Connect with us

Local

Sikat na News Anchor, Halos Gumuho ang Mundo Dahil sa Matinding Karamdaman na Pinagdadaanan ng Anak Niya

Published

on

For a parent, nothing is ever more painful than seeing your child suffering. Most parents are willing to sacrifice themselves just to spare their child from sickness and hurt. However, there are times when their faith and strength as parents will be tested. This is exactly what news anchor Anthony Taberna is currently going through.

Taberna’s oldest daughter, Zoey, was diagnosed with leukemia. As part of her treatment, she needs to undergo chemotherapy. Throughout the way, the DZRH anchor and his wife, Rossel, has been supportive of their daughter.

Read also: Kris Aquino, Naghahanap ng Nurse na Kaya Siyang Buhatin, Pero Tiba-Tiba naman Daw sa Benefits

On Instagram, Taberna recently shared that his daughter agreed to shave her head. One of the side effects of chemotherapy is hair loss, so Zoey opt to just shave her hair altogether. According to the news anchor, he still cries everytime he watches the video of his daughter shaving her head.

“Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong pumunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha,” wrote the anchor on Instagram.

Aside from Taberna, Rossel and her sister, Helga, also looks after Zoey. In spite of the challenges they are facing, the couple is not losing any hope. In addition to that, he also explained that he admires Zoey’s courage.

“Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nu’ng nag-umpisang malagas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy. Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nu’ng makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay.”

Read also: Misis ni April Boy Regino, Tinanaw ang Malaking Naitulong sa Kanila ni President Duterte na Hindi Alam ng Marami

Have you ever taken care of a sick loved one before? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspirational

Dating Manikurista na Laking Probinsya, Milyonarya na Ngayon at Nakapagpundar ng Iba’t-Ibang Ari-Arian!

Published

on

Kung walang tiyaga, walang nilaga. Ito ang mantra ni Malou Arellano sa kanyang buhay. Dating manikurista lamang si Malou, ngunit sa tulong ng kanyang sipag at dedikasyon, naging isang multi-millionaire na siya ngayon! Kamakailan lang ay ibinahagi ng programang “Rated Korina” ang nakaka-inspire nakwento ni Malou na agad namang nag-trending sa social media.

Tubong Northern Samar si Malou. Ipinanganak siya sa isang mahirap na pamilya na araw-araw kumakayod para lamang makaraos silang mag-anak.

Dahil dito, sa murang edad niya ay namulat na sa realidad si Malou, kaya naman pinangako niya sa kanyang sarili na gusto niyang umasenso paglaki niya upang masuklian ang sakripisyo ng kaniyang pamilya.

Read also: Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito

Lumuwas sila sa Maynila upang maipagpatuloy ni Malou ang kanyang pag-aaral. Bata pa lamang siya ay business minded na si Malou.

Kaya naman noong grade 5 siya, naghanap siya ng pagkakakitaan para makapag-ipon. Nagbebenta siya ng buto ng langka hanggang sa nakaipon siya para may panggastos sila sa pang-araw araw.

Natuto rin si Malou sa pagmamanicure dahil sa kanyang nanay. Mula sa pagtitinda ng buto nglangka, naging manikurista na si Malou. Nagho-home service siya upang kumita at may pangbaon sa eskwela. Nagbenta rin siya ng mga ready-to-wear na apparel upang dumagdag ang kita niya.

May mga panahon rin daw na nawalan na ng pag-asa si Malou, dahil tila walang asenso ang buhay niya. Ngunit ayon kay Malou, na-inspire siya kay Lord, kaya naman lumakas pa lalo ang loob niya.

Dito na rin niya pinasok ang mundo ng networking, kung saan unti-unti nang yumabong ang business niya. Dito na rin nag-umpisang anihin ni Malou ang bunga ng kanyang kasipagan.

Unti-unti niyang natulungan ang kanyang pamilya, hanggang sa nakabili na rin siya ng maraming ari-arian. Ayon naman sa ibang malapit kay Malou, hindi mapapantayan ang sipag at tyaga nito pagdating sa diskarte, kaya naman hindi na nakakapagtaka na milyonarya na ito ngayon!

Read also: Team Kramer, Sinurpresa ang Kanilang Loyal na Kasambahay na si yaya Joy at Ipinagawa ang Barong-Barong na Bahay

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

OFW sa Saudi, Nawalan ng Trabaho Matapos Mag-Viral ang Video na Nagti-TikTok sa Loob ng Mosque!

Published

on

Kumalat sa social media ang TikTok video ng isang overseas Filipino worker na ito sa Jeddah, Saudi Arabia. Sa nasabing video, kitang-kita kung paano magsayaw ang Pinay worker, na kinilala lamang sa pangalang “JM.” Ngunit nagsimulang ulanin ng pambabatikos si JM matapos makita na sa loob pala misyo ng mosque siya nagsasayaw!

Agad na kumalat ang video niya online, at hindi nagtagal ay nakarating rin ito sa kanyang mga employers. Hindi naman naging maganda ang resulta nito, dahil agad nila sinesante ang Pinay worker. Dahil dito, napilitan si JM na humingi ng tulong mula sa Philippine Overseas Labor Office.

 

Read also: Protective Daddy! Zoren Legaspi, Nag-React Matapos Padalhan ni Darren ng Bulaklak ang Unica Hija Niyang si Cassy

“Monday po mga before 10:00 or 9:00am ay nakaabot po agad sa office ang TikTok video. Tinawagan po ‘yung manager ko na burahin yung TikTok ko na sayaw, pagkatapos po pumunta po yung investigator sa store tapos hindi na ako nakapasok. Itong Thursday ay nalaman ko na terminated na ako,” pahayag ng OFW.

Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon sa social media. Nagbigay rin ng opinyon ang ibang OFWs na nagtatrabaho sa Middle East. Maraming OFW ang hindi kinondena ang ginawa ni JM. Para sa kanilang, hindi tama ang ginawa nitong pagvi-video sa Tiktok sa loob mismo ng mosque.

 

Ayon pa sa kanila, maituturing na kabastusan ang ginawa ni JM dahil wala umano itong respeto sa sagradong lugar. May mga OFW din na nagpaalala sa ibang Pinoy na iwasan ang ganitong gawain, dahil maaaring maparusahan rin sila ng mga otoridad kapag nakita na hindi nila iginagalang ang mga sagradong lugar doon.

“Isang babala sa mga Pinay sa Middle East. Labag sa kahit anong religion ang pambabastos sa loob ng simbahan at mosque. Kaming mga OFW advocates ay obligasyon namin payuhan kayo, dahil mahal namin kayo. Sa ganitong ginawa niyo, malaking parusa depende sa ihahatol ng Shariah court.”

 

Read also: Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

Published

on

Ngayong Valentine’s day, siguradong maraming tao na naman ang makakatanggap ng mga flower bouquets mula sa kanilang mga minamahal. Talaga nga namang nakakakilig ang makatanggap ng regalo mula sa ibang tao, lalo pa’t tuwing Valentine’s day. Iba’t-ibang pakulo na rin ang nauuso ngayon, tulad na lamang ng money bouquet! Imbes na bulaklak, pera naman ang ini-arrange upang magmukhang bouquet.

Isa sa mga mapalad na nakatanggap ng money bouquet ay ang magsasakang ito mula sa Dingras, Ilocos Norte. At hindi lang basta-bastang money bouquet ang natanggap ni Tatay Larry! Maging siya ay nagulat matapos i-deliver sa kanya ang napakalaking sorpresa na ito na umabot sa P200,000!

Read also: Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon

Ayon sa isang Facebook page, kahit pa matanda na ay tuloy pa rin ang pagkayod ni Tatay Larry sa kanyang sakahan. Kaya naman para mapagaan ang kanyang trabaho, napagdesisyunan ng mga kamag-anak niya na sorpresahin siya ngayong Valetines.

Imbes na chocolates at bulaklak, isang napakalaking money bouquet ang natanggap ni Tatay Larry. Tinatayang umabot ng P200,000 ang natanggap ni Tatay Larry mula sa kanyang mga kamag-anak.

Balak naman niyang gamitin ito upang makabili ng tractor na magagamit niya sa pagsasaka. Sa ganitong paraan, mas mapapadali daw ang kanyang trabaho lalo pa’t ngayon ay tumatanda na siya.

“Isang magsasaka sa Dingras, Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw, ganun na rin ang kanyang edad kaya naisipan ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad, na bigyan siya ng regalo. At eto, bumili siya ng sasakyang pangbukid. Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay Tatay Larry.”

Maraming netizens naman ang naantig sa kwentong ito! Talagang nakapaswerte ni Tatay Larry sa kanyang mga kamag-anak, dahil hindi nila siya nakakalimutan kahit pa nasa ibang bansa sila. Kahit malayo sila, sinigurado nilang mararamdaman ni Tatay Larry ang kanilang pagmamahal.

Read also: Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Ikaw, may natanggap ka rin bang regalo ngayong Valentine’s day? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending