Connect with us

Inspirational

Isang Mister, Ipinamigay ang Asawa Niya sa Ibang Lalaki Dahil sa Kahirapan ng Buhay!

Published

on

Most men can’t help but feel jealous if they saw another man looking at their wife. But this one-of-a-kind husband even managed to give his wife away! This is the heartbreaking life story of Mae, a 25 year old woman whose husband gave her away to another man. Mae’s interview went viral on Youtube with thousands of views.

At the age of 25, Mae is half the age of her second husband, who is already 50 years old. They have three kids together, a 5-year-old boy, a 3-year-old girl, and another 5-month-old daughter. Her husband only earns P100 every day from helping cars to park.

Read also: Jinkee, Nagsalita na Tungkol sa Diumano’y Utang na P100K ni Heaven Peralejo

During her interview, Mae revealed that she was just 18 years old when she lived together with her first husband. Life was tough for the both of them, and soon enough, her husband decided to leave her in the care of another man. According to Mae, her first husband abandoned her because of their financial troubles.

One day, she just woke up and found that her first husband has gone away. During that time, she was left with the man twice her age, who eventually became her second husband. According to Mae, she doesn’t have any other choice but to go with him.

“Bali pinamigay lang din ako ng unang asawa ko din po dun sa kanya kasi nahirapan na din siya. Wala na din siyang maipakain. Umiiyak po ako nun na pinamigay niya ako sa iba. Iniwan niya na lang po ako kasi basta umalis na lang po siya. Kasi kung hindi ako sasama sa kanya, madidisgrasya lang din po daw ako dito.”

Life is difficult for Mae, but for the sake of her children, she never lost hope. Every day, she makes sure that her kids are well-taken care of. The hardworking mom also manages to budget their money to buy food and other necessities of their family.

Read also: Janella Salvador, Buntis nga ba Kaya Nagtatago Ngayon sa Abroad?

Mae was given a small help by the woman who interviewed her. You can watch her entire interview below:

Were you also touched with Mae’s life story? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspirational

Dating Manikurista na Laking Probinsya, Milyonarya na Ngayon at Nakapagpundar ng Iba’t-Ibang Ari-Arian!

Published

on

Kung walang tiyaga, walang nilaga. Ito ang mantra ni Malou Arellano sa kanyang buhay. Dating manikurista lamang si Malou, ngunit sa tulong ng kanyang sipag at dedikasyon, naging isang multi-millionaire na siya ngayon! Kamakailan lang ay ibinahagi ng programang “Rated Korina” ang nakaka-inspire nakwento ni Malou na agad namang nag-trending sa social media.

Tubong Northern Samar si Malou. Ipinanganak siya sa isang mahirap na pamilya na araw-araw kumakayod para lamang makaraos silang mag-anak.

Dahil dito, sa murang edad niya ay namulat na sa realidad si Malou, kaya naman pinangako niya sa kanyang sarili na gusto niyang umasenso paglaki niya upang masuklian ang sakripisyo ng kaniyang pamilya.

Read also: Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito

Lumuwas sila sa Maynila upang maipagpatuloy ni Malou ang kanyang pag-aaral. Bata pa lamang siya ay business minded na si Malou.

Kaya naman noong grade 5 siya, naghanap siya ng pagkakakitaan para makapag-ipon. Nagbebenta siya ng buto ng langka hanggang sa nakaipon siya para may panggastos sila sa pang-araw araw.

Natuto rin si Malou sa pagmamanicure dahil sa kanyang nanay. Mula sa pagtitinda ng buto nglangka, naging manikurista na si Malou. Nagho-home service siya upang kumita at may pangbaon sa eskwela. Nagbenta rin siya ng mga ready-to-wear na apparel upang dumagdag ang kita niya.

May mga panahon rin daw na nawalan na ng pag-asa si Malou, dahil tila walang asenso ang buhay niya. Ngunit ayon kay Malou, na-inspire siya kay Lord, kaya naman lumakas pa lalo ang loob niya.

Dito na rin niya pinasok ang mundo ng networking, kung saan unti-unti nang yumabong ang business niya. Dito na rin nag-umpisang anihin ni Malou ang bunga ng kanyang kasipagan.

Unti-unti niyang natulungan ang kanyang pamilya, hanggang sa nakabili na rin siya ng maraming ari-arian. Ayon naman sa ibang malapit kay Malou, hindi mapapantayan ang sipag at tyaga nito pagdating sa diskarte, kaya naman hindi na nakakapagtaka na milyonarya na ito ngayon!

Read also: Team Kramer, Sinurpresa ang Kanilang Loyal na Kasambahay na si yaya Joy at Ipinagawa ang Barong-Barong na Bahay

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

Published

on

Ngayong Valentine’s day, siguradong maraming tao na naman ang makakatanggap ng mga flower bouquets mula sa kanilang mga minamahal. Talaga nga namang nakakakilig ang makatanggap ng regalo mula sa ibang tao, lalo pa’t tuwing Valentine’s day. Iba’t-ibang pakulo na rin ang nauuso ngayon, tulad na lamang ng money bouquet! Imbes na bulaklak, pera naman ang ini-arrange upang magmukhang bouquet.

Isa sa mga mapalad na nakatanggap ng money bouquet ay ang magsasakang ito mula sa Dingras, Ilocos Norte. At hindi lang basta-bastang money bouquet ang natanggap ni Tatay Larry! Maging siya ay nagulat matapos i-deliver sa kanya ang napakalaking sorpresa na ito na umabot sa P200,000!

Read also: Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon

Ayon sa isang Facebook page, kahit pa matanda na ay tuloy pa rin ang pagkayod ni Tatay Larry sa kanyang sakahan. Kaya naman para mapagaan ang kanyang trabaho, napagdesisyunan ng mga kamag-anak niya na sorpresahin siya ngayong Valetines.

Imbes na chocolates at bulaklak, isang napakalaking money bouquet ang natanggap ni Tatay Larry. Tinatayang umabot ng P200,000 ang natanggap ni Tatay Larry mula sa kanyang mga kamag-anak.

Balak naman niyang gamitin ito upang makabili ng tractor na magagamit niya sa pagsasaka. Sa ganitong paraan, mas mapapadali daw ang kanyang trabaho lalo pa’t ngayon ay tumatanda na siya.

“Isang magsasaka sa Dingras, Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw, ganun na rin ang kanyang edad kaya naisipan ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad, na bigyan siya ng regalo. At eto, bumili siya ng sasakyang pangbukid. Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay Tatay Larry.”

Maraming netizens naman ang naantig sa kwentong ito! Talagang nakapaswerte ni Tatay Larry sa kanyang mga kamag-anak, dahil hindi nila siya nakakalimutan kahit pa nasa ibang bansa sila. Kahit malayo sila, sinigurado nilang mararamdaman ni Tatay Larry ang kanilang pagmamahal.

Read also: Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Ikaw, may natanggap ka rin bang regalo ngayong Valentine’s day? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon

Published

on

Sa iba’t-ibang probinsya, maraming pamilyang Pilipino pa rin ang naghihikahos sa buhay. Ngunit sa kabila ng kahirapan, patuloy pa rin tayong kumakayod para makaraos sa araw-araw. At kahit pa salat sa yaman, sagana naman sa pangarap at pag-asa ang karamihan sa mga kabataan. Isa na sa kanila ay ang batang babae na ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media.

Maraming netizens ang naantig sa nakaka-inspire na kwento ng batang ito mula sa Zamboanga del Sur. Ibinahagi ng guro na si Almera Maquintura Bagares ang kwento ng kanyang estudyante. Ayon kay Ma’am Bagares, isa sa mga natatanging mag-aaral niya ay si Cristine Nonan.

Read also: Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Ipinanganak sa mahirap na pamilya si Cristine sa Busol, Tigbao, Zamboanga del Sur. Sa kabila ng kanilang gipit na pamumuhay, pursigido ang mga magulang ni Cristine na igapang ang pag-aaral niya. Sinusuklian naman ni Cristine ng kasipagan ang mga sakripisyo ng kaniyang magulang.

Kaya naman kahit walang baon o bagong gamit ay matyagang pumapasok si Cristine araw-araw. Ayon sa guro ni Cristine, madalas itong pumasok sa eskwela ng walang baon o pera. Minsan naman daw ay kumakain ito ng ilang pirasong tuyo at kamote upang maipangtawid gutom.

Ayon sa guro, parehong magsasaka ang mga magulang ni Cristine. Ngunit hindi rin sasapat ang mga kinikita nila dahil hindi sa nila pagmamay-ari ang lupa na sinasaka nila. Ngunit sa kabila ng kahirapan, nagsisipag pa rin silang mairaos ang pag-aaral ng kanilang anak na si Cristine.

Dahil dito, maraming netizens ang nag-offer na tulungan ang masipag na estudyanteng ito. Sa social media, bumaha ang tulong at suporta para kay Cristine at sa kanyang pamilya. Maraming netizens din ang sumaludo sa kasipagan ng estudyante na ito.

Read also: Proud na Anak ng Kasambahay at Tanod, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

 

Continue Reading

Trending