Connect with us

Celebrities

Sexy Actress, Napapabalitang Karelasyon ni PITC Undersecretary Dave Almarinez!

Published

on

Confirmed! Ara Mina is currently dating Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez. According to Ara they are still taking things slow. They are getting to know one another first before diving into a more serious relationship. The former actress claimed that she wants to be more careful, so that her next relationship will be her best one.

“I think walang masama mag-entertain ako. I’m single and he’s single. Let’s see kung saan tutungo ito. I just want to be careful this time. Kasi I told myself na yung magiging next relationship ko, gusto ko yun na ang magiging partner in life ko or magiging GOD’S BEST ko.”

Read also: Julia, Naka-Move on na Mula kay Joshua at Gerald! Sino Kaya ang Mystery Man na Nagpapatibok Ngayon ng Puso niya?

Before they began seeing one another, Dave and Ara started off as friends. The two have developed a close and platonic friendship for two years, before it slowly blossomed into romance.

With their solid foundation, we’re sure that Ara and Dave will have a smooth-sailing relationship, if they ever decide they’re ready.

During her interview, Ara Mina was asked what are Dave’s attributes that she likes. According to the “Ang Probinsyano” actress, the PITC Undersecretary is already a full package!

“Masipag na tao, mabait, simple, at higit sa lahat napakatiyagang tao,” said Ara.

As of now, Ara’s top priority is her daughter with her former partner Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses. Dave, who also have children in his former marriage, respects Ara’s boundaries and decision.

“He knows naman kasi kung ano priority ko, daughter ko, work, and yung business ko. And it is taking too much of my time, and naiintindihan niya yun totally. Hindi sa nag-iinarte ako at feeling dalaga. Pero kahit hindi na ako bata, hindi ako nagmamadali magka-boyfriend.”

Read also: Boy Abunda, Aminadong Nangamba Matapos Manganib ang Career Dahil sa Pagsasara ng ABS-CBN

What are your thoughts about this? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Jane De Leon, Mamaalam Na Sa Ang Probinsyano Upang Gawin Ang Bagay Na Ito

Published

on

By

Laking gulat ng mga taga-suporta ng long time running ABS CBN prime time series na Ang Probinsyano ang biglaang pag-exit ng aktres na si Jane de Leon kahit na on going pa rin ang serya.

Ayon sa anunsyo na ginawa ng ABS CBN sa kanilang official Facebook account ay kailangan nang umalis ng karater ni Jane sa palabas upang makapag handa na ito sa pag uumpisa ng taping ng Darna na halos anim na taon nang pinaghahandaan ng network.

“Lilipad na sa wakas bilang Darna si Jane de Leon at magsisimula nang mag-taping para sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ngayong Setyembre.

“Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan niya ginagampanan ang karakter ni Capt. Lia Mante.

“Mapapanood ang mas maaksyong FPJ’s Ang Probinsyano sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon.”

Matapos ang mahabang proseso ng paghahanda ng ABS CBN para sa Darna the Movie ay lubos na ikinagagalak ni Jane ang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ng kompanya upang mapatunayan ang kaniyang kalidad bilang aktres.

“Akala ko postponed, hindi na matutuloy. Ayoko talaga mag-expect.

“Yun ang pinaka-prinomise ko kay Lord na ayoko mag-expect ng kahit ano because alam ko naman na may darating na blessings.

“And then, yun ang sinabi ko dati habang nag-audition ako sa mga boss.”

Dagdag pa niya, “Sinabi ko sa kanila na, ‘If hindi po talaga para sa akin ito, naiintindihan ko na baka para talaga sa ibang tao or para sa ibang nararapat na artista. Pero kung ibibigay niyo po sa akin ito at pagkakatiwalaan niyo po ako, nagpapasalamat po talaga ako.'”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Mariel Padilla, Nanindigang Hihiwalayan Ang Asawang Si Robin Kapag Nangbabae Ito!

Published

on

By

Binigyan ng pagkakataon ni Mariel Padilla ang kaniyang asawang si Robin na klaruhin ang kaniyang pahayag ukol sa tukso at pangbabae sa vlog ni Ogie Diaz kung saan ibinunyag niya na hiwalay na ang kaniyang anak na si Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica dahil sa third party.

Sa bagong vlog na inupload ng aktres ay muli niyang tinanong ang kontrobersyal na pahayag ni Robin ukol sa pangangalunya.

“Kasi sa panahon ngayon, huwag na tayong maglokohan. Panahon ngayon, hindi ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

Paglilinaw ni Robin, “Ako ay nagsasalita sa aking experience. Experience ‘yon nung ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan,”

Bumwelta rin siya sa mga nambabatikos sa kaniya, “Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it. Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo ‘yung interview,” saad ni Robin. “’Yung iba dun lang sa caption, binanatan na ‘ko nang sobra-sobra.”

Dagdag pa niya, “Ibig kong sabihin hindi ka dapat umabot sa punto na ‘yon, di ba? Hindi porke’t sinabi na natukso ka, e, may ginawa ka na. Ang sama naman mag-isip ng mga ‘yon. Napaka… masyado ka nang forward,”

Humirit pa si Robin na minsan day ay pinapayagan siya ni Mariel na tumingin sa ibang mga babae lalo na kung nasa ibang bansa sila.

Buwelta ng aktres, “Hindi ako pumapayag. Never ako pumayag,”

Sabi naman ni Robin ay wala rin daw siyang balak ipagmayabang ang kaniyang nakaraan sa mga babae.

“Kasi, hindi ipinagyayabang ang pagiging loyal. Ang pagiging loyal ay ginagawa, hindi ‘yun sinasabi. Pagka masyado kang talkies, baka kulang sa walkies. Ang tukso sa atin ay realidad,” pahayag nito.

Ayon pa sa aktor, “Huwag tayong masyadong defensive. Huwag tayong masyadong feeling guwapo. Kasi ‘pag masyado tayong feeling guwapo na, ‘Di. Kaya ko ‘yung mga temptasyon. Di. Kaya ko ‘yon,’ delikado ‘yon.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

DJ Loonyo, Umalma Sa Fake News Na Pahayag Niya Patungkol Sa Pagkapanalo Ni Hidilyn Diaz

Published

on

By

Pumalag ang internet sensation at Youtube vlogger na si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa totoong buhay matapos kumalat ang “Fake News” niyang pahayag ukol sa pagkapanalo ng gold medal ni Hidilyn Diaz sa #Tokyo2020 Olympics.

Isang Facebook page na may pangalang “Bakkler’ ay nagpost ng isang material kung saan tinawag di umano ni Loonyo na “toxic” si Hidilyn dahil sa kaniyang pagtamasa ng mga gantimpala matapos niyang masungkit ang medalya.

“CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO. PEOPLE NOWADAYS NGA NAMAN, MAS PIPILIIN ANG EASY MONEY KAYSA MAGTRABAHO NANG MARANGAL. YUNG IBA DYAN KAYOD-KALABAW TAPOS IKAW UMAASA LANG SA BIGAY?”

Agad namang nakarating sa vlogger ang balitang ito at nagbigay naman siya ng pahayag sa kaniyang Facebook page upang pabulaanan ang lahat.

Ayon sa internet star, “Di na talaga natapos yung page na to kakagawa ng FAKE NEWS (FACT CHECK AND MAGBASA)

“HAY NAKO, PINOY HIHILA SA KAPWA PINOY!

“ANG TANONG SINO BA TALAGA ANG “BOBO”?

Nagbigay babala rin siya sa mga netizens na agad-agad naniniwala sa mga nakikita nila sa social media.

“Kapwa, Kababayan kong pilipino naman, kung makareact, makatawag ng “BOBO” “BOGO”, kala mo talaga kung sino. Guys, kapwa ko pilipino, taasan naman natin konti yung frequency natin pagdating sa ganto, Make sure, Credible yung shinishare at pinapaniwalaan niyo..”

Photo by Josh Albelda/Rappler

Taliwas sa kumakalat na maling balita ay iginiit ni Loonyo na proud na proud siya sa achievement ng ating kababayan.

“PROUD NA PROUD AKO SA KABABAYAN NATIN Hidilyn Diaz AT ALAM KO ANG HIRAP AT PAGDURUSA MAIREPRESENT LNG ANG BANSA.

“IDOLO AT INSPIRISYON SYA NG MGA KABATAAN AT ATLETA. SINABIHAN NIYO KONG MAGRESEARCH MUNA DIBA? KAYO BA?”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending