Connect with us

Celebrities

Barbie Imperial, Proud na Ipinasilip ang Bonggang Valentine’s Surprise ni Diego

Published

on

Sa pagsapit ng Valentine’s day, kung ano-anong pakulo ang inihahanda ng marami upang maipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang special someone. Karamihan ay nagbibigay ng bulaklak o regalo, samantalang ang iba naman ay nagpe-prepare pa ng isang bonggang surprise! Isa na sa kanila ay ang aktor na si Diego Loyzaga, na kamakailan lang ay sinorpresa ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial.

Maraming netizens ang napa-“sana all” matapos makita ang bonggang sorpresa ni Diego para sa kanyang girlfriend. Mukhang hindi talaga magpapatalo ito, at talagang gusto niyang pasayahin si Barbie sa espesyal na araw na ito. Kaya naman na-set up si Diego ng isang elaborate ng Valentine’s day surprise sa bahay ni Barbie.

Read also: Pari na Gumanap sa Music Video ng ‘Paubaya,’ Ibinuking ang Nakakaiyak na Kaganapan Habang Nagte-Taping Sila

Ayon kay Barbie, hindi niya nakasama si Diego dahil may trabaho ito. Gayunpaman, nagpa-arrange daw si Diego ng surprise upang madama ni Barbie ang kanyang effort at pagmamahal. Dahil dito, mas lalong na-touch ang aktres sa efforts na ipinakita ni Diego kahit pa malayo ito.

“Diego, thank you for your endless efforts. You were still able to do this kahit hindi tayo magkasama cause you have work. Grabe ka you always find a way to make me happy. Thank you for always making me happy and feel loved. Any day feels like valentine’s day with you. I miss you already, thank you love.”

Matatandaang nitong nakaraan lamang ng ibinahagi ng dalawa na may relasyon na sila. Bago pa man ang pag-amin na ito, napansin na ng mga fans na palaging magkasama sa publiko si Diego at Barbie. Wala namang masama kung ma-link ang dalawa sa isa’t-isa, dahil bukod sa bagay na bagay sila ay parehas rin naman silang single.

Sa isang interview, aminado rin si Barbie na hindi nila minadali ang kanilang relasyon. Bago sila maging magkasintahan, naging matalik na magkaibigan muna sila ni Diego. Dahil dito, mas komportable daw si Barbie sa kanilang relasyon, kumpara sa mga naging ex niya dati. Ayon pa kay Barbie, isang gentleman at talagang napaka-thoughtful na tao ni Diego.

Read also: Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Isang Dalagita, Ibinenta Ang Natatanging Motorsiklo Ng Ama Upang Mapuntahan Ang Crush Niya Sa Ibang Bansa!

Published

on

By

Hanggang saan aabot ang iyong kahumalingan para sa isang tao na iyong iniidolo o hinahangaan?

Sa makabagong panahon ngayon kung saan umiikot na ang mundo natin sa internet at social media, mas napapalapit sa kapahamakan ang mga kabataan na di hamak na mas maraming oras upang bumabad sa teknolohiya.

Kung kaya naman nagiging resulta ito ng iba’t ibang klasen ng exposure sa kanila, kagaya na lamang ng dalagitang ito na umabot sa sukdulan ang ginawang paraan upang makita lamang ang lalaking kaniyang nakilala online!

Isang menor de edad na Indonesian ang viral ngayon sa social media matapos ibunyag ng kaniyang pamilya ang kaniyang ginawang kapilyahan upang makita lamang ang kaniyang crush na una niyang nakapalagayang loob sa internet.

Taga Jakarta raw di umano ang lalaki, na isang socceer player. At sa kagustuhan niyang masilayan ang lalaki at mapanuod na rin ang kaniyang laban nito ay ibinenta niya ang motorsiklo ng ama upang makabili siya ng single ticket sa airport papunta rito!

Buong pag-asa ng naglakbay ang babae upang sa wakas ay makita na ang kaniyang crush na matagal na niyang kausap, at sa wakas, sa loob lamang ng ilang oras ay makakasama na niya ito!

Ngunit… nakarating na siya sa Jakarta ay nagsimula nang mag panic ang dalaga.

Hindi na umano sumasagot ang lalaki sa kaniyang mga tawag, na agad niyan ikinabahala.

Buong gulat na lamang ng mga staff ng airport sa Jakarta noong may mamataan silang dalagitang umiiyak sa gilid, dahil hindi umano sumipot ang lalaki sa kanilang tagpuan.

Agad naman nilang tinawagan ang pamilya ng dalagita upang maipa alam ang kaniyang kalagayan, at sinundo na rin siya sa airport.

SImula noon ay nagsilbi na itong aral sa kaniya na huwag na huwag mag tiwala online.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Isang Direktor, Binulgar Ang Tunay Na Ugali Ni Angel Locsin Na Hindi inaasahan ng lahat

Published

on

By

Kilala si Angelica Locsin Colmenares, or mas kilala bilang Angel Locsin, dahil sa kaniyang magaling na pag-arte, kahit ano mang karakter ang ipagawa dito.

Mas nakilala si Angel sa kaniyang pagiging Darna. Ang Filipina superhero na ito ay ang isa sa pinakatumatak na karakter na binidahan ni Angel. At hanggang sa kasalukuyan ay ito ang pagkakakilanlan ng dalaga, ang “real-life Darna ng Pinas”.

Ang palayaw ng tanyag na aktres bilang real-life Darna ay nahango ng kaniyang mga fans dahil sa matinding dedikasyon nito para sa kaniyang pagkaPilipino. Si Angel Locsin ay hindi lamang artista, kundi isang negosyante, aktibista at isang philanthropist na tahimik tumutulong sa kaniyang mga kapwa Pinoy.

Hindi pinapangalandakan ng nasabing aktres ang kaniyang mga pagtulong, at ginagamit lamang ni Angel ang kaniyang mga social media accounts bilang plataporma kung saan siya ay nanghihikayat ng mga tao upang tumulong pa sa nakakarami.

At kamakailan nga lamang, ipinahayag ng direktor ng La Luna Sangre, na si Lester Pimentel Ong, ang ugali ni Angel Locsin kapag walang nakapalibot sa aktres na mga camera.

Ibinahagi ni Ong ang isa sa mga ginawa nito sa kanilang stuntman nang ito ay maputulan ng pinakamalaking buto sa labas ng kanilang trabaho. Dahil sa mahal ng bayad sa hospital, naubos ang ipon ng stuntman, at maaring hindi pa ito makalakad muli dahil hindi na nito kaya pang mabayaran ang mga susunod na operasyon na kinakailangan.

“One late night ng konti na lang tao sa public hospital kung saan nakaconfine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya… kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman,” pahayag ni Ong.

Si Angel ang sumagot ng lahat ng bayarin ng stuntman kaya’t mas lalo siyang hinangaan ng nasabing direktor. Ang ginawa ni Angel na pagtulong ay ang pagpapatunay na siya nga ang real-life Darna ng ating bansa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Kilalanin Ang Napaka Gandang Kapatid Ng Aktres At Dancer Na Si Ella Cruz

Published

on

By

Kilala sa angking galing sa pag-arte, pagsayaw at pagrampa ang 23-anyos na si Gabriela Annjane Umali Cruz, o mas kilala sa kaniyang stage name na Ella Cruz.

Bilang isang child star, kilalang-kilala si Ella Cruz sa larangan ng showbiz at pag-arte. Ngunit, mas kilala ang nasabing aktres sa kaniyang pagsayaw at sa mga pelikula kasama ang kaniyang ngayon ay kasintahan na si Julian Trono.

Samantala, bagaman ay itinuturing na isa sa pinakasikat na teen actress sa kasalukuyan, ay nananatiling pribado sa kaniyang personal na buhay, kaugnay sa kaniyang pamilya. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang actress-dancer na si Ella Cruz ay mayroong napakagandang nakatatandang kapatid na nagngangalang Tricia Cruz.

Marami ang nagsasabi na halos pinagbiyak na bunga sila Ella at Tricia, parehas maganda ang magkapatid kung kaya’t nakakahakot rin ito ng atensyon mula sa nakararami. Bukod pa kay Tricia, ay may iba pang mg kapatid ang kilalang Millenial Dance Princess na si Ella, at ito ay ang mga kapatid niyang sina Lana at Ethan Cruz.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng pagkakataon na tumampok sa isang segment ng ‘Magandang Buhay’ ang magkapatid na Ella at Tricia Cruz. Dito, ipinamalas ng magkapatid ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa.

Kinuwento ni Tricia na bagaman palaging sa text messages lamang sila madalas mag-usap ni Ella ay nagagawa niya pa rin naman itong bigyan ng mga payo kapag ito ay nangangailangan ng kaniyang tulong.

Sinabi rin ng aktres at mananayaw na kaya palagi siyang nagsasabi sa kaniyang pamilya ng kaniyang mga suliranin ay dahil sa huli, ito parin naman ang kaniyang tatakbuhan kapag siya ay nagkaproblema o kaya’y nagkaroon ng mga bagay na kailangang lutasin, kaya naman ganon na lamang ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang ate na handang gabayan siya.

Sa ngayon, si Tricia Cruz ay busy sa kaniyang youtube account, kung saan ay ipinopost ng dalaga ang kaniyang mga game streams, travel vlogs o ang kahit anong mga bagay na pumupukaw sa kaniyang atensyon at kagustuhan, kagaya ng fashion.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending