Connect with us

video

“Best sister ever”- Ivana Alawi, Sinorpresa ng Lupa ang Kanyang Kapatid na si Hash!

Published

on

Ivana Alawi is one of the fastest-rising stars in Youtube these days. The Kapamilya actress has garnered more than 8.9 million subscribers on her channel. The 23-year-old star is admired not only for her charm and beauty, but also for her kindness and generosity. Earlier this week, Ivana shared her big surprise for her brother.

In her latest vlog, Ivana Alawi showed off their property which is still under construction. The dream house has a modern exterior, complete with crystal facade. Ivana’s brother, Hash, was present during the vlog but he still did not know about the surprise.

Read also: Jinkee, Nagsalita na Tungkol sa Diumano’y Utang na P100K ni Heaven Peralejo

At the end of the video, Ivana revealed that she also has a big surprise for her younger brother, Hash. According to the Youtube star, Hash is just a very simple guy who doesn’t like luxurious gifts. With that in mind, Ivana decided to buy a lot for him, so that he can have his own property especially when he starts a family.

The piece of land is just in the same subdivision as Ivana’s house, which is in the middle of construction. According to Ivana, she particularly chose this location so that she will be near with her family even when they have separate families of their own.

On the other hand, many netizens couldn’t help but admire Ivana for her kindness towards her siblings. Aside from buying Hash a lot, she also plans on buying another property for their youngest sister, Mona. Check out one fan’s comment below:

“I watched this more than 5 times already. It’s really touching to see siblings loving sharing helping and caring for each other. Yong lahat dapat umangat. God bless your heart ivana. God bless your family. Praying for your family.”

Read also: Janella Salvador, Buntis nga ba Kaya Nagtatago Ngayon sa Abroad?

Watch the video below:

What can you say about Ivana Alawi’s surprise? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Celebrities

Sikat na Komedyante na si Mura na Nakatira sa Bukid Ngayon, Naiyak sa Sorpresa sa Kanya ng Vlogger na Ito

Published

on

Naaalala niyo pa ba si Mahal? Isa siya sa mga pinakasikat na komedyante noon sa showbiz. Si Allan Padua, o mas kilala sa kanyang screen name bilang Mahal, ay gumanap sa ilang programa at pelikula bilang kapareha ni Mahal. Ngunit ilang taon na ring hindi lumalabas sa telebisyon si Mura kaya naman maraming fans ang curious sa kalagayan nito ngayon.

Mag-iisang dekada na rin simula ng magkaroon ng huling proyekto si Mura. Matatandaang noong taong 2010 ay may isang malaking dagok sa buhay niya, kung kaya naman napilitan siyang talikuran pansamantala ang kanyang career. Bumalik siya sa probinsya upang magkaroon ng tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya.

Read More: Bela Padilla, May Ipinagtapat Ukol Sa Kaniyang Naging Relasyon Kay Neil Arce Na Hindi Inaasahan Ng Lahat

Ngayon ay edad 46 na si Mura. Kasalukuyan itong nakatira sa Ginubatan, Albay, kasama ang mga mahal niya sa buhay. Tuluyan na rin niyang kinalimutan ang kanyang showbiz career.

Upang kumita ng pera, nagtatanim si Mura ng gulay at prutas. Gumagawa rin siya ng uling upang may maipang-dagdag kita sa kanyang paghahanapbuhay.

Kamakailan lang, binisita ng vlogger na si Virgelyn si Mura upang makita ang kalagayan nito ngayon. Kapansin-pansin na nahihirapan na itong maglakad dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito noon.

Gayunpaman, madalas pa rin daw sinasariwa ni Mura ang kanyang makulay na career, at kung papalarin ay nais niya raw muling sumabak dito.

Ayon pa dito, nakatakda daw siyang maka-trabaho noon ang yumaong beteranong aktor na si Eddie Garcia. Ngunit dahil sa kanyang kapansanan, mas minabuti ni Mura na tanggihan na lamang ang proyekto na ito dahil hindi na siya makatakbo ng maayos.

Upang makatulong sa pang-araw araw na gastusin ni Mura ay nag-abot rin ng tulong si Virgelyn dito. P10,000 cash ang ibinigay niya kay Mura, at labis naman ang pasasalamat ng dating komedyante sa malaking tulong na ito. Dahil sa video na ito ay maraming netizens rin ang nais magpahatid ng tulong sa kanya.

Read Also: Mga Anak Ng Isang Tricycle Driver At Mananahi, Pinatayuan Ang Mga Magulang Ng Isang Mansyon!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

amazing

Isang Lalaki, Pinahanga Ang Netizens Matapos Gumawa Ng Underground Alkansya!

Published

on

By

“Kung may naisuksok, may maidudukot,” tila ito ang inspirasyon ni Mark Christian nang siya ay gumawa ng isang espesyal na underground alkansya para sa kaniyang ama na tricycle driver, noong June 2018, sa kanilang bahay sa Marikina City.

Binuo niya ang underground alkansya na ito sa kanang bahagi ng kaniyang kwarto. Ito ay may sukat na 2 by 2 feet. Mahahalintulad ito sa itsura ng isang septic tank at nilagyan ng tatlong mga butas upang makapaghulog dito ang kaniyang ama.

“Noong pagkabata ko po kasi talaga ang mahilig po talaga akong gumawa ng iba’t – ibang klaseng alkansya. Gawa sa kawayan, gawa sa lata.” pahayag ni Mark Christian.

“Tinibag ko po yung semento po dito sa loob ng kuwarto ko po tsaka ko po hinukay po talagang ako lang o ang gumawa mag-isa, sarili ko pong gawa tapos sinemento ko nang solid yung pinaka pader niya saka ko po siya tinakpan ng gawa rin po sa semento bale pinantay ko lang din po siya sa flooring ng kuwarto.” dagdag pa ng binata.

Ayon kay Mark Christian, tinanong din siya ‘di umano ng kaniyang ina kung bakit kailangan pa sa kanilang flooring ito maghukay at gumawa ng alkansya, at ang tanging sagot lamang ng binata ay upang hindi sila ‘ma-trigger’ na kupitan ito.

“Gagawan ko kayo ng alkansya na kakaiba tapos yung hinding-hindi niyo puwedeng kupitan kasi pagka gumawa kayo ng alkansya na gawa sa kawayan o ano pa man pagka nangailangan kayo talaga ay matrigger talaga kayo na buksan. so, ito, pagka kailangan na kailangan na kailangan talaga saka lang natin bubuksan.” ayon sa binata.

“Ang baryang inihuhulog ng aking Tatay, sa underground alkansya ay P5 o P10 pesos. Kada araw nag-huhulog siya ng 100 pesos minsan kapag maganda ang kita 200 pesos naman ang inihuhulog niya. Ipinapapalit po namin sa gas station iyong barya para maihulog ni Tatay. Siyempre, natuwa po sila lalo na po si Tatay kasi sa kanya talaga yung perang yun eh. Pinag- ipunan niya sa pamamasada niya ng tricycle so natuwa po siya.” dagdag pa ni Mark Cristian.

Sabi rin ni Mang Aludio, ama ni Mark Christian, na ipagpapatuloy niya ang pag-iipon sa underground alkansya na gawa ng kaniyang anak.

Noong nakaraang March 3, 2021 lamang, napagpasyahan ng kanilang buong pamilya na buksan na ang kanilang underground alkansya, na inabot ng halos isang buong araw sa pagkuha lamang ng lahat ng barya dito.

Nang matapos magbilang, nalaman ng kanilang pamilya na umabot sa P52,000 ang laman ng alkansya sa, sa loob ng tatlong taon na pag-iipon ng kaniyang ama.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

video

Mag-Asawang Busy sa Kaka-Cellphone, Hindi Namalayang Ito na Pala ang Nangyari sa Anak Nila!

Published

on

Sa panahon ngayon, hindi maitatangging marami na ang nahuhumaling sa cellphone. Mapa-bata man o matanda, karamihan sa atin ay ilang oras ang ginugugol sa social media o di kaya naman ay sa online gaming. Kadalasan, may mga magulang rin na hindi na napagtutuunan ng pansin ang kanilang mga anak dahil babad na babad sila sa cellphone.

Ngunit alam niyo ba na maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa inyong anak? Kapag laging distracted ang nanay o tatay sa cellphone, mawawala ang atensyon nila sa kanilang anak.

Dahil dito, maaaring malagay sa mapanganib na sitwasyon ang bata, lalo na kung nasa murang edad pa lamang ito at kailangan ng patnubay.

Read More: Inakala Nilang Basura Lamang ang mga Lumulutang na Ito, Ngunit Nagulat Sila Nang Bigla Silang Palibutan Nito!

Ganito ang nais iparating na mensahe ng magkapatid na ito. Viral ngayon sa social media ang video na ito, kung saan makikitang distracted sa kani-kanilang cellphone ang nanay at tatay. Nakaisip naman ng paraan ang dalawang magkapatid na lalaki na ito para kunin ang atensyon ng kanilang mama at papa.

Humiga sa gitna ng kwarto ang nakababatang kapatid, ngunit tila hindi pa rin siya napapansin ng kanyang mga magulang na busy sa kaka-cellphone.

Maya’t-maya pa, tinabunan siya ng kumot ng kanyang kuya. Marahil inakala ng nanay at tatay na naglalaro lamang ang dalawa, kaya’t hindi muna nila ito pinagtuunan ng pansin.

Ngunit ilang sandali ang nakalipas at tila ba lumulutang ang nakababatang kapatid sa ilalim ng kumot! Agad itong napansin ng tatay at tumayo ito upang silipin ang bata. Ngunit laking gulat nito nang makita na nagpu-push up lamang pala ang kanyang anak, kaya mukhang lumulutang ito.

Kahit walang seryosong panganib ang nangyari sa magkapatid, nawa’y magsilbing aral ito sa mga magulang. Wag na nating hintayin pa na malagay sa peligro ang ating mga anak bago natin sila pagtuunan ng atensyon.

Read More: DJ Loonyo, Nagsumikap Upang Makapagpundar ng Bahay at Negosyo Para sa Kanyang Ina

Panoorin ang buong video dito:


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending