ko nang sobra-sobra.”

Dagdag pa niya, “Ibig kong sabihin hindi ka dapat umabot sa punto na ‘yon, di ba? Hindi porke’t sinabi na natukso ka, e, may ginawa ka na. Ang sama naman mag-isip ng mga ‘yon. Napaka… masyado ka nang forward,”

Humirit pa si Robin na minsan day ay pinapayagan siya ni Mariel na tumingin sa ibang mga babae lalo na kung nasa ibang bansa sila.

Buwelta ng aktres, “Hindi ako pumapayag. Never ako pumayag,”

Sabi naman ni Robin ay wala rin daw siyang balak ipagmayabang ang kaniyang nakaraan sa mga babae.

“Kasi, hindi ipinagyayabang ang pagiging loyal. Ang pagiging loyal ay ginagawa, hindi ‘yun sinasabi. Pagka masyado kang talkies, baka kulang sa walkies. Ang tukso sa atin ay realidad,” pahayag nito.

Ayon pa sa aktor, “Huwag tayong masyadong defensive. Huwag tayong masyadong feeling guwapo. Kasi ‘pag masyado tayong feeling guwapo na, ‘Di. Kaya ko ‘yung mga temptasyon. Di. Kaya ko ‘yon,’ delikado ‘yon.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

DJ Loonyo, Umalma Sa Fake News Na Pahayag Niya Patungkol Sa Pagkapanalo Ni Hidilyn Diaz

Published

on

By

Pumalag ang internet sensation at Youtube vlogger na si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa totoong buhay matapos kumalat ang “Fake News” niyang pahayag ukol sa pagkapanalo ng gold medal ni Hidilyn Diaz sa #Tokyo2020 Olympics.

Isang Facebook page na may pangalang “Bakkler’ ay nagpost ng isang material kung saan tinawag di umano ni Loonyo na “toxic” si Hidilyn dahil sa kaniyang pagtamasa ng mga gantimpala matapos niyang masungkit ang medalya.

“CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO. PEOPLE NOWADAYS NGA NAMAN, MAS PIPILIIN ANG EASY MONEY KAYSA MAGTRABAHO NANG MARANGAL. YUNG IBA DYAN KAYOD-KALABAW TAPOS IKAW UMAASA LANG SA BIGAY?”

Agad namang nakarating sa vlogger ang balitang ito at nagbigay naman siya ng pahayag sa kaniyang Facebook page upang pabulaanan ang lahat.

Ayon sa internet star, “Di na talaga natapos yung page na to kakagawa ng FAKE NEWS (FACT CHECK AND MAGBASA)

“HAY NAKO, PINOY HIHILA SA KAPWA PINOY!

“ANG TANONG SINO BA TALAGA ANG “BOBO”?

Nagbigay babala rin siya sa mga netizens na agad-agad naniniwala sa mga nakikita nila sa social media.

“Kapwa, Kababayan kong pilipino naman, kung makareact, makatawag ng “BOBO” “BOGO”, kala mo talaga kung sino. Guys, kapwa ko pilipino, taasan naman natin konti yung frequency natin pagdating sa ganto, Make sure, Credible yung shinishare at pinapaniwalaan niyo..”

Photo by Josh Albelda/Rappler

Taliwas sa kumakalat na maling balita ay iginiit ni Loonyo na proud na proud siya sa achievement ng ating kababayan.

“PROUD NA PROUD AKO SA KABABAYAN NATIN Hidilyn Diaz AT ALAM KO ANG HIRAP AT PAGDURUSA MAIREPRESENT LNG ANG BANSA.

“IDOLO AT INSPIRISYON SYA NG MGA KABATAAN AT ATLETA. SINABIHAN NIYO KONG MAGRESEARCH MUNA DIBA? KAYO BA?”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending