Connect with us

Celebrities

Barbie Imperial, Ilang Araw Nang Nag-Aalala sa Kalagayan ng Pamilya Niya sa Albay na Nasalanta ni Rolly

Published

on

The recent Super Typhoon Rolly has affected thousands of families in the Philippines. Among the badly-struck areas was Bicol, where many people lost their lives due to the catastrophic winds. Rolly also brought about cascading mud from Mayon volcano, burying hundreds of homes near the area and even taking the lives of some of the residents.

Amid the typhoon, actress Barbie Imperial couldn’t help but worry for the safety and welfare of her relatives in Albay.

As you may well know, Barbie herself came from the province, and was even dubbed as the “Doll Along the Riles ng Albay” when she joined Pinoy Big Brother.

Read also: Mala-Dyosang Non-Showbiz Girlfriend ng Aktor na si Carlos Agassi, Pinagkakaguluhan Ngayon Online!

During her interview for her upcoming iWant TFC series, Barbie expressed her concern for her family in Albay. They were right on the storm’s path, and Barbie claimed that they even lost contact with them for a few days amid Super Typhoon Rolly.

“I think the most challenging mas mahiwalay ka sa pamilya mo. Ang hirap talaga mahiwalay sa pamilya ngayon. And lalo ngayon, bumabagyo. Until now ay bumagyo so until now yung biggest challenge para sa akin, kasi I have family left in Albay and Catanduanes.”

The entire area has been washed out due to the cascading mud. Entire homes and barangays were covered in mud, and people’s livelihood were destroyed.

“It’s been three days, wala pa rin kami balita sa kanila. Yung buong Viras. Catanduanes sobrang washed out talaga and maraming namatay, so yun yung challenge for me, being away from my family,” said Barbie.

On the other hand, thousands of donations and support are also pouring for the survivors of Typhoon Rolly. The government has also rolled out financial aid for the affected areas.

Read also: Kakaibang Pa-Birthday! Babae, Nagmistulang Wanted Matapos i-Prank ng Kaibigan sa Kanyang Kaarawan

How about you, how did you cope up with Super Typhoon Rolly? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Celebrities

Jake Cuenca, Umani ng Batikos Dahil sa Bagay na Kanyang Ginawa kay Kylie Versoza

Published

on

Kahit sinong babae ay nangangarap na makaranas ng isang romantic na proposal. Para sa karamihan, ito ay espesyal na okasyon na matagal na nilang pinapangarap. Kahit sinong babae ay talaga namang kikiligin kapag nakaranas ng proposal mula sa kanilang taong minamahal! Ito rin ang dahilan kung bakit agad nag-viral ang latest vlog ng celebrity couple na sina Jake Cuenca at Kylie Versoza.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Jake ang kanyang proposal kay Kylie sa kanyang Youtube channel. Ngunit hindi lamang ito basta basta proposal, dahil sa kanyang vlog, ibinahagi ni Jake na ito ay isang prank lamang! Mukhang napaniwala naman niya si Kylie, ngunit hindi ito naging mabenta sa mga netizens na nagkomento tungkol sa prank ng aktor.

Read also: “Baka may kapalit ah?”- Angelica Panganiban, Kinabahan Matapos Makita ang Mamahaling Regalo sa Kanya ni Coco!

Ayon sa ibang netizens, hindi magandang prank ang ginawa ng aktor. Masyado na daw itong personal, at maaaring masaktan rin ang damdamin ni Kylie dahil dito. Ilang taon na ring magka-relasyon ang dalawa, at hindi na rin nakapagtataka kung naghihintay nga ba si Kylie ng isang seryosong proposal mula sa kanyang boyfriend.

Sa Instagram, inulan ng iba’t-ibang komento ang prank ng aktor. Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang tila ba ‘mean’ na prank nito sa kanyang girlfriend.

Ayon pa sa ibang babae, ito raw ay ‘bad joke’ at walang babaeng papangarapin na maranasan ito. Ayon naman kay Jake, hindi siya mag-dadalawang isip mag-propose pag tama na ang oras.

“We are not like most. We get each other and we get the timing of things. When the time is right and the timing is right, I will not hesitate to ask.”

Bukod pa dito, dinepensahan rin ni Kylie ang kanyang boyfriend. Ayon sa aktres, scripted daw ang prank, at alam na niya agad na itatanong ito ni Jake bago pa man sila mag-film. Hindi rin daw siya nasaktan sa prank, at inassure ni Kylie ang mga fans na ayos lang siya.

“Hello guys! I knew that Jake was going to ask me this question before filming. No feelings or humans were hurt while filming this video hehe peace and love,” pahayag ni Kylie.

Read also: Doug Kramer, Proud na Ipinasilip ang Ipinagawang High-Tech na Home Theater sa Loob Mismo ng Kanilang Dream Home!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Celebrities

“Baka may kapalit ah?”- Angelica Panganiban, Kinabahan Matapos Makita ang Mamahaling Regalo sa Kanya ni Coco!

Published

on

Kilala rin si Coco Martin sa pagiging galante nito, kaya naman tuwing may nireregaluhan ito, talaga namang all out kung mag surprise ang aktor! Hindi rin tinitignan ni Coco ang presyo ng regalo niya, dahil ang mahalaga sa kanya ay mapasaya ang taong pagbibigyan niya. Isa na sa kanila ay si Angelica Panganiban, na kamakailan lang ay nakatanggap ng espesyal na regalo mula sa aktor.

Talaga namang na-touch ang 34-anyos na aktres matapos makatanggap ng bonggang regalo mula kay Coco. Sa isang behind-the-scene videos na ibinahagi sa ABS-CBN, makikitang labis na nasorpresa si Angge matapos iabot sa kanya ni Coco ang regalo nito! Ayon kay Coco, umaasa siyang magugustuhan ni Angge ang regalong ito.

Makikita sa video na isang dinnerware set ang iniregalo ni Coco. Ngunit hindi lang ito basta-basta, dahil Gucci ang tatak ng kanyang regalo! Magkahalong gulat at tuwa naman ang naramdaman ni Angelica, na nagawa pang ikumpara ang regalo niya kay Coco. Ayon kay Angelica, cupcake lamang ang dala niya para sa aktor.

“Diyos ko, ano to? Cupcake lang yung binigay ko! Baka may kapalit to ah? Hindi pwede ngayon! Wala akong masabi. I deserve this, gagalingan ko po sa pelikulang ito,” pabirong sabi ni Angelica.

Mukhang hindi rin basta basta ang regalo ni Coco para sa kanyang bagong leading lady. Bukod sa isang luxury brand ang napili niyang iregalo kay Angelica, hindi rin ito basta basta nabibili sa mga stores, dahil ayon mismo sa official website ng Gucci, ito ay isang ‘made to order’ na item na kailangang i-order ng advance.

Ayon pa sa report ng ABS-CBN, ang isang plato na ipinakita ni Angelica na mayroong cat print ay nagkakahalaga ng $310, o Php 15,000 sa website ng Gucci. Marami pa itong kapares na plato at dinnerware, ngunit hindi na ito naipakita ni Angge sa camera.

Magiging on-screen partners si Angge at Coco sa kanilang upcoming movie na “Love or Money,” kung saan pagbibidahan nila ang role ng magkasintahan na naghiwalay at muling nagtagpo ng landas. Maraming fans ang excited na na panoorin ang latest project ng dalawa, lalo pa’t matagal na rin simula nang magbalik sa blockbuster hits si Angelica.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Celebrities

Herlene ‘Hipon Girl,’ Isang Negosyante na! Proud na Ipinasilip ang Kanyang Munting Negosyo na Bunga ng Kanyang Pagsisikap sa Showbiz!

Published

on

Isa si Herlene Budol, o mas kilala bilang ‘Hipon Girl,’ sa mga pinakahinahangaang hosts sa programang “Wowowin.” Dati ay isang contestant lamang si Herlene sa show, ngunit nakita ni Kuya Wil ang kanyang potensyal at na-impress ito! Dahil dito, nagbigay daan ang kanyang guesting upang maging isang regular host siya ng game show. Mabilis ring nakuha ni Herlene ang loob ng mga viewers dahil sa kanyang kalog na personality.

Dahil sa kanyang pagsusumikap, unti-unti na ring nakakapagpundar si Herlene. Sa isang interview, ibinahagi ni Hipon Girl na dati pa man ay pinangarap niya na talaga ang magkaroon ng sariling negosyo.

Kaya naman nang magsimula siyang magtrabaho, nag-ipon siya para sa kanyang business.

Read also: Doug Kramer, Proud na Ipinasilip ang Ipinagawang High-Tech na Home Theater sa Loob Mismo ng Kanilang Dream Home!

Noong Agosto 2020 lamang ay ipinasilip ni Herlene ang kanyang negosyo sa social media. Ito ay matatagpuan sa Angono, Rizal. Ang “Herlene’s Clothing” ay isang boutique na nagtitinda ng mga ready-to-wear na outfit. Ayon kay Herlene, pinili niya talaga ang negosyong ito dahil mahilig rin siya sa mga damit.

“Walang nag uumpisa sa malaki agad. Parang ikaw nung bata ka inalagaan at ginabayan ka ng magulang mo para lumaki ka ng kung ano ka ngayon. So magiging mabuti akong magulang para sa business ko. Wag kang mang small ng iba, baka mas lakihan ka pa niyan. Tiyaga lang girl, step by step wag ka mawalan ng pag-asa.”

Minsan naman ay biniro ni Kuya Wil si Herlene na gawing prayoridad na lamang ang kanyang pag-aaral. Ayon sa host, mukhang mas makakabuti para kay Herlene at lisanin muna ang kanyang hosting job sa “Wowowin” at mag-focus sa kanyang edukasyon. Ayon naman kay Herlene, kayang-kaya niyang pagsabayin ang dalawa dahil sanay na siya sa mga challenge.

“15 years old pa lang ako, nagta-trabaho na ako. Dito lang ako masaya. Ayoko nang utus-utusan ako ng mga tao tapos sisigawan pa ako,” pahayag ni Herlene. Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga fans na dati nang kumakayod si Herlene, bago pa man siya sumikat sa “Wowowin.”

Read also: Angel Locsin, Masayang Ipinagdiwang ang Ika-94 na Kaarawan ng Kanyang Daddy Angelo

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending