Connect with us

amazing

Agaw Atensyon ang Napaka-Gandang Batang ito Habang Nagtitinda ng Sampaguita sa Kalye

Published

on

Pumukaw sa atensyon ng mga netizens ang isang magandang musmos na ito na imbis nag aaral ay napipilitang makipag sapalaran sa kalsada kahit dis oras ng gabi para kumayod.

Isang hindi napangalanang dalagita ang nag viral sa social media matapos mamataan ng mag asawang Honney at RJ Balasabas ang kaniyang sitwasyon.

Sa unang tingin kasi ay hindi mahahalatang nag titinda ng Sampaguita ang batang ito dahil sa kinis ng ng kaniyang kutis at ganda ng kaniyang mukha.

Hindi rin maikakaila na talagang mala artistahin ang batang itoo kung kaya naman nag pakita rin ng pag aalala ang mag asawa dahl una nilang nakita ang bata na nag lalako noong alas onse ng gabi.

Na litratuhan naman siya ni Honney at agad niyang binahagi ang kaniyang istorya sa kaniyag Facebook account.

“Yung napaka ganda ng batang nagtitinda ng sampaguita. Gandang ganda kami ni Onnie. ❤️😍
Binigyan namin money pero ‘d na sana namin kukunin ang sampaguita kaso ok lang daw para makauwi na sya.” aniya.

Agad naman nag trending ang post niyang ito hanggang sa iba’t ibang mga news sites na ang sumulat tungkol sa artistahing bata.

May ilang mga netizens din naman ang nagpa abot ng tulon sa kaniya noong minsan ay nakita nila ang chikiting sa tabing-kalsada.

Ayon sa kanila ay kahit bigyan mo ito ng malaking halaga upang hindi na siya magtinda pa ng mga bulaklak sa buong aaraw ay ipipilit pa rin niyang ibigay sa iyo ang mga Sampaguita.

Kung hindi mo naman ito tinanggap ay magpaapasalamat ito ngunit mag papatuloy pa rin sa pag titinda.

Samantala, kalakip ng pag hanga ay ang galit at inis ng mga netizens sa magulang ng mga bata na hinahayaan siyang kumayod sa murang edad.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

amazing

Isang Dalagita, Ibinenta Ang Natatanging Motorsiklo Ng Ama Upang Mapuntahan Ang Crush Niya Sa Ibang Bansa!

Published

on

By

Hanggang saan aabot ang iyong kahumalingan para sa isang tao na iyong iniidolo o hinahangaan?

Sa makabagong panahon ngayon kung saan umiikot na ang mundo natin sa internet at social media, mas napapalapit sa kapahamakan ang mga kabataan na di hamak na mas maraming oras upang bumabad sa teknolohiya.

Kung kaya naman nagiging resulta ito ng iba’t ibang klasen ng exposure sa kanila, kagaya na lamang ng dalagitang ito na umabot sa sukdulan ang ginawang paraan upang makita lamang ang lalaking kaniyang nakilala online!

Isang menor de edad na Indonesian ang viral ngayon sa social media matapos ibunyag ng kaniyang pamilya ang kaniyang ginawang kapilyahan upang makita lamang ang kaniyang crush na una niyang nakapalagayang loob sa internet.

Taga Jakarta raw di umano ang lalaki, na isang socceer player. At sa kagustuhan niyang masilayan ang lalaki at mapanuod na rin ang kaniyang laban nito ay ibinenta niya ang motorsiklo ng ama upang makabili siya ng single ticket sa airport papunta rito!

Buong pag-asa ng naglakbay ang babae upang sa wakas ay makita na ang kaniyang crush na matagal na niyang kausap, at sa wakas, sa loob lamang ng ilang oras ay makakasama na niya ito!

Ngunit… nakarating na siya sa Jakarta ay nagsimula nang mag panic ang dalaga.

Hindi na umano sumasagot ang lalaki sa kaniyang mga tawag, na agad niyan ikinabahala.

Buong gulat na lamang ng mga staff ng airport sa Jakarta noong may mamataan silang dalagitang umiiyak sa gilid, dahil hindi umano sumipot ang lalaki sa kanilang tagpuan.

Agad naman nilang tinawagan ang pamilya ng dalagita upang maipa alam ang kaniyang kalagayan, at sinundo na rin siya sa airport.

SImula noon ay nagsilbi na itong aral sa kaniya na huwag na huwag mag tiwala online.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Isang Direktor, Binulgar Ang Tunay Na Ugali Ni Angel Locsin Na Hindi inaasahan ng lahat

Published

on

By

Kilala si Angelica Locsin Colmenares, or mas kilala bilang Angel Locsin, dahil sa kaniyang magaling na pag-arte, kahit ano mang karakter ang ipagawa dito.

Mas nakilala si Angel sa kaniyang pagiging Darna. Ang Filipina superhero na ito ay ang isa sa pinakatumatak na karakter na binidahan ni Angel. At hanggang sa kasalukuyan ay ito ang pagkakakilanlan ng dalaga, ang “real-life Darna ng Pinas”.

Ang palayaw ng tanyag na aktres bilang real-life Darna ay nahango ng kaniyang mga fans dahil sa matinding dedikasyon nito para sa kaniyang pagkaPilipino. Si Angel Locsin ay hindi lamang artista, kundi isang negosyante, aktibista at isang philanthropist na tahimik tumutulong sa kaniyang mga kapwa Pinoy.

Hindi pinapangalandakan ng nasabing aktres ang kaniyang mga pagtulong, at ginagamit lamang ni Angel ang kaniyang mga social media accounts bilang plataporma kung saan siya ay nanghihikayat ng mga tao upang tumulong pa sa nakakarami.

At kamakailan nga lamang, ipinahayag ng direktor ng La Luna Sangre, na si Lester Pimentel Ong, ang ugali ni Angel Locsin kapag walang nakapalibot sa aktres na mga camera.

Ibinahagi ni Ong ang isa sa mga ginawa nito sa kanilang stuntman nang ito ay maputulan ng pinakamalaking buto sa labas ng kanilang trabaho. Dahil sa mahal ng bayad sa hospital, naubos ang ipon ng stuntman, at maaring hindi pa ito makalakad muli dahil hindi na nito kaya pang mabayaran ang mga susunod na operasyon na kinakailangan.

“One late night ng konti na lang tao sa public hospital kung saan nakaconfine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya… kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman,” pahayag ni Ong.

Si Angel ang sumagot ng lahat ng bayarin ng stuntman kaya’t mas lalo siyang hinangaan ng nasabing direktor. Ang ginawa ni Angel na pagtulong ay ang pagpapatunay na siya nga ang real-life Darna ng ating bansa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Isang Sikat Na Aktres At Komedyanteng Ito, Emosyonal Na Inaming Naging Kabit Siya Ng Pitong Taon

Published

on

By

Bagaman masaya na sa kaniyang kasalukuyang relasyon, binuksan at inamin ng aktres at komedyanteng si AiAi delas Alas na siya rin ay minsan nang dumaan sa pagiging kabit.

Ang pag-amin na ito ay nakumpirma isang video clip ng Kapuso Comedy Queen na in-upload ni Ricky Lo, sa kaniyang IG account.

Inamin ni AiAi delas Alas sa kaniyang panayam sa mga reporter na minsan na siyang ginawang kerida ng kaniyang dating naging kinakasama na umabot rin sa humigit-kumulang halos pitong taon. Higit pa roon, ibinahagi na rin na siya ay nagkaroon siya ng anak rito.

Ipinaliwanag ng aktres at komedyante ang hirap na masangkot sa sitwasyon ng pagiging kabit. Alam niyang isa itong maling gawain at hindi dapat gawin sapagkat maraming maaapektuhan o masasaktan sa ganitong sitwasyon.

“Parang ang bigat-bigat ng buhay mo tapos parati kang malungkot.” Dagdag pa ng AiAi. Ikunwento ng aktres and kaniyang karanasan at pinagdaanan at ibinahagi ang kaniyang mga natutunan sa sitwasyon na kinasangkutan.

Sa bandang huli ng kaniyang panayam ay nagbahagi rin si AiAi ng ilang mga paalala o payo sa mga taong kasalukuyan ay nasa ganoong sitwasyon.

Sinabi ni AiAi na hanggang maari ay itigil na at umiwas sa mga ganoong sitwasyon sapagkat ang lahat ng sakit na maidudulot ng pangangaliwa ay pagbabayaran sa huli.

“In general, siguro doon sa mga ano try niyo na lang na wag maging ganon.” Sabi jng aktres. Dagdag pa niya, “Try niyo na lang na wag. Kung hangga’t maari kung pwedeng iwasan, iwasan na lang. Kasi sabi nga nila bawat pagpatak ng luha nung legal na asawa, ‘yon ‘yong pagbabayaran mo. So ako tingin ko marami akong pinagbayaran.”

Sa mga tinuran ng aktres at komedyante, ay halata ang pagpapasalamat ni AiAi sa nararanasan ngayong saya kasama ng kaniyang kabiyak na si Gerald Sibayan, kasama ang kaniyang tatlong anak na sina Sancho, Sean at Sofia.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending