Connect with us

amazing

Netizen Nalula sa Dami ng Perang Naipon ng Isang Tinderong ito Gamit ang Sahod Niya sa Pangingisda

Published

on

Sabi nga nila, kung may paraan, magkakaroon at magkakaroon ka ng pagkakataong yumaman.

Isang kwento ng naman ng tagumpay ang viral ngayon sa social media matapos ibahagi ng ina ng tinderong nagngangalang si Gerdan Tolero ang naging bunga ng kaniyang mahigpit na pagtitipid upang magkaroon ng ipon.

Ayon sa Facebook post ni Gemma Columna Tolero, sadyang masigasig ang kaniyang anak sa pagtatabi ng pera dahil marami siyang pangarap sa buhay

Ayon pa rito ay kahit lockdown ay hindi sumusuko sa pagtitinda ang kaniyang anak.

Sulat niya sa kaniyang post, “Anak nagulat ako kahapun binoksan mo ang napuno ang dram salamat anak sa best mo yan ang pangarap mo simula bata kapa ngayun tagumpay basta anak lage magdasal sa dios kahit luckdown nagtetenda ka pa rin lalako isda sabi mo hindi ka titigil kahit luckdown”

Ayon naman sa panayam ni Gerdan sa GMA News ay natuto siya magkaroon ng kakaibang disiplina sa sarili dahil sa kaniyang pag iipon.

Kuwento ng 22-anyos na binata, “Pag gumastos po ako iniisip ko kung talagang kailangan po, ‘yong mga wants, luho, ‘di ko po muna pinapasok. Talagang wala sa isipan ko.”

Samantala, hangang-hanga naman ang mga netizens sa diskarteng taglay ng binata.

“Gamitin mo na, baka hindina magamit yon pag tinagalan mo pa. Alam mo naman bangko sentral sa Pinas. He he. Advise lang masasayang kasi eh.”

“I do really admire your patience in saving your little money. Because there’s no big amount that won’t start in a single peso. In your case I Salute you the most of my respect.”

“eto ung sinasabi ko.hindi katwiran kung maliit lang ang kita.khit pakonti-konti dpat tlga marunong mgtabi.d mo namamalayan ung konti mo natatabi malaki na pla..goodjob sau bro.sana marami ang mainspired sau👏👏👏”

“yung iba dyan nagrereklamo na walang maipon, pero bili rin lang ng bili basta nakasale ang shopee at lazada. iba talagang maghawak ng pera ang taong may disiplina ”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Lalaki ang Nagbuhos ng Dry Ice sa Swimming Pool at ito na Lamang ang mga Sumunod na Nangyari

Published

on

By

Ganot paala ang mangyayari kapag sinubukan mong lagyan ng dry ice ang iyong swimming pool!

Mula sa video ng vlogger na si Crazy Russian Hacker, sinubukan niyang ipakita sa kaniyang mga viewers ang magiging resulta kapag naisipan mong pag eksperimentuhan ang iyong pool.

Sa una ay kumuha siya ng mga yelo at isa-isa itong dinurog, saka niya tinambak sa isang ice cooler bago tuluyang ibuhos sa pool!

Lubos namang namangha ang kaniyang mga fans noong nakita nila ang malaki at nakaka aliw na usok na lumabas mula sa pag lapat ng yelo sa tubig, na akala mo ay magic!

Ngunit ayon sa The Pool Industry, delikado di umano ang ginawa ng vlogger, hindi lang para sa kaniya, kung hindi pati na rin sa kaligtasan ng tubig sa pool.

Narito ang mga dahilan kung bakit:

Dry Ice Frostbite – “Frozen CO2 is pretty cold. Slight skin contact can kill your cells, resulting to a dry ice burn. The worse part, it only takes a few seconds to get burned, so it is best to avoid adding dry ice in your swimming pool.”

Asphyxiation – “Frozen CO2 forms CO2 gas. Although the gas isn’t toxic, it interferes with the composition of the air so that there is a limited supply of oxygen. This might not be a problem in an outdoor swimming pool but will cause problems in an indoor pool.”

Explosion Hazard – “Frozen CO2 is not explosive or flammable, but it exerts lots of pressure as it changes to a gas. If you place dry ice in a sealed container near your swimming pool, there is a chance of the container exploding.”

What can you say about this story? Share your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Natatandaan Niyo pa ba ang Dating Child Star na si BJ ‘Tolits” Forbes? Heto na Siya Ngayon

Published

on

By

Naalala niyo pa ba ang dating sikat na sikat na child star na si BJ “Tolits” Forbes?

Ang batang nakilala mula sa isang patok na commercial noon ng Tide, isang produkto ng sabon, hanggang sa naging mainstay na siya sa longgest running noon time show ng bansa, ang Eat Bulaga.

Five years old lamang si Bernard Joecel Forbes nang sumali siya sa That’s My Boy ng ‘Eat Bulaga’ noong 2003. At mula noon ay nagpamalas na ng kakaibang pagkabibo ang bata, dahilan upang maging isa siya sa mga pinaka matatak na child stars noong 200s.

Ilang taon matapos niyang iwan ang showbiz ay aminado pa rin ang binata na namimiss niya ang pag arte kung minsan, kung kaya naman madalas pa rin siya sa teatro sa kanilang paaralan.

Minan na rin siyang gumanap bilang Don Juan sa ‘Ibong Adarna’ ng Gantimpala Theater Foundation.

Bukod dito ay ginampanan niya rin ang karakter ni Francisco sa pelikulang ‘Pedro Calungsod: Batang Martir’ si Tolits. Naging official entry ito sa 39th Metro Manila Film Festival.

At kahit hindi na ganoon ka aktibbo sa showbiz ay napanuod pa rin siya sa isang Indie movie na Tandem, at minsan ring naging parte ng cast ng Sahaya noong 2019.

Ngunit wala namang pinagsisisihan ang binata na tinalikuran niya ang kaniyang career sa ngalan ng kaniyang edukasyon.

Naging estudyante si BJ ng paaralan ng STI, kung saan nakakilala siya ng maraming kaibigan at naranasan ang normal na buhay na malayo sa camera.

Sa edad na 22 ay isa na ring ganap na tatay si BJ, at makikita sa kaniyang Instagram account kung gaano siya kasaya sa kaniyang pamilya at baby na talaga namang alagang-alaga sa kaniya!

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Isang Dalagang may “Sleeping Beauty Syndrome” Nagbigay Pala Isipan sa mga Eksperto

Published

on

By

Mahilig ka ba sa mga fairytale kagaya na lamang ng Snow White, Cinderella at iba pa?

Kung nangyayari ang mga happy ever after sa mga ganoong istorya ay taliwas naman ito sa nagaganap sa totoong buhay.

Isang real life Sleeping Beauty naman ang nabalita mula sa Indonesia matapos siyang matulog ng umabot sa halos dalawang linggo dahil sa isang napaka bihirang sakit na tinaatawag na “Kleine-Levin syndrome (KLS)”

Ayon sa mga eksperto, ang KLS “Kleine–Levin syndrome (KLS) is a rare disease characterized by recurrent episodes of hypersomnia and to various degrees, behavioral or cognitive disturbances, compulsive eating behavior, and hypersexuality. [1] The disease predominantly affects adolescent males.”

Ibig sabihin, isa itong uri ng sakit na apektado ang utak. Katumbas din ito ng “hibernation” ng mga hayop, dahil madalas na gumigising lamang ang katawan ng taong may sakit upang kumain nang marami, uminom ng tubig at mag banyo.

Si Siti Raisa Miranda o mas kilala sa kanilang lugar na “Echa” ay isang labing pitong taong gulang na dalaga na ginulo ang mundo ng medisina dahil sa kaniyang pambihirang kondisyon.

Bigla na lamang kasi itong inatake ng kakaibang antok na naging dahilan upang mahimlay siya ng napaka tagal na panahon.

At tuwing gigising naman ito ay tila wala sa hinagap niya ang naganap, kung kaya naman ito na ang naging mitsa ng pag aaral ng mga eksperto.

“If it weren’t for the syndrome, everything would be normal. She’d go to school and play with her friends. Even during the pandemic, she was doing pretty well in her online lessons and classwork.” ayon sa kaniyang mga doktor.

Ngunit sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay wala pa ring kahit anong lunas ang pwedeng makapag paayos sa buhay ng mga taong mayroon nito.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending