Connect with us

Celebrities

Kilalanin ang Nanay ni Inigo Pascual at dating partner ni Piolo na si Donna Lazaro

Published

on

Isa si Piolo Pascual sa mga pinakahinahangaang matinee idol sa showbiz industry ngayon. Nabihag ni Piolo ang puso ng mga fans hindi lamang dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan, kundi maging sa galing nito sa pag-arte. Ang bansag ng mga fans kay Piolo sa ‘Papa P,’ ngunit alam niyo bang isa na rin siyang ganap na ama sa tunay na buhay?

Mayroong nag-iisang unico hijo si Piolo na nagngangalang Inigo Pascual. Ipinanganak si Inigo noong September 14, 199 at 23-anyos na siya ngayon.

Kagaya ng kanyang ama, pinili rin ni Inigo na pumasok sa industriya ng showbiz bilang singer. Ang nanay niya ay si Donnabelle Lazaro na dating partner ni Piolo.

Read More: Kasambahay na Nagnakaw ng Mahigit P2 Milyon, Nahuli Matapos Makalimutan Itong Nakabukas sa Tablet!

Kahit pa isang public figure si Piolo, mas pinili niyang maging pribado ang buhay ng kanyang mag-ina. Habang lumalaki si Inigo, sa United States sila nakatira ng kanyang ina

Ngunit kahit pa magkalayo sila ng kanyang ama, lumaki siyang malapit dito dahil naglalaan siya ng oras sa kanyang anak.

Sa kanilang interview sa “Magandang Buhay,” ibinahagi ni Donna ang masasayang memories mula sa pagkabata ni Inigo.

Dati pa man daw ay mahilig na itong kumanta at sumayaw. Sa katunayan, lagi raw itong sumasali sa mga contests sa school dahil nakikita ng mga guro ang kanyang talento.

“Noong bata pa, hindi talaga magaling pero mahilig kumanta. Sumasali siya sa singing sa grade school. Tinawagan ako ng teacher niya na panoorin ko raw, kasi sumali sa singing contest,” pahayag ni Inigo matapos silang mag-guest ng kanyang ina sa “Magandang Buhay.”

“Nagulat ako kasi hindi siya ganun kagaling kumanta, pero very confident siyang sumali. So, noong after ng contest na ‘yon, naawa ako sa kanya pero hindi ko ipinakita, kasi alam ko hindi siya magaling. So, pag-uwi naming noon ay ine-enroll ko siya sa voice lesson,” pahayag ni Donna.

Read Also: Angelica Yap, Ipinasilip ang Kanilang Mala-Mansyon na Bahay na Naipundar Nila ni Flow G

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Dalagita, Ibinenta Ang Natatanging Motorsiklo Ng Ama Upang Mapuntahan Ang Crush Niya Sa Ibang Bansa!

Published

on

By

Hanggang saan aabot ang iyong kahumalingan para sa isang tao na iyong iniidolo o hinahangaan?

Sa makabagong panahon ngayon kung saan umiikot na ang mundo natin sa internet at social media, mas napapalapit sa kapahamakan ang mga kabataan na di hamak na mas maraming oras upang bumabad sa teknolohiya.

Kung kaya naman nagiging resulta ito ng iba’t ibang klasen ng exposure sa kanila, kagaya na lamang ng dalagitang ito na umabot sa sukdulan ang ginawang paraan upang makita lamang ang lalaking kaniyang nakilala online!

Isang menor de edad na Indonesian ang viral ngayon sa social media matapos ibunyag ng kaniyang pamilya ang kaniyang ginawang kapilyahan upang makita lamang ang kaniyang crush na una niyang nakapalagayang loob sa internet.

Taga Jakarta raw di umano ang lalaki, na isang socceer player. At sa kagustuhan niyang masilayan ang lalaki at mapanuod na rin ang kaniyang laban nito ay ibinenta niya ang motorsiklo ng ama upang makabili siya ng single ticket sa airport papunta rito!

Buong pag-asa ng naglakbay ang babae upang sa wakas ay makita na ang kaniyang crush na matagal na niyang kausap, at sa wakas, sa loob lamang ng ilang oras ay makakasama na niya ito!

Ngunit… nakarating na siya sa Jakarta ay nagsimula nang mag panic ang dalaga.

Hindi na umano sumasagot ang lalaki sa kaniyang mga tawag, na agad niyan ikinabahala.

Buong gulat na lamang ng mga staff ng airport sa Jakarta noong may mamataan silang dalagitang umiiyak sa gilid, dahil hindi umano sumipot ang lalaki sa kanilang tagpuan.

Agad naman nilang tinawagan ang pamilya ng dalagita upang maipa alam ang kaniyang kalagayan, at sinundo na rin siya sa airport.

SImula noon ay nagsilbi na itong aral sa kaniya na huwag na huwag mag tiwala online.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Isang Direktor, Binulgar Ang Tunay Na Ugali Ni Angel Locsin Na Hindi inaasahan ng lahat

Published

on

By

Kilala si Angelica Locsin Colmenares, or mas kilala bilang Angel Locsin, dahil sa kaniyang magaling na pag-arte, kahit ano mang karakter ang ipagawa dito.

Mas nakilala si Angel sa kaniyang pagiging Darna. Ang Filipina superhero na ito ay ang isa sa pinakatumatak na karakter na binidahan ni Angel. At hanggang sa kasalukuyan ay ito ang pagkakakilanlan ng dalaga, ang “real-life Darna ng Pinas”.

Ang palayaw ng tanyag na aktres bilang real-life Darna ay nahango ng kaniyang mga fans dahil sa matinding dedikasyon nito para sa kaniyang pagkaPilipino. Si Angel Locsin ay hindi lamang artista, kundi isang negosyante, aktibista at isang philanthropist na tahimik tumutulong sa kaniyang mga kapwa Pinoy.

Hindi pinapangalandakan ng nasabing aktres ang kaniyang mga pagtulong, at ginagamit lamang ni Angel ang kaniyang mga social media accounts bilang plataporma kung saan siya ay nanghihikayat ng mga tao upang tumulong pa sa nakakarami.

At kamakailan nga lamang, ipinahayag ng direktor ng La Luna Sangre, na si Lester Pimentel Ong, ang ugali ni Angel Locsin kapag walang nakapalibot sa aktres na mga camera.

Ibinahagi ni Ong ang isa sa mga ginawa nito sa kanilang stuntman nang ito ay maputulan ng pinakamalaking buto sa labas ng kanilang trabaho. Dahil sa mahal ng bayad sa hospital, naubos ang ipon ng stuntman, at maaring hindi pa ito makalakad muli dahil hindi na nito kaya pang mabayaran ang mga susunod na operasyon na kinakailangan.

“One late night ng konti na lang tao sa public hospital kung saan nakaconfine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya… kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman,” pahayag ni Ong.

Si Angel ang sumagot ng lahat ng bayarin ng stuntman kaya’t mas lalo siyang hinangaan ng nasabing direktor. Ang ginawa ni Angel na pagtulong ay ang pagpapatunay na siya nga ang real-life Darna ng ating bansa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Kilalanin Ang Napaka Gandang Kapatid Ng Aktres At Dancer Na Si Ella Cruz

Published

on

By

Kilala sa angking galing sa pag-arte, pagsayaw at pagrampa ang 23-anyos na si Gabriela Annjane Umali Cruz, o mas kilala sa kaniyang stage name na Ella Cruz.

Bilang isang child star, kilalang-kilala si Ella Cruz sa larangan ng showbiz at pag-arte. Ngunit, mas kilala ang nasabing aktres sa kaniyang pagsayaw at sa mga pelikula kasama ang kaniyang ngayon ay kasintahan na si Julian Trono.

Samantala, bagaman ay itinuturing na isa sa pinakasikat na teen actress sa kasalukuyan, ay nananatiling pribado sa kaniyang personal na buhay, kaugnay sa kaniyang pamilya. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang actress-dancer na si Ella Cruz ay mayroong napakagandang nakatatandang kapatid na nagngangalang Tricia Cruz.

Marami ang nagsasabi na halos pinagbiyak na bunga sila Ella at Tricia, parehas maganda ang magkapatid kung kaya’t nakakahakot rin ito ng atensyon mula sa nakararami. Bukod pa kay Tricia, ay may iba pang mg kapatid ang kilalang Millenial Dance Princess na si Ella, at ito ay ang mga kapatid niyang sina Lana at Ethan Cruz.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng pagkakataon na tumampok sa isang segment ng ‘Magandang Buhay’ ang magkapatid na Ella at Tricia Cruz. Dito, ipinamalas ng magkapatid ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa.

Kinuwento ni Tricia na bagaman palaging sa text messages lamang sila madalas mag-usap ni Ella ay nagagawa niya pa rin naman itong bigyan ng mga payo kapag ito ay nangangailangan ng kaniyang tulong.

Sinabi rin ng aktres at mananayaw na kaya palagi siyang nagsasabi sa kaniyang pamilya ng kaniyang mga suliranin ay dahil sa huli, ito parin naman ang kaniyang tatakbuhan kapag siya ay nagkaproblema o kaya’y nagkaroon ng mga bagay na kailangang lutasin, kaya naman ganon na lamang ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang ate na handang gabayan siya.

Sa ngayon, si Tricia Cruz ay busy sa kaniyang youtube account, kung saan ay ipinopost ng dalaga ang kaniyang mga game streams, travel vlogs o ang kahit anong mga bagay na pumupukaw sa kaniyang atensyon at kagustuhan, kagaya ng fashion.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending