Connect with us

Trending

Scammer, Sinimot ang P15k na Laman ng Gcash na Pampagamot Sana sa Maysakit!

Published

on

Talagang malaki ang naitutulong ng social media sa panahon ngayon. Maraming taong nangangailangan ang nakakatanggap ng tulong matapos mag-post sa social media. Ngunit sa kabila ng lahat, mayroon pa ring mga mapagsamantalang tao na nanloloko online. Dahil sa modus ng mga scammers ngayon, kahit sino ay maaring maging biktima.

Ang masaklap pa, kung sino pa mismo ang mga nangangailangan, sila pa ang madalas mabiktima ng mga mapagsamantala ngayon. Kagaya na lamang ng nangyari sa binatang ito. Sa isang iglap, nasimot ang donations para sa kanyang tatay na may sakit matapos siyang lokohin ng isang scammer.

Read More: Kilalanin ang Panganay na Anak ni Ogie Diaz na Talaga Namang Artistahin sa Ganda!

Nag-post si Jayvee Buracan ng message sa social media, humihingi ng tulong para sa kanyang tatay na may sakit. Maraming netizens ang tumulong sa kanya, ngunit di niya akalain na mayroon ring magsasamantala sa kanila. Isang nagpakilalang Christian Perez ang nag-message sa kanya upang magbigay ng donasyon.

Ngunit imbes na tumulong, may maitim na balak pala ang scammer. Niloko nito si Jayvee, at pinaniwala siyang may makukuha siyang pera kapag ibinigay nya ang OTP ng Gcash niya. Sa isang iglap, sinimot ng scammer ang mahigit sa P15,000 na sana’y pampagamot ng kanyang tatay.

“Bakit naman po ganun? Kung sino pa nangangailangan siya pa bibiktimahin. Paki tulungan po ako please, paki trace po yung no. Please kung sino man may kakilala o may alam please. Walang wala napo ako. Di ko na po alam gagawin ko. Nag tiwala lang naman po ako pero nasobrahan,” pahayag ni Jayvee.

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa social media ang panlolokong ginawa ng scammer na ito na nagngangalang Daisy Dimaculangan. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 210,000 shares ang post na ito sa Facebook.

Read More: Ysabel Ortega, Ipinasilip ang Mala-Resort na Bali-Inspired Dream Home sa La Union!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Sikat na Contestant ng “Pinoy Got Talent” na si Joven Olvido, Arestado sa Buy Bust sa Laguna

Published

on

Naaalala niyo pa ba si Mark Joven Olvido? Isa siya sa mga memorable na contestant ng talent search program na “Pilipinas Got Talent.” Noong 2018, napabilang si Joven, mas kilala bilang ‘Vape Master,’ sa mga contestants ng Season 6 ng programa. Sumikat si Joven dahil sa angking talento niya sa vaping, at mas lalong naaliw ang mga judges dahil sa comedy skills nito.

Itinanghal na third runner-up si Joven sa programa. Ngunit kahit hindi siya ang naging grand champion, tumatak si Joven sa puso ng mga fans dahil sa personality nito.

Kamakailan lang, muli na namang naging usap-usapan si Joven sa social media. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi talento ni Joven ang nagpasikat sa kanya.

Read More: Angel Locsin, Magiging Buhay-Reyna Matapos Pakasalan ang Tagapagmanang si Neil Arce

Nadakip ang dating PGT contestant sa isang buy bust operation sa Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna noong May 14, 2021.

Ayon sa mga otoridad, matapos arestuhin ay may nakumpiska silang heat-sealed transparent sanchet na naglalaman ng hinihinalang ilegal na gamot mula kay Joven. Nagkakahalaga ito ng P2,000.

Ang buy-bust operation na ito ay matagal ng pinagpaplanuhan sa pangunguna ni P/Lt. Henry Sasaluyam at ng anim na kasamahan nito sa direct supervision ni P/Lt. Col. Arvin Avelino. Sa kalagitnaan ng operasyon, ang mga tauhan ng Sta. Cruz Municipal Police Station at miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency ang umaresto kay Joven.

Sa kabilang banda, sinubukan rin ng Philippine Entertainment Portal na kunin ang panig ng dating PGT contestant tungkol sa isyung kinasangkutan nito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag si Joven tungkol sa bagay na ito.

Bago maging contestant sa PGT, nagta-trabaho bilang tricycle driver si Joven. Matapos siyang sumali sa talent search, nagkaroon rin ng pagkakataon si Joven na maging cast ng iba’t-ibang pelikula at programa, gaya na lamang ng “Ang Probinsyano,” “3Pol Trobol, Huli Ka Balbon!”, at “Unli Life.”

Read More: Mario Maurer, Mas Pipiliin Daw “Jowain” si Liza Soberano Kumpara kay Bea Alonzo!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Celebrities

Isang Lalaki ang Pilit Binuksan ang Pinakamalaking Teddy Bear at Nung Makita Niya ang Laman ay Nadismaya Siya

Published

on

By

Minsan mo na rin bang naisip kung ano pa ang maaring laman ng mga stuffed toys bukod sa kumpol-kumpol na bulak?

Madalas na sasabihin ng iba ay mga nakakatakot na bagay na maaring hindi makapag patulog sa iyo sa gabi, ngunit sa katotohanan ay damit ang kapalit na pang lagay sa loob ng mga teddy bear upang mapanatili ang hulma nito.

Isang vlogger naman na may Youtube channel na nagngangalang ‘What’s Inside?” ang naisipang alamin kung ano ang buong nilalaman ng teddy bear na tinaguriang pinaka malaki sa mundo, at ito ay ang giant costo bear.

Ang Giant Costco Bear ay isa sa mga naging trend sa kasagsagan ng pandemic noong 2020, dahilan upang ang maging isa ito sa pinaka sikat na teddy bear sa buong mundo.

Sa video na ibinihagi ng What’s Inside, sinubukan nilang hatiin at buksan ang mismong loob ng stuffed toy upang makita kung ano ang mga materyales na nasa loob nito.

At laking gulat na lamang nila ng makitang bukod sa bulak sa ay mayroon pang kakaibang bagay na nandoon!

Sa laki niyang 236.22 centimetres (93 inches) ay nakakita sila ng iilang mga unan sa loob, kabilang na ang isang malaki at mahabng body pillow na nagsisilbing alalay ng buong katawan nto.

Sinubukan naman ng vlogger na pumasok sa loob ng mismong teddy bear upang mag kunwaring mascot, at ganun na lamang ang naging tawanan nila dahil di hamak na mas malaki pa ang laruan kaysa sa mismong tao!

Samantala, nagbigay naman ng iba’t ibang komento ang mga viewers sa kanilang napanuod.

“I just want to see the video of them buying the bears in the store…the looks on people’s faces would be priceless haha”

“I’ve been wanting to have that kind of giant bear can’t even afford it, and u just blew it, really broke my heart😢.rip teddy”

“classic family bonding time :)”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending

Ito ang Patunay na Kung Sino pa ang Salat sa Buhay, Sila pa ang Handang Tumulong sa Kapwa

Published

on

Sa panahon ngayon, kung sino pa ang mga taong walang-wala, sila pa ang handang tumulong sa kapwa. Masakit mang isipin ngunit maraming tao ang hindi tumutulong sa kapwa at mas pinipiling magbulag-bulagan. Sa kabila ng lahat, mayroon pa ring mabubuti ang puso na mas pinipiling tumulong sa mga nangangailangan kahit pa walang-wala sila, gaya na lamang ng mga taong ito.

Uso ngayon sa social media ang mga social experiment gaya na lamang ng ‘Pulubi Prank.’ Isa sa mga vloggers na gumawa nito ay si ‘Foreigngerms.’

Ayon sa kanya, nais niyang makita kung may mga taong handa pa ring tumulong sa iba. Kaya naman nag-disguise siya upang maging taong grasa.

Read More: Kilalanin ang Nanay ni Inigo Pascual at dating partner ni Piolo na si Donna Lazaro

Sa kanyang prank, nagsuot ng gutay gutay na damit ang vlogger. Plano rin niyang maglakad lakad sa kalsada at magpanggap na taong grasa na nanghihingi ng tulong mula sa mga tao.

Sa pamamagitan ng social experiment niyang ito, naipakita rin niya ang kabaitan nating mga Pinoy pagdating sa mga taong nangangailangan.

Mayroong tumanggi na bigyan siya, ngunit mas marami ang tumulong sa kanya. Kabilang sa mga nilapitan ni Foreigngerms ay ang mga tindero ng gulay, kwek kwek, ice cream, at buko vendor. Sinubukan niyang manghingi ng pera, ngunit dahil wala pang kita ang mga ito, binigyan na lang siya ng pagkain.

Hindi siya nabigo sa paglapit sa mga ito dahil bukas ang palad nila na tumulong. Isa sa mga vendor na nilapitan niy aay nagbigay sa kanya ng pagkain.

Dahil dito, labis na naantig ang puso ng vlogger matapos makita na kung sino pa ang walang-wala, sila pa ang handang tumulong sa kanilang kapwa.

Sa ngayon ay inabot na sa mahigit 300,000 views ang kanyang vlog. Umani rin ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens. Maraming Pinoy ang talagang naging proud matapos makita ang kabutihang loob ng kanilang mga kababayan.

Read More: Sexy Pinay Celebrities na Ginulantang ang Publiko sa Kanilang Biglaang Pagbubuntis

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending