Connect with us

Inspirational

Pinoy Artist, Ipinamalas ang Galing Matapos Gumuhit ng ‘Last Supper’ Gamit Lamang ang Ballpen at Resibo!

Published

on

Karamihan sa atin ay itinatapon na ang mga resibo dahil kalat lamang ito. Ngunit isang Pinoy artist ang nakakita ng potensyal sa kanyang resibo. Imbes na itapon ay ginawa niya itong isang masterpiece! Talagang maraming netizens ang humanga sa angking talento at galing ng Pinoy artist na ito, na gumuhit ng ‘Last Supper’ gamit lamang ang ballpoint pen at isang resibo.

Ibinahagi ni James Abayon Lolo ang kanyang munting masterpiece na nagpahanga sa mga netizens. Gamit lamang ang isang maliit na resibo at mga makukulay na ballpen, nakagawa siya ng replica ng “Last Supper” ni Leonardo da Vinci.

Read also: Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito

Ayon sa kanya, nag-enjoy rin siya sa paggawa ng kanyang munting masterpiece. Paniguradong ilang oras rin ang ginugol niya sa pag-drawing nito. Kitang-kita naman sa mga larawan ang detalye na inilagay niya upang magmukhang realistic ang kanyang ‘Last Supper’ na drawing.

Bukod pa dito, ibinahagi niya rin ang kanyang work in progress. Nagsimula siya sa pagguhit kay Hesus, na siyang pinaka-sentro ng nasabing painting.

Kasunod naman nito ay iginuhit niya ang 12 na apostoles sa magkabilang panig ni Hesus. Talagang nakakamangha ang husay niya!

“This is freehandly drawn using ballpoint pens. I enjoyed doing these kind of art style since it not just enhances my skills but my patience at the same time. Go beyond on your creativity lang guys hihi, don’t restrain yourself just because of insufficient art materials. You can make a masterpiece with all the things and stuffs around you.”

Nagbigay rin ng mahalagang payo ang artist para sa mga kapwa niya na mahilig ring mag-drawing. Ayon sa kanya, kahit kulang ka pa sa materyales, kailangan mo lang ng creativity at resourcefulness upang maisagawa ang art mo! Hindi mo rin kailangan ng mamahaling art materials para makagawa ng isang masterpiece.

Read also: Team Kramer, Sinurpresa ang Kanilang Loyal na Kasambahay na si yaya Joy at Ipinagawa ang Barong-Barong na Bahay

Namangha ka rin ba na natatanging talento ng Pinoy artist na ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspirational

Dating Manikurista na Laking Probinsya, Milyonarya na Ngayon at Nakapagpundar ng Iba’t-Ibang Ari-Arian!

Published

on

Kung walang tiyaga, walang nilaga. Ito ang mantra ni Malou Arellano sa kanyang buhay. Dating manikurista lamang si Malou, ngunit sa tulong ng kanyang sipag at dedikasyon, naging isang multi-millionaire na siya ngayon! Kamakailan lang ay ibinahagi ng programang “Rated Korina” ang nakaka-inspire nakwento ni Malou na agad namang nag-trending sa social media.

Tubong Northern Samar si Malou. Ipinanganak siya sa isang mahirap na pamilya na araw-araw kumakayod para lamang makaraos silang mag-anak.

Dahil dito, sa murang edad niya ay namulat na sa realidad si Malou, kaya naman pinangako niya sa kanyang sarili na gusto niyang umasenso paglaki niya upang masuklian ang sakripisyo ng kaniyang pamilya.

Read also: Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito

Lumuwas sila sa Maynila upang maipagpatuloy ni Malou ang kanyang pag-aaral. Bata pa lamang siya ay business minded na si Malou.

Kaya naman noong grade 5 siya, naghanap siya ng pagkakakitaan para makapag-ipon. Nagbebenta siya ng buto ng langka hanggang sa nakaipon siya para may panggastos sila sa pang-araw araw.

Natuto rin si Malou sa pagmamanicure dahil sa kanyang nanay. Mula sa pagtitinda ng buto nglangka, naging manikurista na si Malou. Nagho-home service siya upang kumita at may pangbaon sa eskwela. Nagbenta rin siya ng mga ready-to-wear na apparel upang dumagdag ang kita niya.

May mga panahon rin daw na nawalan na ng pag-asa si Malou, dahil tila walang asenso ang buhay niya. Ngunit ayon kay Malou, na-inspire siya kay Lord, kaya naman lumakas pa lalo ang loob niya.

Dito na rin niya pinasok ang mundo ng networking, kung saan unti-unti nang yumabong ang business niya. Dito na rin nag-umpisang anihin ni Malou ang bunga ng kanyang kasipagan.

Unti-unti niyang natulungan ang kanyang pamilya, hanggang sa nakabili na rin siya ng maraming ari-arian. Ayon naman sa ibang malapit kay Malou, hindi mapapantayan ang sipag at tyaga nito pagdating sa diskarte, kaya naman hindi na nakakapagtaka na milyonarya na ito ngayon!

Read also: Team Kramer, Sinurpresa ang Kanilang Loyal na Kasambahay na si yaya Joy at Ipinagawa ang Barong-Barong na Bahay

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

Published

on

Ngayong Valentine’s day, siguradong maraming tao na naman ang makakatanggap ng mga flower bouquets mula sa kanilang mga minamahal. Talaga nga namang nakakakilig ang makatanggap ng regalo mula sa ibang tao, lalo pa’t tuwing Valentine’s day. Iba’t-ibang pakulo na rin ang nauuso ngayon, tulad na lamang ng money bouquet! Imbes na bulaklak, pera naman ang ini-arrange upang magmukhang bouquet.

Isa sa mga mapalad na nakatanggap ng money bouquet ay ang magsasakang ito mula sa Dingras, Ilocos Norte. At hindi lang basta-bastang money bouquet ang natanggap ni Tatay Larry! Maging siya ay nagulat matapos i-deliver sa kanya ang napakalaking sorpresa na ito na umabot sa P200,000!

Read also: Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon

Ayon sa isang Facebook page, kahit pa matanda na ay tuloy pa rin ang pagkayod ni Tatay Larry sa kanyang sakahan. Kaya naman para mapagaan ang kanyang trabaho, napagdesisyunan ng mga kamag-anak niya na sorpresahin siya ngayong Valetines.

Imbes na chocolates at bulaklak, isang napakalaking money bouquet ang natanggap ni Tatay Larry. Tinatayang umabot ng P200,000 ang natanggap ni Tatay Larry mula sa kanyang mga kamag-anak.

Balak naman niyang gamitin ito upang makabili ng tractor na magagamit niya sa pagsasaka. Sa ganitong paraan, mas mapapadali daw ang kanyang trabaho lalo pa’t ngayon ay tumatanda na siya.

“Isang magsasaka sa Dingras, Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw, ganun na rin ang kanyang edad kaya naisipan ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad, na bigyan siya ng regalo. At eto, bumili siya ng sasakyang pangbukid. Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay Tatay Larry.”

Maraming netizens naman ang naantig sa kwentong ito! Talagang nakapaswerte ni Tatay Larry sa kanyang mga kamag-anak, dahil hindi nila siya nakakalimutan kahit pa nasa ibang bansa sila. Kahit malayo sila, sinigurado nilang mararamdaman ni Tatay Larry ang kanilang pagmamahal.

Read also: Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Ikaw, may natanggap ka rin bang regalo ngayong Valentine’s day? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon

Published

on

Sa iba’t-ibang probinsya, maraming pamilyang Pilipino pa rin ang naghihikahos sa buhay. Ngunit sa kabila ng kahirapan, patuloy pa rin tayong kumakayod para makaraos sa araw-araw. At kahit pa salat sa yaman, sagana naman sa pangarap at pag-asa ang karamihan sa mga kabataan. Isa na sa kanila ay ang batang babae na ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media.

Maraming netizens ang naantig sa nakaka-inspire na kwento ng batang ito mula sa Zamboanga del Sur. Ibinahagi ng guro na si Almera Maquintura Bagares ang kwento ng kanyang estudyante. Ayon kay Ma’am Bagares, isa sa mga natatanging mag-aaral niya ay si Cristine Nonan.

Read also: Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Ipinanganak sa mahirap na pamilya si Cristine sa Busol, Tigbao, Zamboanga del Sur. Sa kabila ng kanilang gipit na pamumuhay, pursigido ang mga magulang ni Cristine na igapang ang pag-aaral niya. Sinusuklian naman ni Cristine ng kasipagan ang mga sakripisyo ng kaniyang magulang.

Kaya naman kahit walang baon o bagong gamit ay matyagang pumapasok si Cristine araw-araw. Ayon sa guro ni Cristine, madalas itong pumasok sa eskwela ng walang baon o pera. Minsan naman daw ay kumakain ito ng ilang pirasong tuyo at kamote upang maipangtawid gutom.

Ayon sa guro, parehong magsasaka ang mga magulang ni Cristine. Ngunit hindi rin sasapat ang mga kinikita nila dahil hindi sa nila pagmamay-ari ang lupa na sinasaka nila. Ngunit sa kabila ng kahirapan, nagsisipag pa rin silang mairaos ang pag-aaral ng kanilang anak na si Cristine.

Dahil dito, maraming netizens ang nag-offer na tulungan ang masipag na estudyanteng ito. Sa social media, bumaha ang tulong at suporta para kay Cristine at sa kanyang pamilya. Maraming netizens din ang sumaludo sa kasipagan ng estudyante na ito.

Read also: Proud na Anak ng Kasambahay at Tanod, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

 

Continue Reading

Trending