Connect with us

Trending

Donnalyn Bartolome, Inofferan ng Isang Prinsipe ng mga Bagay na ito Para Maging Sugar Baby!

Published

on

Dahil tinagurian siyang ‘Social Media Goddess,’ hindi na nakakapagtaka kung bakit milyon milyon ang fans ni Donnalyn Bartolome online. Sanay na rin siyang makatanggap ng mga private messages. Ayon kay Donnalyn, sa ilang taon niya sa industriya, ilang beses na rin siyang nakatanggap ng mga ‘indecent proposals’ mula sa social media.

Sa katunayan, mayroon pa daw nago-offer sa kanya na prinsipe sa ibang bansa! Ayon kay Donna, ilang beses na siyang naofferan ng mga luxury cars at cash para lamang maging sugar baby.

Read More: Kilalanin ang Nanay ni Inigo Pascual at dating partner ni Piolo na si Donna Lazaro

“I’ve had indecent proposals. May nag-email sa akin, babayaran ako ng isang gabi just to go on a date… Totoo, may nag-offer ng ganun. Meron ding prince sa ibang bansa… nakakatawa! I remember the first ones. Lamborghinis, offering gold, offering cash.”

Bukod pa dito, naranasan niya na ring magamit ang kanyang larawan upang mag-catfish sa online dating apps. Mayroon daw nagparating kay Donnalyn na may gumagamit ng kanyang larawan para makahanap ng sugar daddy.

Nag-post sa iba’t-ibang Facebook groups ang poser at nagpanggap na isang single mom na naghahanap ng makakasama sa buhay.

Habang tinitignan ang mga comments sa post na ito, natawa na lamang si Donnalyn sa reaksyon ng ibang mga netizens. May mga lalaking naniwala sa poser, at nagsabi pa na willing silang alagaan ito! Mayroon din namang isiniwalat ang panlolokong ginawa ng poser at ipinahatid kay Donnalyn ang kumakalat na post.

“There’s this person posing as me online, ta’s naghahanap siya ng sugar daddy. Ginagamit niyang name ‘Jessie Mindosa.’ Nagpo-post siya sa ‘OFW LDR for Singles and Single Parents’ on Facebook. Ginawa mo akong single mom! Wala pa akong anak, ano ba! Ginawa mo akong single mom na naghahanap ng sugar daddy. Walangya ka!”

Read More: Sexy Pinay Celebrities na Ginulantang ang Publiko sa Kanilang Biglaang Pagbubuntis

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Dalagita, Ibinenta Ang Natatanging Motorsiklo Ng Ama Upang Mapuntahan Ang Crush Niya Sa Ibang Bansa!

Published

on

By

Hanggang saan aabot ang iyong kahumalingan para sa isang tao na iyong iniidolo o hinahangaan?

Sa makabagong panahon ngayon kung saan umiikot na ang mundo natin sa internet at social media, mas napapalapit sa kapahamakan ang mga kabataan na di hamak na mas maraming oras upang bumabad sa teknolohiya.

Kung kaya naman nagiging resulta ito ng iba’t ibang klasen ng exposure sa kanila, kagaya na lamang ng dalagitang ito na umabot sa sukdulan ang ginawang paraan upang makita lamang ang lalaking kaniyang nakilala online!

Isang menor de edad na Indonesian ang viral ngayon sa social media matapos ibunyag ng kaniyang pamilya ang kaniyang ginawang kapilyahan upang makita lamang ang kaniyang crush na una niyang nakapalagayang loob sa internet.

Taga Jakarta raw di umano ang lalaki, na isang socceer player. At sa kagustuhan niyang masilayan ang lalaki at mapanuod na rin ang kaniyang laban nito ay ibinenta niya ang motorsiklo ng ama upang makabili siya ng single ticket sa airport papunta rito!

Buong pag-asa ng naglakbay ang babae upang sa wakas ay makita na ang kaniyang crush na matagal na niyang kausap, at sa wakas, sa loob lamang ng ilang oras ay makakasama na niya ito!

Ngunit… nakarating na siya sa Jakarta ay nagsimula nang mag panic ang dalaga.

Hindi na umano sumasagot ang lalaki sa kaniyang mga tawag, na agad niyan ikinabahala.

Buong gulat na lamang ng mga staff ng airport sa Jakarta noong may mamataan silang dalagitang umiiyak sa gilid, dahil hindi umano sumipot ang lalaki sa kanilang tagpuan.

Agad naman nilang tinawagan ang pamilya ng dalagita upang maipa alam ang kaniyang kalagayan, at sinundo na rin siya sa airport.

SImula noon ay nagsilbi na itong aral sa kaniya na huwag na huwag mag tiwala online.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Isang Direktor, Binulgar Ang Tunay Na Ugali Ni Angel Locsin Na Hindi inaasahan ng lahat

Published

on

By

Kilala si Angelica Locsin Colmenares, or mas kilala bilang Angel Locsin, dahil sa kaniyang magaling na pag-arte, kahit ano mang karakter ang ipagawa dito.

Mas nakilala si Angel sa kaniyang pagiging Darna. Ang Filipina superhero na ito ay ang isa sa pinakatumatak na karakter na binidahan ni Angel. At hanggang sa kasalukuyan ay ito ang pagkakakilanlan ng dalaga, ang “real-life Darna ng Pinas”.

Ang palayaw ng tanyag na aktres bilang real-life Darna ay nahango ng kaniyang mga fans dahil sa matinding dedikasyon nito para sa kaniyang pagkaPilipino. Si Angel Locsin ay hindi lamang artista, kundi isang negosyante, aktibista at isang philanthropist na tahimik tumutulong sa kaniyang mga kapwa Pinoy.

Hindi pinapangalandakan ng nasabing aktres ang kaniyang mga pagtulong, at ginagamit lamang ni Angel ang kaniyang mga social media accounts bilang plataporma kung saan siya ay nanghihikayat ng mga tao upang tumulong pa sa nakakarami.

At kamakailan nga lamang, ipinahayag ng direktor ng La Luna Sangre, na si Lester Pimentel Ong, ang ugali ni Angel Locsin kapag walang nakapalibot sa aktres na mga camera.

Ibinahagi ni Ong ang isa sa mga ginawa nito sa kanilang stuntman nang ito ay maputulan ng pinakamalaking buto sa labas ng kanilang trabaho. Dahil sa mahal ng bayad sa hospital, naubos ang ipon ng stuntman, at maaring hindi pa ito makalakad muli dahil hindi na nito kaya pang mabayaran ang mga susunod na operasyon na kinakailangan.

“One late night ng konti na lang tao sa public hospital kung saan nakaconfine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya… kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman,” pahayag ni Ong.

Si Angel ang sumagot ng lahat ng bayarin ng stuntman kaya’t mas lalo siyang hinangaan ng nasabing direktor. Ang ginawa ni Angel na pagtulong ay ang pagpapatunay na siya nga ang real-life Darna ng ating bansa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Kilalanin Ang Napaka Gandang Kapatid Ng Aktres At Dancer Na Si Ella Cruz

Published

on

By

Kilala sa angking galing sa pag-arte, pagsayaw at pagrampa ang 23-anyos na si Gabriela Annjane Umali Cruz, o mas kilala sa kaniyang stage name na Ella Cruz.

Bilang isang child star, kilalang-kilala si Ella Cruz sa larangan ng showbiz at pag-arte. Ngunit, mas kilala ang nasabing aktres sa kaniyang pagsayaw at sa mga pelikula kasama ang kaniyang ngayon ay kasintahan na si Julian Trono.

Samantala, bagaman ay itinuturing na isa sa pinakasikat na teen actress sa kasalukuyan, ay nananatiling pribado sa kaniyang personal na buhay, kaugnay sa kaniyang pamilya. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang actress-dancer na si Ella Cruz ay mayroong napakagandang nakatatandang kapatid na nagngangalang Tricia Cruz.

Marami ang nagsasabi na halos pinagbiyak na bunga sila Ella at Tricia, parehas maganda ang magkapatid kung kaya’t nakakahakot rin ito ng atensyon mula sa nakararami. Bukod pa kay Tricia, ay may iba pang mg kapatid ang kilalang Millenial Dance Princess na si Ella, at ito ay ang mga kapatid niyang sina Lana at Ethan Cruz.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng pagkakataon na tumampok sa isang segment ng ‘Magandang Buhay’ ang magkapatid na Ella at Tricia Cruz. Dito, ipinamalas ng magkapatid ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa.

Kinuwento ni Tricia na bagaman palaging sa text messages lamang sila madalas mag-usap ni Ella ay nagagawa niya pa rin naman itong bigyan ng mga payo kapag ito ay nangangailangan ng kaniyang tulong.

Sinabi rin ng aktres at mananayaw na kaya palagi siyang nagsasabi sa kaniyang pamilya ng kaniyang mga suliranin ay dahil sa huli, ito parin naman ang kaniyang tatakbuhan kapag siya ay nagkaproblema o kaya’y nagkaroon ng mga bagay na kailangang lutasin, kaya naman ganon na lamang ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang ate na handang gabayan siya.

Sa ngayon, si Tricia Cruz ay busy sa kaniyang youtube account, kung saan ay ipinopost ng dalaga ang kaniyang mga game streams, travel vlogs o ang kahit anong mga bagay na pumupukaw sa kaniyang atensyon at kagustuhan, kagaya ng fashion.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending