Connect with us

Celebrities

Mommy Divine, Nanghihinayang nga ba sa Kita ni Sarah Geronimo?

Published

on

If you thought that the issue with Sarah Geronimo and Mommy Divine is over, then you are wrong. Their publicized feud in Sarah and Matteo Guidicelli’s wedding way back in February was only the tip of the iceberg. In fact, the real roots of the problem between Sarah Geronimo and Mommy Divine dates back years ago, and we’re only scratching the surface now

If it weren’t for the wedding feud, most people would have never discovered Mommy Divine’s true attitude. As you may well remember, Mommy Divine tried to stop Sarah from marrying her long-time boyfriend Matteo way back in February 2019. Because of Mommy Divine’s strong disapproval, many people are wondering: why was she so against Matteo?

For many people, the answer lies in money talks. Sarah Geronimo is one of the highest-paid singers in our time. Indeed, just the money from all of her countless endorsements alone will amount to millions every year. On top of that, Sarah also rakes in money from her television shows and movies.

That being said, it is no wonder why Sarah has an estimated net worth of Ph 500 million to Php 3 billion!

With this amount of wealth, you can just understand why Mommy Divine was so insistent on Sarah remaining single. Even before their wedding, rumors spread that Mommy Divine was trying to get Matteo to sign a pre-nuptial agreement.

However, Sarah stopped Mommy Divine from pushing the pre-nup, as she doesn’t want to offend Matteo and his family. According to showbiz insiders, this might be the reason why Mommy Divine was so adamant on the pre-nuptial agreement, so she can still have her hands on Sarah’s wealth.

As of now, there’s still no certainty if Sarah and Mommy Divine will still make amends with one another. On the other hand, according to Matteo, he’s open in talking with Mommy Divine, as long as she’s finally ready to accept him as her son-in-law.

Do you think Sarah and Mommy Divine will still make amends? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Celebrities

Heaven Peralejo at Kiko Estrada, Nagsawa na sa Isa’t-Isa? Break na Agad After 3 Months!

Published

on

‘You and me against the world’ ang peg ng celebrity couple na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada. Matatandaang nasangkot sa kontrobersya si Heaven matapos mabansagang third party sa hiwalayan ni Kiko at ng ex-girlfriend nitong si Devon Serron. Noong mga panahong iyon ay itinatanggi pa ni Heaven at Kiko na may namamagitan sa kanila.

Ilang buwan ang nakalipas at lumabas rin ang katotohanan, at di nagtagal ay inamin ni Heaven at Kiko na official na ang kanilang relationship.

Kahit pa humarap sila sa mga di-magandang komento sa social media, patuloy namang pinatunayan ng dalawa na mahal nila ang isa’t-isa at masaya sila sa kanilang relasyon.

Read More: Paolo Contis, natutunan ‘di umano sa kaniyang pelikula na “Hindi lahat ng bagay, pang habambuhay”

Ngunit tatlong buwan pa lang ang nakakalipas ay mukhang nagtapos na agad ang ‘microwave’ relationship ng dalawa.

Nagulat na lamang ang mga netizens matapos i-unfollow ni Kiko si Heaven sa Instagram. Kasunod nito ay binura rin ng aktor ang lahat ng mga larawan ni Heaven sa kanyang account.

Sa kanyang nakaraang vlog, ibinahagi naman ng manager ni Heaven Peralejo na si Ogie Diaz na hiwalay na nga ang dalawa.

Kahit pa hindi nagsasalita si Heaven at Kiko tungkol sa issue, malinaw na daw sa actions ng mga ito na tila tapos na nga ang kanilang relasyon.

“Kapag ganyan na nag-unfollow na si lalake du’n sa babae, wala na ‘yun. Mako-confirm natin kung talagang wala na sila kung si Heaven ay mag-a-unfollow na rin kay Kiko at magde-delete na rin siya ng photos nila. So ‘yun na ‘yon, one way of saying, ‘wala na kami.’ Hindi natin alam kung ano ang rason. Pero ako may nakausap ako, wala na sila, nag-split na sila.”

Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang komento mula sa mga netizens. Marami ang nagsabi na baka promo lamang ito para sa bagong project ni Heaven, ngunit mayroon ring naniniwala na hiwalay na talaga ang dalawa.

Read Also: Chiz Escudero, napipikon nga ba sa pagiging gastusera ni Heart?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Celebrities

“Pang 1 week ko na yun!”- Netizens, Nag-React sa ‘Rich Girl’ Allowance ni Kisses Delavin Noong Nag-Aaral pa ito!

Published

on

Kamakailan lang ay nagpaunlak si Kisses Delavin ng interview sa “King of Talk” na si Boy Abunda. Sa kanyang interview, ibinahagi ng Miss Universe candidate ang kwento ng kanyang buhay na hindi alam ng karamihan. Nagbalik tanaw si Kisses sa kanyang mga karanasan noong nag-aaral pa lamang siya bilang isang college student noong 2016.

Ayon kay Kisses, noong nag-aaral pa siya sa La Salle ay pinapabaunan siya ng P1,000 kada araw ng kanyang mga magulang.

Ngunit sa kabila ng generosity ng mga ito, hindi daw sinasamantala ni Kisses ang kabaitan nila. Sa halip na maging magastos ay mas lalo siyang na-inspired na magtipid.

Read More: Paolo Contis, natutunan ‘di umano sa kaniyang pelikula na “Hindi lahat ng bagay, pang habambuhay”

“I’m not kuripot naman pero I’m careful with how much I spend and here in Manila you can just go to the mall and P1000 is gone. So sina mommy and daddy pinapabaunan ako ng 1000 per day sa La Salle. Pero I think, I would spend mga 100, one week na yun, because I always eat at home.”

Ayon kay Kisses, tinitipid niya ang baon na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Upang maiwasang gumastos ay sa bahay lang rin siya kumakain. Kaya naman ang kanyang P1,000 per day na allowance ay tumatagal pa ng mahigit one week.

Dagdag pa niya, tipid rin siya sa transportation dahil walking distance lamang sa De La Salle University Manila campus ang condo unit nila. “I don’t like to spend money that much because I know how hard it is to earn that money,” pahayag pa ni Kisses.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-react sa rebelasyong ito. Hindi mapigilang magbiro ng iba na pang ‘rich girl’ daw ang allowance ni Kisses. Natuwa rin ang mga fans dahil sa kabila ng estado nito sa buhay ay nananatiling humble at hardworking ang dalaga.

Read Also: Chiz Escudero, napipikon nga ba sa pagiging gastusera ni Heart?

Panoorin ang buong interview dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Celebrities

Dating ‘Pantasya ng Bayan’ na si Ana Capri, Kamusta na Kaya ang Buhay Matapos Talikuran ang Showbiz?

Published

on

Naaalala niyo pa ba si Ana Capri? Noong dekada 90s, maraming naggagandahang aktres ang sumikat sa mundo ng showbiz. Kabilang na sa kanila si Ana Capri, na isa sa mga tinaguriang ‘Pantasya ng Bayan’ noon. Dahil sa kanyang angking ganda at talento, hindi nakapagtataka kung bakit agad siyang sumikat.

Bumida rin si Ana sa maraming pelikula kung saan ginampanan niya ang mga sexy roles. Ilan sa mga sumikat niyang pelikula ay ang “Virgin People 2,” “Nag-Iinit na Damdamin,” at “Pila Balde.”

Dahil sa kanyang galing sa pag-arte ay tumanggap rin si Ana Capri ng awards noong 2017 sa prestihiyosong 33rd Star Awards for Movies.

Read More: Paolo Contis, natutunan ‘di umano sa kaniyang pelikula na “Hindi lahat ng bagay, pang habambuhay”

Ngunit gaya ng maraming artista, alam ni Ana na hindi panghabangbuhay ang karera niya sa showbiz. Kaya naman mas pinili niyang mag-focus sa kanyang personal na buhay.

Ang huling proyekto niya na natunghayan ng mga fans ay ang teleserye na “Ngayon at Kailanman,” kung saan naka-trabaho niya si Julia Barretto at Joshua Garcia.

Huminto si Ana sa pag-acting upang mas makapag-focus sa kanyang personal na buhay. Noong taong 2019, maraming fans ang natuwa matapos ikasal ang aktres sa kanyang long-time boyfriend na si Dave na isang Australian businessman. Hindi nagtagal ay biniyayaan rin ang dalawa ng isang napaka-cute na anak.

Hindi naman maipagkakailang masaya at kuntento ngayon si Ana sa kanyang buhay bilang isang asawa at ina. Sa social media, madalas ring ibahagi ni Ana ang kanilang simpleng pamumuhay. Mababakas na nagkaroon siya ng bagong purpose sa pagpapalaki sa kanilang napakacute na baby boy.

Maraming fans naman ang nagtatanong kung may balak pa ba siyang bumalik sa showbiz. Ngunit sa ngayon, mukhang mas nais ni Ana na mag focus sa kanyang buhay pamilya.

Paniguradong kung babalik man siya sa pag-acting, susubaybayan ng mga fans ang kanyang mga bagong proyekto.

Read Also: Chiz Escudero, napipikon nga ba sa pagiging gastusera ni Heart?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending