Connect with us

health

Babae, Nagbabala sa Masamang Epekto ng Pagpupuyat sa Cellphone at Pag Tulog ng Basa ang Buhok!

Published

on

Mahilig ka rin bang magpuyat habang tumitingin sa iyong cellphone? Kung oo, paniguradong ititigil mo na ang habit mo pag nalaman mo ang nangyari sa babaeng ito! Isang concerned netizen ang nagbabala sa social media ng masamang epekto ng pagpupuyat kaka-cellphone at pagtulog ng basa ang iyong buhok.

Kamakailan lang, ibinahagi ng netizen na si Pamela Rollo ang kanyang karanasan. Kasalukuyan niyang nilalabanan ang Bell’s Palsy, isang kondisyon na nakakaapekto sa kanyang mukha at mata. Ayon kay Pamela, naniniwala siya na ang pagpupuyat at pagtulog ng basa ang buhok ang sanhi nito.

Read More: Mga Magulang, Labis ang Hinagpis Matapos Ipanganak ng Walang Mata ang Kanilang Anak

“Nagsimula sa pagbaba ng dugo at pagbaba ng potassium ng katawan. Hanggang sa hindi na natural na pagluluha ng mata at hindi paggalaw ng kanang bahagi ng labi, hindi pag-pikit ng kanang mata, hindi pag-galaw ng kanang kilay at pagtabingi ng kanang pisngi.”

Ang Bell’s Palsy ay isang kondisyon kung saan napaparalisa ang iyong facial muscles. Maaari itong makaapekto hindi lamang sa iyong mata, kundi maging sa iyong pandinig. Ang mga taong may Bell’s Palsy ay nahihirapan rin makadinig, nawawalan ng panlasa sa pagkain, at hindi makontrol ang paggalaw ng kanilang eyelids.

Aminado rin si Pamela na napabayaan niya ang kanyang kalusugan. Mahilig rin daw siyang magpuyat habang nagse-cellphone, at hindi na rin siya kumakain ng mga healthy foods bagkus ay puro fastfood na lang. Dagdag pa dito ang madalas niyang pag-inom ng milk tea.

“Kaya kung stress ka, sis paki-usap matulog kana. Tanghalian at hapunan fast food? Sis, umuwi kana sa bahay kana kumain. MILK TEA, yes you read right, naadik ako sa milk tea,” dagdag pa nito. Pinayuhan niya rin ang mga netizens na maging mas maingat sa kanilang lifestyle upang hindi maranasan ang kanyang karamdaman.

“Now I am currently taking corticosteroid drvgs to reduce inflammation. Going to hospital everyday for physical therapy. Taking vitamin B for maintaining good health and well-being. Eye drops to prevent impeksyon. Praying for my fast recovery.”

Read Also: Silipin ang Buhay Ngayon ni ‘Killer Smile’ Rainier Castillo at Dating Ka-partner rin ni Yasmien Kurdi

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

health

Mahilig Ka Bang Gumamit ng Cellphone Bago Matulog? May Masamang Epekto Ito sa Iyong Kalusugan

Published

on

Karamihan sa atin ay palaging nakatutok sa ating mga smartphones. Mula paggising hanggang sa pagtulog, ito ang unang-unang hinahanap natin sa umaga. Ngunit alam niyo ba na may masamang epekto pala sa iyong kalusugan? Ayon sa mga eksperto, ito ang maaaring mangyari sa iyo kapag nagse-cellphone ka bago matulog.

Ang iyong smartphone ay mayroong blue light, at maaari itong makaapekto sa iyong pagtulog sa gabi. Ang blue light ay nakakasagabal sa production ng melatonin hormone sa iyong katawan. Ang hormone na ito ang nagpapatulog sa iyo, kaya naman mahihirapan kang antukin kung lagi kang exposed sa blue light.

Read More: Sleep Paralysis: Ayon sa mga Eksperto, Ito ang Dahilan Kung Bakit ka Nakakaranas Nito

Night time connection

Narito ang iba pang epekto ng paggamit ng smartphone bago ka matulog:

1. Maaaring makasira ng iyong mata

Ang madalas na paggamit ng cellphone ay mayroong masamang epekto sa iyong paningin. Ayon sa mga eksperto, kapag lagi kang nakatitig sa screen ay maaari nitong ma-damage ang iyong retina. Makakaapekto ito sa iyong paningin lalo na kapag hindi naagapan.

2. Maaaring makaranas ng depresyon

Bukod sa iyong physical health, may masamang epekto rin sa iyong mental health. Kapag ikaw ay nakakaranas ng unhealthy sleeping patters, mas at risk kang magkaroon ng depression. Maaari rin itong mag-resulta sa pagiging makakalimutin at pagod tuwing umaga.

3. Naaapektuhan ang iyong memorya

Ayon sa mga eksperto, ang iyong utak ay direkta ring naaapektuhan ng labis na pagtitig sa smartphones. Kung ikaw ay kulang sa tulog, maaaring mahirapan kang makapag-focus at magiging makakalimutin ka dahil sa damaged connections sa iyong utak.

4. Risk ng cancer

Ang ating mga smartphones ay mayroong electromagnetic radiation. Ito ay nali-link sa ibang types ng cancer, at madadagdagan ang iyong risk na magkaroon ng malalang sakit na ito kung palagi mong hawak ang iyong cellphone.

Read Also: 2-Taong Gulang na Bata na Lumabas Lang ng Bahay, Nasawi Matapos Mahulog sa Balon, Paano ito Nangyari?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

health

Ayon kay Dr. Ong, Ito ang mga Senyales na Mayroon Kang Problema sa Kidney

Published

on

Taon-taon, milyon-milyong tao sa buong mundo ang dumaranas ng kidney problems. Ang ating kidney o bato ay napakahalagang organ, dahil ito ang sumasala sa mga fluids sa ating katawan. Kaya naman kapag nagkaroon ito ng problema ay maaaring maapektuhan ang iyong kalusugan.

Ngunit ano nga ba ang mga sintomas ng kidney disease? Ibinahagi ng sikat na internist at cardiologist na si Dr. Willie Ong ang mga sintomas ng kidney problems na dapat mong agapan. Ayon kay Dr. Ong, mahalaga ang routine check-up upang maagapan ang mga ito.

Read More: Sleep Paralysis: Ayon sa mga Eksperto, Ito ang Dahilan Kung Bakit ka Nakakaranas Nito

1. Palaging pagod

Ikaw ba ay palaging nakakaramdam ng pagod? Kung oo, marahil ay mayroon ng build-up ng toxins at impurities ang iyong dugo. Ayon kay Dr. Ong, maaari rin daw itong mag-resulta sa poor focus, anemia, at fatigue.

2. Dry at nangangating balat

Ang kidney ay nagtatanggal ng mga waste at toxins sa iyong katawan. Kaya naman kung hindi ito nagpa-function nang maayos, maaaring magkaroon ng imbalance sa mga minerals at nutrients sa iyong dugo, na magre-resulta sa dry at nangangating balat.

3. Dugo sa iyong ihi

Tuwing umiihi ka, napapansin mo rin ba na tila kulay pink ito? Maaaring dahil iuto sa dugo na humahalo sa iyong ihi. Ayon kay Dr. Ong, senyales ito ng kidney stones o impeksyon sa bato. Kapag napansin mong mayroon ka nito ay kumonsulta ka na agad sa doktor.

4. Madalas na pag-ihi

Madalas ka bang napapatakbo sa CR dahil panay ang iyong pag-ihi? Ayon kay Dr. Ong, isa rin itong sintomas na maaaring may sakit ka sa kidney. Kadalasan, tuwing mayroong damage ang iyong kidney filters ay mas mapapadalas ang iyong pag-ihi.

Read Also: 2-Taong Gulang na Bata na Lumabas Lang ng Bahay, Nasawi Matapos Mahulog sa Balon, Paano ito Nangyari?

Para sa iba pang impormasyon, panoorin ang buong video ni Dr. Willie Ong dito:

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

health

Sleep Paralysis: Ayon sa mga Eksperto, Ito ang Dahilan Kung Bakit ka Nakakaranas Nito

Published

on

ANakaranas ka na rin ba ng sleep paralysis? Karamihan sa atin ay nakaranas na nito. Nangyayari ang sleep paralysis tuwing bigla kang nagigising mula sa iyong pagkakahimbing, at hindi ka makagalaw. Maaari ka ring makaranas ng kakaibang hallucinations o suffocation, kaya naman nakakatakot talaga ang pangyayaring ito.

Ang pagkawala ng muscle control tuwing nakakaranas ka ng sleep paralysis ay isang kondisyon na tinatawag na ‘atonia.’ Bukod pa dito, maaari ka ring makaramdam ng chest pressure at hallucinations, kaya naman naikukumpara sa ‘bangungot’ ang sleep paralysis.

Read More: Nanay na Nagising sa Operasyon, Laking Gulat Matapos Makita ang Mukha ng Kanyang Sanggol

Ayon sa eksperto, maraming tao rin ang nakakaranas ng sleep condition na ito. Base sa isang pag-aaral, 8% ng mga tao ang nakaranas na ng sleep paralysis. Mapa bata man o matanda ay nakakaranas nito, ngunit kadalasan ay nangyayari ito sa edad na pitong taong gulang hanggang 25-anyos.

Normal din daw na mayroon kang makitang nakakatakot na nilalang tuwing nakakaranas ng sleep paralysis.

Karamihan sa mga nakaranas na nito ay nagsabing nakakita sila ng multo o di kaya’y demonyo na nakadagan sa kanilang dibdib. Ang mga hallucinations na ito ay laging nali-link sa sleep paralysis, at bunga lamang ito ng iyong isip.

Ayon sa mga eksperto, may mga bagay rin na maaaring makaapekto kung gaano ka kadalas magkaroon ng sleep paralysis. Kung ikaw ay stressed, may anxiety, laging puyat, may PTSD, jet lag, dumaranas ng heartbrun, o laging umiinom ng alak ay mas mataas ang tsansa mong makaranas nito.

Ano ang magagawa mo para maiwasan ito? Ang pagkakaroon ng healthy sleep schedule ay makakatulong.

Bukod pa dito, inirerekomenda rin ng mga eksperto na magkaroon ng bedtime routine upang masanay ang iyong katawan. Ang pageehersisyo ng regular ay malaki rin ang maitutulong sa iyong sleep quality.

Read More: Pinatigil ang Eroplano Matapos Makita ang Itinatago ng Flight Attendant na Ito sa Kanyang Suitcase!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

Continue Reading

Trending