Connect with us

Celebrities

Team Kramer, Proud na Ipinasilip ang Ipinagawang High-Tech na Home Theater sa Loob Mismo ng Kanilang Dream Home!

Published

on

Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng maganda at komportableng bahay. Kaya naman karamihan sa atin ay talagang pinag-iipunan ang pagpapaayos ng ating dream home. Kabilang na sa mga ito ang celebrity couple na sina Cheska Garcia at Doug Kramer, o mas kilala bilang Team Kramer. Ilang taon ring naghanda at nag-ipon ang mag-asawa bago tuluyang naipatayo ang kanilang engrandeng dream home sa Laguna.

Tatlong taon ring under construction ang dream house ng Team Kramer. Ngunit nang matapos ito, kumpletong-kumpleto ito sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya! Napakaganda rin ng lugar na napili ng mag-asawa para sa kanilang bahay. Mayroon itong maids quarter, infinity pool, elevator, at basketball court!

Read also: Barbie Imperial, Proud na Ipinasilip ang Bonggang Valentine’s Surprise ni Diego

Kamakailan lang, ibinahagi ni Doug Kramer na may ilang parte ng kanilang bahay na under construction pa din. Marami pa daw silang nais idagdag upang mas lalo pa itong mapaganda.

Isa na doon ay ang kanilang personal home cinema, na kamakailan lang ay natapos na rin! Ayon kay Doug, matagal na rin niyang pinangarap na magkaroon ng sariling home cinema.

Proud na ipinasilip ni Doug sa social media ang kanyang bagong-gawang home theater. Ayon sa kanya, ang panonood daw ng movies ang isa sa mga bonding nilang magpapamilya.

Kaya naman naisipan niyang magtayo ng sariling sinehan sa kanilang bahay, lalo pa’t maraming sinehan ngayon ang sarado dahil sa banta ng COVID-19.

Aminado rin si Doug na siya ay isang cinema lover, kung kaya’t nag-invest talaga siya ng pera para mapaganda ito. Ang kanilang personal home theater ay kumpleto ng mga reclinable couch at surround sound speakers. Galing pang abroad ang kanyang home entertainment set, at matagal niya rin daw itong hinintay.

Gayunpaman, sulit naman daw ang paghihintay dahil talagang high quality ang mga home entertainment set up na nabili niya.

“Unboxing and carrying these massive speakers was a journey in itself! Ever since I was a teenager, I’ve always dreamed of having my own theater. These JTR speakers are from the US. They’re handmade and had to be produced 3 months, and then 2 months of ocean freight to the Philippines.”

Read also: Pari na Gumanap sa Music Video ng ‘Paubaya,’ Ibinuking ang Nakakaiyak na Kaganapan Habang Nagte-Taping Sila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Celebrities

Isang Lalaki ang Pilit Binuksan ang Pinakamalaking Teddy Bear at Nung Makita Niya ang Laman ay Nadismaya Siya

Published

on

By

Minsan mo na rin bang naisip kung ano pa ang maaring laman ng mga stuffed toys bukod sa kumpol-kumpol na bulak?

Madalas na sasabihin ng iba ay mga nakakatakot na bagay na maaring hindi makapag patulog sa iyo sa gabi, ngunit sa katotohanan ay damit ang kapalit na pang lagay sa loob ng mga teddy bear upang mapanatili ang hulma nito.

Isang vlogger naman na may Youtube channel na nagngangalang ‘What’s Inside?” ang naisipang alamin kung ano ang buong nilalaman ng teddy bear na tinaguriang pinaka malaki sa mundo, at ito ay ang giant costo bear.

Ang Giant Costco Bear ay isa sa mga naging trend sa kasagsagan ng pandemic noong 2020, dahilan upang ang maging isa ito sa pinaka sikat na teddy bear sa buong mundo.

Sa video na ibinihagi ng What’s Inside, sinubukan nilang hatiin at buksan ang mismong loob ng stuffed toy upang makita kung ano ang mga materyales na nasa loob nito.

At laking gulat na lamang nila ng makitang bukod sa bulak sa ay mayroon pang kakaibang bagay na nandoon!

Sa laki niyang 236.22 centimetres (93 inches) ay nakakita sila ng iilang mga unan sa loob, kabilang na ang isang malaki at mahabng body pillow na nagsisilbing alalay ng buong katawan nto.

Sinubukan naman ng vlogger na pumasok sa loob ng mismong teddy bear upang mag kunwaring mascot, at ganun na lamang ang naging tawanan nila dahil di hamak na mas malaki pa ang laruan kaysa sa mismong tao!

Samantala, nagbigay naman ng iba’t ibang komento ang mga viewers sa kanilang napanuod.

“I just want to see the video of them buying the bears in the store…the looks on people’s faces would be priceless haha”

“I’ve been wanting to have that kind of giant bear can’t even afford it, and u just blew it, really broke my heart😢.rip teddy”

“classic family bonding time :)”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Angel Locsin, Magiging Buhay-Reyna Matapos Pakasalan ang Tagapagmanang si Neil Arce

Published

on

Isa si Angel Locsin sa mga pinakahinahangaang personalidad sa showbiz. Talagang maraming kalalakihan ang ibibigay ang lahat mabihag lamang ang puso ng Kapamilya aktres. Bukod sa kanyang taglay na kagandahan, hindi maipagkakailang mabuti rin ang kalooban nito.

Ngunit may isang maswerteng lalaki na ang bumihag sa puso ni Angel! Si Neil Arce, isang film producer, ang kasalukuyang fiance ni Angel.

Ilang taon na rin ang relasyon ng dalawa, at noong taong 2019, tuluyan na ngang nag-propose si Neil sa kanyang girlfriend. Agad namang ibinigay ni Angel ang matamis na oo niya. Ayon sa celebrity couple, maaaring maganap ang kasal nila ngayong 2021.

Read More: Kilalanin ang Nanay ni Inigo Pascual at dating partner ni Piolo na si Donna Lazaro

Hindi maipagkakailang napakaswerte ni Neil sa kanyang fiance, ngunit maging si Angel ay pinalad rin sa kanyang soon-to-be husband.

Bukod sa kabutihang loob nito, talentado rin si Neil sa larangan ng paggawa ng pelikula. At paniguradong magiging secured ang future ng mag-asawa dahil tagapagmana si Neil ng kanilang family business.

Bukod sa pagiging film producer nito, kilala rin si Neil sa larangan ng poker. Sa katunayan, naging champion na rin siya sa mga international poker games. Sumali rin si Neil sa Asian Poker Tour Championships, at isa rin siya sa mga shareholders ng Metro Card Club sa Pilinas.

“Napakasuwerte ni Angel dahil napakaresponsableng lalaki ang pakakasalan niya. Nakatrabaho na namin siya, kapag may sinabi siya, tinutupad niya. Huwag na ang sobrang yaman ni Neil, nag-iisang tagapagmana kasi siya ng family nila, hindi ‘yun mauubusan!” Ito ang pahayag ng isa sa mga katrabaho ng celebrity couple.

Maraming tao ang humahanga sa katatagan ng relasyon ni Neil Arce at Angel Locsin. Kahit ano mang pagsubok o kontrobersya ang dumating sa kanila, hinaharap nila ito ng magkasama. Kaya naman napakaswerte ni Neil at Angel sa isa’t-isa.

Read More: Sexy Pinay Celebrities na Ginulantang ang Publiko sa Kanilang Biglaang Pagbubuntis

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Celebrities

Mario Maurer, Mas Pipiliin Daw “Jowain” si Liza Soberano Kumpara kay Bea Alonzo!

Published

on

Kamakailan lang, muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang Thai actor na si Mario Maurer. Nagpaunlak ito ng interview sa virtual mediacon noong May 11, kung saan kasama niya ang dalawang Thai stars na sina Gulf Kanawut at Nonkul Chanon. Maraming fans rin ang kinilig matapos makisali si Mario sa “Jojowain o Totropahin” challenge.

Matapos ipaliwanag ang mechanics ng challenge, game na game naman si Mario na sumagot. Tinanong ito kung sino sa dalawang Pinay stars na sina Liza Soberano at Bea Alonzo ang pipiliin niya. Ayon sa 32-anyos na aktor, pang-jowa si Liza samantalang pang-tropa naman si Bea Alonzo para sa kaya.

Read More: Donnalyn Bartolome, Inofferan ng Isang Prinsipe ng mga Bagay na ito Para Maging Sugar Baby!

Bukod pa dito, pinuri rin ni Mario si Bea dahil sa galing nitong umarte. Ayon kay Mario, isa si Bea sa mga pinakamagaling at pinakahinahangaan niyang artista sa Pilipinas. Nais rin daw niyang ma-guide siya ni Bea kung sakaling gagawa siya ng pelikula dito sa Pinas.

Matatandaang noong March 22 ay nagpadala ng isang cease-and-desist letter ang kampo ni Mario kay Kakai. Ayon sa nakasaad sa letter, simula nang ma-link si Mario kay Kakai ay nalugmok ang career nito.

Marami rin daw projects ang nawala sa aktor, kaya naman pinakiusapan nila si Kakai na wag na muling gagamitin ang pangalan ni Mario.

“Thus, we would like to confirm that all the statements made by Catherine ‘Kakai’ Bautista are hereby denied as the same are all false and untrue. By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws.”

Kaugnay ito ng nagdaang interview ni Kakai, kung saan sinabi niyang paminsan-minsan ay nag-a-I love you pa rin sa kanya si Mario.

Matapos ito, agad nagpadala ng letter ang kampo ng aktor na may subject na: Demanding to Cease, Desist and Refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer. Bukod pa dito, nagbabala rin sila na kakasuhan si Kakai kapag hindi ito tumigil.

Read Also: Isang Kalapati, Usap-Usapan ng Netizens Matapos Maibenta Online sa Halagang 91 Million!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending