Connect with us

Celebrities

Ysabel Ortega, Ipinasilip ang Mala-Resort na Bali-Inspired Dream Home sa La Union!

Published

on

Para sa mga artista, importante ang pagkakaroon ng personal space na mapagpapahingahan nila matapos ang nakakapagod na trabaho. Talaga nga namang nakakarelax na makitang maayos at maaliwalas ang bahay na uuwian mo. Kaya naman karamihan sa mga celebrities ay gumagastos ng milyon-milyon para lamang mapaganda ang kanilang dream home.

Isa na sa kanila ang aktres na si Ysabel Ortega. Kabilang si Isabel sa mga pinakasikat na artista sa Kapamilya network.

Siya ang gumanap na Charlotte o Charlie sa soap opera na “Pusong Ligaw.” Ngunit alam niyo ba na bukod sa pag-arte, may isa pang natatagong talento si Ysabel? Ito ay ang pagdedecorate sa kanilang dream home!

Read More: Pinay OFW, Naging Instant Milyonarya Matapos Itaya ang Kahulihulihan Niyang Pera sa Lotto!

Sa kalagitnaan ng pandemic, nananatili ang Kapamilya actress sa kanilang bahay sa La Union. Dito rin niya ginugugol ang kanyang oras sa online classes.

Kamakailan lang, ibinahagi ng aktres sa kanyang Youtube channel ang exclusive home tour ng kanilang Bali-inspired na dream home.

Sa pagpasok mo pa lang sa front door, mararamdaman mo ang mainit na pag-welcome sayo dahil sa cozy vibes ng kanilang bahay.

Ayon sa aktres, lahat ng mga furniture na ginamit nila sa bahay ay gawang lokal, kaya naman bukod sa maganda at matitibay pa ang mga ito. Isa rin daw siya sa pumili sa mga artworks na babagay sa kanilang tahanan.

Ayon kay Ysabel, halo-halong inspirasyon ang disenyo ng kanilang bahay. Mayroon itong elements ng modern Balinese, at mayroon ring Filipino design.

Karamihan sa kanilang mga gamit ay mula sa Triboa Bay Living, gaya na lamang ng mga chandelier at scuplture. Talagang napakasosyal ng mga ito!

Bukod pa dito, ipinasilip rin ni Ysabel ang kanilang pool area kung saan sila madalas nagre-relax. Mala-resort ang lawak nito, at mayroon silang regular pool, kiddie pool, at jacuzzi. Mula sa pool area ay makikita rin ang napakagandang tanawin ng La Union na nagpapa-relax sa aktres.

Read More: Bumbero, Ipinakita na Maaari Palang Buksan ang Grills ng Bintana ng Mag-Ina na Na-Trap sa Sunog

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Celebrities

Isang Lalaki ang Pilit Binuksan ang Pinakamalaking Teddy Bear at Nung Makita Niya ang Laman ay Nadismaya Siya

Published

on

By

Minsan mo na rin bang naisip kung ano pa ang maaring laman ng mga stuffed toys bukod sa kumpol-kumpol na bulak?

Madalas na sasabihin ng iba ay mga nakakatakot na bagay na maaring hindi makapag patulog sa iyo sa gabi, ngunit sa katotohanan ay damit ang kapalit na pang lagay sa loob ng mga teddy bear upang mapanatili ang hulma nito.

Isang vlogger naman na may Youtube channel na nagngangalang ‘What’s Inside?” ang naisipang alamin kung ano ang buong nilalaman ng teddy bear na tinaguriang pinaka malaki sa mundo, at ito ay ang giant costo bear.

Ang Giant Costco Bear ay isa sa mga naging trend sa kasagsagan ng pandemic noong 2020, dahilan upang ang maging isa ito sa pinaka sikat na teddy bear sa buong mundo.

Sa video na ibinihagi ng What’s Inside, sinubukan nilang hatiin at buksan ang mismong loob ng stuffed toy upang makita kung ano ang mga materyales na nasa loob nito.

At laking gulat na lamang nila ng makitang bukod sa bulak sa ay mayroon pang kakaibang bagay na nandoon!

Sa laki niyang 236.22 centimetres (93 inches) ay nakakita sila ng iilang mga unan sa loob, kabilang na ang isang malaki at mahabng body pillow na nagsisilbing alalay ng buong katawan nto.

Sinubukan naman ng vlogger na pumasok sa loob ng mismong teddy bear upang mag kunwaring mascot, at ganun na lamang ang naging tawanan nila dahil di hamak na mas malaki pa ang laruan kaysa sa mismong tao!

Samantala, nagbigay naman ng iba’t ibang komento ang mga viewers sa kanilang napanuod.

“I just want to see the video of them buying the bears in the store…the looks on people’s faces would be priceless haha”

“I’ve been wanting to have that kind of giant bear can’t even afford it, and u just blew it, really broke my heart😢.rip teddy”

“classic family bonding time :)”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Angel Locsin, Magiging Buhay-Reyna Matapos Pakasalan ang Tagapagmanang si Neil Arce

Published

on

Isa si Angel Locsin sa mga pinakahinahangaang personalidad sa showbiz. Talagang maraming kalalakihan ang ibibigay ang lahat mabihag lamang ang puso ng Kapamilya aktres. Bukod sa kanyang taglay na kagandahan, hindi maipagkakailang mabuti rin ang kalooban nito.

Ngunit may isang maswerteng lalaki na ang bumihag sa puso ni Angel! Si Neil Arce, isang film producer, ang kasalukuyang fiance ni Angel.

Ilang taon na rin ang relasyon ng dalawa, at noong taong 2019, tuluyan na ngang nag-propose si Neil sa kanyang girlfriend. Agad namang ibinigay ni Angel ang matamis na oo niya. Ayon sa celebrity couple, maaaring maganap ang kasal nila ngayong 2021.

Read More: Kilalanin ang Nanay ni Inigo Pascual at dating partner ni Piolo na si Donna Lazaro

Hindi maipagkakailang napakaswerte ni Neil sa kanyang fiance, ngunit maging si Angel ay pinalad rin sa kanyang soon-to-be husband.

Bukod sa kabutihang loob nito, talentado rin si Neil sa larangan ng paggawa ng pelikula. At paniguradong magiging secured ang future ng mag-asawa dahil tagapagmana si Neil ng kanilang family business.

Bukod sa pagiging film producer nito, kilala rin si Neil sa larangan ng poker. Sa katunayan, naging champion na rin siya sa mga international poker games. Sumali rin si Neil sa Asian Poker Tour Championships, at isa rin siya sa mga shareholders ng Metro Card Club sa Pilinas.

“Napakasuwerte ni Angel dahil napakaresponsableng lalaki ang pakakasalan niya. Nakatrabaho na namin siya, kapag may sinabi siya, tinutupad niya. Huwag na ang sobrang yaman ni Neil, nag-iisang tagapagmana kasi siya ng family nila, hindi ‘yun mauubusan!” Ito ang pahayag ng isa sa mga katrabaho ng celebrity couple.

Maraming tao ang humahanga sa katatagan ng relasyon ni Neil Arce at Angel Locsin. Kahit ano mang pagsubok o kontrobersya ang dumating sa kanila, hinaharap nila ito ng magkasama. Kaya naman napakaswerte ni Neil at Angel sa isa’t-isa.

Read More: Sexy Pinay Celebrities na Ginulantang ang Publiko sa Kanilang Biglaang Pagbubuntis

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Celebrities

Mario Maurer, Mas Pipiliin Daw “Jowain” si Liza Soberano Kumpara kay Bea Alonzo!

Published

on

Kamakailan lang, muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang Thai actor na si Mario Maurer. Nagpaunlak ito ng interview sa virtual mediacon noong May 11, kung saan kasama niya ang dalawang Thai stars na sina Gulf Kanawut at Nonkul Chanon. Maraming fans rin ang kinilig matapos makisali si Mario sa “Jojowain o Totropahin” challenge.

Matapos ipaliwanag ang mechanics ng challenge, game na game naman si Mario na sumagot. Tinanong ito kung sino sa dalawang Pinay stars na sina Liza Soberano at Bea Alonzo ang pipiliin niya. Ayon sa 32-anyos na aktor, pang-jowa si Liza samantalang pang-tropa naman si Bea Alonzo para sa kaya.

Read More: Donnalyn Bartolome, Inofferan ng Isang Prinsipe ng mga Bagay na ito Para Maging Sugar Baby!

Bukod pa dito, pinuri rin ni Mario si Bea dahil sa galing nitong umarte. Ayon kay Mario, isa si Bea sa mga pinakamagaling at pinakahinahangaan niyang artista sa Pilipinas. Nais rin daw niyang ma-guide siya ni Bea kung sakaling gagawa siya ng pelikula dito sa Pinas.

Matatandaang noong March 22 ay nagpadala ng isang cease-and-desist letter ang kampo ni Mario kay Kakai. Ayon sa nakasaad sa letter, simula nang ma-link si Mario kay Kakai ay nalugmok ang career nito.

Marami rin daw projects ang nawala sa aktor, kaya naman pinakiusapan nila si Kakai na wag na muling gagamitin ang pangalan ni Mario.

“Thus, we would like to confirm that all the statements made by Catherine ‘Kakai’ Bautista are hereby denied as the same are all false and untrue. By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws.”

Kaugnay ito ng nagdaang interview ni Kakai, kung saan sinabi niyang paminsan-minsan ay nag-a-I love you pa rin sa kanya si Mario.

Matapos ito, agad nagpadala ng letter ang kampo ng aktor na may subject na: Demanding to Cease, Desist and Refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer. Bukod pa dito, nagbabala rin sila na kakasuhan si Kakai kapag hindi ito tumigil.

Read Also: Isang Kalapati, Usap-Usapan ng Netizens Matapos Maibenta Online sa Halagang 91 Million!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending