Connect with us

Celebrities

Isang Kalapati, Usap-Usapan ng Netizens Matapos Maibenta Online sa Halagang 91 Million!

Published

on

Isang kalapati ang nag trending ngayon sa social media matapos malaman ng netizens ang kaniyang nakakalulang halaga!

Dahil nasanay ang mga kababayan natin na ang mga kalapati ay madalas na ginagamit sa pagsusugal o mensahero ay hindi inaasahan ng mga netizens na maari pa lang tumaas nang husto ang presyo nito, lalo kapag napaka ganda ng kaniyang kondisyon.

Isang Chinese ang hindi nagdalawang isip na bilhin ang kalapating ito sa halagang 90 million PHP o 1.9 million dollars.

Ayon sa kanila ay hindi rin naman basta-basta kalapati ito, dahil isa siyang special na uri ng ibon.

Siya ay napapabilang sa lahi ng mga “Belgian-bread pigeon”, isang racing dove na talaga namang hindi nagpapahuli pagdating sa mga patimpalak.

Talaga namang talamak na ang pigeon racing sa bansang China, kung kaya naman hindi nakapagtataka na pumalo sa milyun-milyon ang halaga ng mga ibon na ito.

Ayon sa Business Insider, “But the sport has risen in popularity – and prestige — in China in recent years. Bidders have spent millions on birds (mostly from Belgium, where breeders have come to specialize in pigeons over generations), and the prize pots can number in the millions, a figure that Cuelenaere confirmed. The birds have also become something of a status symbol for those who rule the racing roost.

“Sun Yan — deputy general-secretary of the Beijing Changping District Racing Pigeons Association — told CNN’s Karoline Kan in April 2019 that China has become the “hottest” place for pigeon racing. He said that there are about 100,000 pigeon breeders in Beijing alone.”

Sammanatala, nagbahagi naman ng ilang komento ang ating mga kababayan tunkol sa balitang ito.

“Malamang gagamitin yan sa pustahan at siguradong sure win :D”

“Hindi biro ang ginastos ng Chinese na yan, napakarami mo ng mabibili sa ganong halaga. Marahil sobrang galing talaga ng kalapati na yan”.

“Nagkakarera kami ng kalapati, magiling talaga yung lahi na ganyan at malaki ang chance na manalo sa mga pustahan”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

amazing

Isang Dalagita, Ibinenta Ang Natatanging Motorsiklo Ng Ama Upang Mapuntahan Ang Crush Niya Sa Ibang Bansa!

Published

on

By

Hanggang saan aabot ang iyong kahumalingan para sa isang tao na iyong iniidolo o hinahangaan?

Sa makabagong panahon ngayon kung saan umiikot na ang mundo natin sa internet at social media, mas napapalapit sa kapahamakan ang mga kabataan na di hamak na mas maraming oras upang bumabad sa teknolohiya.

Kung kaya naman nagiging resulta ito ng iba’t ibang klasen ng exposure sa kanila, kagaya na lamang ng dalagitang ito na umabot sa sukdulan ang ginawang paraan upang makita lamang ang lalaking kaniyang nakilala online!

Isang menor de edad na Indonesian ang viral ngayon sa social media matapos ibunyag ng kaniyang pamilya ang kaniyang ginawang kapilyahan upang makita lamang ang kaniyang crush na una niyang nakapalagayang loob sa internet.

Taga Jakarta raw di umano ang lalaki, na isang socceer player. At sa kagustuhan niyang masilayan ang lalaki at mapanuod na rin ang kaniyang laban nito ay ibinenta niya ang motorsiklo ng ama upang makabili siya ng single ticket sa airport papunta rito!

Buong pag-asa ng naglakbay ang babae upang sa wakas ay makita na ang kaniyang crush na matagal na niyang kausap, at sa wakas, sa loob lamang ng ilang oras ay makakasama na niya ito!

Ngunit… nakarating na siya sa Jakarta ay nagsimula nang mag panic ang dalaga.

Hindi na umano sumasagot ang lalaki sa kaniyang mga tawag, na agad niyan ikinabahala.

Buong gulat na lamang ng mga staff ng airport sa Jakarta noong may mamataan silang dalagitang umiiyak sa gilid, dahil hindi umano sumipot ang lalaki sa kanilang tagpuan.

Agad naman nilang tinawagan ang pamilya ng dalagita upang maipa alam ang kaniyang kalagayan, at sinundo na rin siya sa airport.

SImula noon ay nagsilbi na itong aral sa kaniya na huwag na huwag mag tiwala online.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Isang Direktor, Binulgar Ang Tunay Na Ugali Ni Angel Locsin Na Hindi inaasahan ng lahat

Published

on

By

Kilala si Angelica Locsin Colmenares, or mas kilala bilang Angel Locsin, dahil sa kaniyang magaling na pag-arte, kahit ano mang karakter ang ipagawa dito.

Mas nakilala si Angel sa kaniyang pagiging Darna. Ang Filipina superhero na ito ay ang isa sa pinakatumatak na karakter na binidahan ni Angel. At hanggang sa kasalukuyan ay ito ang pagkakakilanlan ng dalaga, ang “real-life Darna ng Pinas”.

Ang palayaw ng tanyag na aktres bilang real-life Darna ay nahango ng kaniyang mga fans dahil sa matinding dedikasyon nito para sa kaniyang pagkaPilipino. Si Angel Locsin ay hindi lamang artista, kundi isang negosyante, aktibista at isang philanthropist na tahimik tumutulong sa kaniyang mga kapwa Pinoy.

Hindi pinapangalandakan ng nasabing aktres ang kaniyang mga pagtulong, at ginagamit lamang ni Angel ang kaniyang mga social media accounts bilang plataporma kung saan siya ay nanghihikayat ng mga tao upang tumulong pa sa nakakarami.

At kamakailan nga lamang, ipinahayag ng direktor ng La Luna Sangre, na si Lester Pimentel Ong, ang ugali ni Angel Locsin kapag walang nakapalibot sa aktres na mga camera.

Ibinahagi ni Ong ang isa sa mga ginawa nito sa kanilang stuntman nang ito ay maputulan ng pinakamalaking buto sa labas ng kanilang trabaho. Dahil sa mahal ng bayad sa hospital, naubos ang ipon ng stuntman, at maaring hindi pa ito makalakad muli dahil hindi na nito kaya pang mabayaran ang mga susunod na operasyon na kinakailangan.

“One late night ng konti na lang tao sa public hospital kung saan nakaconfine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya… kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman,” pahayag ni Ong.

Si Angel ang sumagot ng lahat ng bayarin ng stuntman kaya’t mas lalo siyang hinangaan ng nasabing direktor. Ang ginawa ni Angel na pagtulong ay ang pagpapatunay na siya nga ang real-life Darna ng ating bansa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Kilalanin Ang Napaka Gandang Kapatid Ng Aktres At Dancer Na Si Ella Cruz

Published

on

By

Kilala sa angking galing sa pag-arte, pagsayaw at pagrampa ang 23-anyos na si Gabriela Annjane Umali Cruz, o mas kilala sa kaniyang stage name na Ella Cruz.

Bilang isang child star, kilalang-kilala si Ella Cruz sa larangan ng showbiz at pag-arte. Ngunit, mas kilala ang nasabing aktres sa kaniyang pagsayaw at sa mga pelikula kasama ang kaniyang ngayon ay kasintahan na si Julian Trono.

Samantala, bagaman ay itinuturing na isa sa pinakasikat na teen actress sa kasalukuyan, ay nananatiling pribado sa kaniyang personal na buhay, kaugnay sa kaniyang pamilya. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang actress-dancer na si Ella Cruz ay mayroong napakagandang nakatatandang kapatid na nagngangalang Tricia Cruz.

Marami ang nagsasabi na halos pinagbiyak na bunga sila Ella at Tricia, parehas maganda ang magkapatid kung kaya’t nakakahakot rin ito ng atensyon mula sa nakararami. Bukod pa kay Tricia, ay may iba pang mg kapatid ang kilalang Millenial Dance Princess na si Ella, at ito ay ang mga kapatid niyang sina Lana at Ethan Cruz.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng pagkakataon na tumampok sa isang segment ng ‘Magandang Buhay’ ang magkapatid na Ella at Tricia Cruz. Dito, ipinamalas ng magkapatid ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa.

Kinuwento ni Tricia na bagaman palaging sa text messages lamang sila madalas mag-usap ni Ella ay nagagawa niya pa rin naman itong bigyan ng mga payo kapag ito ay nangangailangan ng kaniyang tulong.

Sinabi rin ng aktres at mananayaw na kaya palagi siyang nagsasabi sa kaniyang pamilya ng kaniyang mga suliranin ay dahil sa huli, ito parin naman ang kaniyang tatakbuhan kapag siya ay nagkaproblema o kaya’y nagkaroon ng mga bagay na kailangang lutasin, kaya naman ganon na lamang ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang ate na handang gabayan siya.

Sa ngayon, si Tricia Cruz ay busy sa kaniyang youtube account, kung saan ay ipinopost ng dalaga ang kaniyang mga game streams, travel vlogs o ang kahit anong mga bagay na pumupukaw sa kaniyang atensyon at kagustuhan, kagaya ng fashion.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending