Connect with us

amazing

Heto na Pala ang Buhay ng Dating PBB Housemate na Ngayon ay Isang Saleslady na sa Japan

Published

on

Mula sa pagiging isang TV personality, aktres at host, ang dating Pinoy Big Brother 2015 second batch winner Miho Nishida ay payapa na ngayong naninirahan sa Japan bilang isang sales lady sa isang cosmetic brand.

Simula ng nagka pandemya ay nag alala agad ang dating aktres sa estado ng kaniyang trabaho, kung kaya naman agad niyang inasikaso ang paglipad niya sa Japan upang doon mag trabaho.

Bilang isang single mom, hindi maaring mapabayaan ni Miho ang kaniyang mga gastusin sa bahay.

Sa isang interview ay inilahad din niyang naiwan sa Pilipinas ang kaniyang ina at anak na si Aimi sa bansa, ngunit balak din niyang kuhanin ang dalawa kapag hindi na delikadong bumiyahe.

At dahil lumaki siya sa Japan ay hindi malaking problema sa half-Fiilipino half-Japanese actress ang mag adjust, ngunit hindi niya maikakaila na talagang namimiss na rin niya ang kaniyang pamilya.

“Minsan mahirap, minsan masaya pero sa likod ng hirap…Kahit mahirap, kailangan mong gawin dahil sa anak mo.

“At para sa ikabubuti ng anak mo, siyempre gagawin mo yun, of course.

“Mahirap siya pero ‘pag nakikita mo siya, nawawala, lalung-lalo na kapag nakangiti siya.

“Yung gagawa mo siya ng kaunting bagay… mahirap.

“Pero pag nakangiti siya at nagsasabi siya sa ‘yo ng ‘thank you,’ nawawala yung hirap.”

Gaya ng kaniyang ina, may balak din kayang sumali ng showbiz si Aimi?

Ayon kay Miho, ngayon pa lamang ay nagpapakita na ng potensyal ang kaniyang anak sa pag arte at pagsayaw, kung kaya naman hindi na siya magugulat kung isang araw ay sabihin nitong gusto niyang mag artista.

“Oo, dahil pag nakikita niya ako, minsan kasi ako dati nasa Girltrends ako.

“So mga suotan namin dun mga cropped top, mga shorts, ganun.

“So minsan pag nagsusuot din siya, naka-cropped top din siya.

“Ang peg daw niya, mommy niya, which is ako yun.

“E, ginagaya niya ako and gusto niya mag Goin’ Bulilit soon.'”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Lalaki ang Nagbuhos ng Dry Ice sa Swimming Pool at ito na Lamang ang mga Sumunod na Nangyari

Published

on

By

Ganot paala ang mangyayari kapag sinubukan mong lagyan ng dry ice ang iyong swimming pool!

Mula sa video ng vlogger na si Crazy Russian Hacker, sinubukan niyang ipakita sa kaniyang mga viewers ang magiging resulta kapag naisipan mong pag eksperimentuhan ang iyong pool.

Sa una ay kumuha siya ng mga yelo at isa-isa itong dinurog, saka niya tinambak sa isang ice cooler bago tuluyang ibuhos sa pool!

Lubos namang namangha ang kaniyang mga fans noong nakita nila ang malaki at nakaka aliw na usok na lumabas mula sa pag lapat ng yelo sa tubig, na akala mo ay magic!

Ngunit ayon sa The Pool Industry, delikado di umano ang ginawa ng vlogger, hindi lang para sa kaniya, kung hindi pati na rin sa kaligtasan ng tubig sa pool.

Narito ang mga dahilan kung bakit:

Dry Ice Frostbite – “Frozen CO2 is pretty cold. Slight skin contact can kill your cells, resulting to a dry ice burn. The worse part, it only takes a few seconds to get burned, so it is best to avoid adding dry ice in your swimming pool.”

Asphyxiation – “Frozen CO2 forms CO2 gas. Although the gas isn’t toxic, it interferes with the composition of the air so that there is a limited supply of oxygen. This might not be a problem in an outdoor swimming pool but will cause problems in an indoor pool.”

Explosion Hazard – “Frozen CO2 is not explosive or flammable, but it exerts lots of pressure as it changes to a gas. If you place dry ice in a sealed container near your swimming pool, there is a chance of the container exploding.”

What can you say about this story? Share your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Natatandaan Niyo pa ba ang Dating Child Star na si BJ ‘Tolits” Forbes? Heto na Siya Ngayon

Published

on

By

Naalala niyo pa ba ang dating sikat na sikat na child star na si BJ “Tolits” Forbes?

Ang batang nakilala mula sa isang patok na commercial noon ng Tide, isang produkto ng sabon, hanggang sa naging mainstay na siya sa longgest running noon time show ng bansa, ang Eat Bulaga.

Five years old lamang si Bernard Joecel Forbes nang sumali siya sa That’s My Boy ng ‘Eat Bulaga’ noong 2003. At mula noon ay nagpamalas na ng kakaibang pagkabibo ang bata, dahilan upang maging isa siya sa mga pinaka matatak na child stars noong 200s.

Ilang taon matapos niyang iwan ang showbiz ay aminado pa rin ang binata na namimiss niya ang pag arte kung minsan, kung kaya naman madalas pa rin siya sa teatro sa kanilang paaralan.

Minan na rin siyang gumanap bilang Don Juan sa ‘Ibong Adarna’ ng Gantimpala Theater Foundation.

Bukod dito ay ginampanan niya rin ang karakter ni Francisco sa pelikulang ‘Pedro Calungsod: Batang Martir’ si Tolits. Naging official entry ito sa 39th Metro Manila Film Festival.

At kahit hindi na ganoon ka aktibbo sa showbiz ay napanuod pa rin siya sa isang Indie movie na Tandem, at minsan ring naging parte ng cast ng Sahaya noong 2019.

Ngunit wala namang pinagsisisihan ang binata na tinalikuran niya ang kaniyang career sa ngalan ng kaniyang edukasyon.

Naging estudyante si BJ ng paaralan ng STI, kung saan nakakilala siya ng maraming kaibigan at naranasan ang normal na buhay na malayo sa camera.

Sa edad na 22 ay isa na ring ganap na tatay si BJ, at makikita sa kaniyang Instagram account kung gaano siya kasaya sa kaniyang pamilya at baby na talaga namang alagang-alaga sa kaniya!

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Isang Dalagang may “Sleeping Beauty Syndrome” Nagbigay Pala Isipan sa mga Eksperto

Published

on

By

Mahilig ka ba sa mga fairytale kagaya na lamang ng Snow White, Cinderella at iba pa?

Kung nangyayari ang mga happy ever after sa mga ganoong istorya ay taliwas naman ito sa nagaganap sa totoong buhay.

Isang real life Sleeping Beauty naman ang nabalita mula sa Indonesia matapos siyang matulog ng umabot sa halos dalawang linggo dahil sa isang napaka bihirang sakit na tinaatawag na “Kleine-Levin syndrome (KLS)”

Ayon sa mga eksperto, ang KLS “Kleine–Levin syndrome (KLS) is a rare disease characterized by recurrent episodes of hypersomnia and to various degrees, behavioral or cognitive disturbances, compulsive eating behavior, and hypersexuality. [1] The disease predominantly affects adolescent males.”

Ibig sabihin, isa itong uri ng sakit na apektado ang utak. Katumbas din ito ng “hibernation” ng mga hayop, dahil madalas na gumigising lamang ang katawan ng taong may sakit upang kumain nang marami, uminom ng tubig at mag banyo.

Si Siti Raisa Miranda o mas kilala sa kanilang lugar na “Echa” ay isang labing pitong taong gulang na dalaga na ginulo ang mundo ng medisina dahil sa kaniyang pambihirang kondisyon.

Bigla na lamang kasi itong inatake ng kakaibang antok na naging dahilan upang mahimlay siya ng napaka tagal na panahon.

At tuwing gigising naman ito ay tila wala sa hinagap niya ang naganap, kung kaya naman ito na ang naging mitsa ng pag aaral ng mga eksperto.

“If it weren’t for the syndrome, everything would be normal. She’d go to school and play with her friends. Even during the pandemic, she was doing pretty well in her online lessons and classwork.” ayon sa kaniyang mga doktor.

Ngunit sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay wala pa ring kahit anong lunas ang pwedeng makapag paayos sa buhay ng mga taong mayroon nito.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending