Connect with us

Showbiz

WALANG FOREVER? James Reid at Nadine Lustre, Hiwalay Na

Published

on

Wala ba talagang forever?
Ikinagulat ng mga fans ang malungkot na balita na hiwalay na ang real-life lovers na sina James Reid at Nadine Lustre dahil sa “irreconcilable differences.”

Ito ang unang malungkot na balita sa Philippine showbiz sa pagpasok ng taong 2020.

Tiyak na hindi ito basta matatanggap ng JaDine fans na umasa at naniwalang may forever sa kanilang mga iniidolong artista, kaya ang mga ito ang magkakatuluyan.

Hindi lingid sa malalapit na kaibigan nina James at Nadine ang naganap na hiwalayan, na hindi pa inaamin ng dalawa sa publiko.

Ayon sa isang malapit na tao kina James at Nadine ay nag-alsa balutan at umalis na si Nadine sa bahay ni James sa Quezon City, na naging saksi sa pagmamahalan ng dalawa sa loob ng ilang taon.

Sa mga interbyu noon kina James at Nadine, hindi nila itinanggi ang balitang nagsasama na sila sa iisang bubong.
Hindi naman nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng avid fans ng JaDine ang isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil ngayong araw, January 1, 2020, may ilan nang nagtatanong kung totoo ang balitang nakarating sa kanila tungkol sa split-up nina James at Nadine.

Ito ay matapos mabasa ang cryptic posts ni Nadine sa Instagram nitong mga nakalipas na araw.

One week ago, nag-post si Nadine ng larawan ng isang babaeng nakatalikod habang nasa isang veranda ng tila condo unit o hotel room.

Naka-bikini lamang ang babae sa larawan na pinaniniwalaang si Nadine.

Caption ng aktres: “I can’t be who you want.”

Three days ago, nag-post naman si Nadine ng larawan ng apat na taong nasa dagat.

Caption niya rito: “no questions. just go with it.”

Two days ago, at pinaka-recent, nag-post ang aktres ng black-and-white photo niya habang nakatingin sa night view ng lungsod mula sa kanyang condo unit o hotel room.

Caption dito ni Nadine: “for good reason, lost all of my love.”

Kapansin-pansin ding walang posts sa social media sina James at Nadine na magkasama sila nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Ang pinakahuling post ni James ng larawan kung saan kasama niya si Nadine ay noon pang Halloween 2019.

Saksi ang publiko sa matinding pagmamahalan nina Nadine at James, na inamin nila sa kanilang concert sa Smart Araneta Coliseum noong February 2016.

Advertisement

amazing

Sikat na salon, balak ng tanggalin si Andrea Brillantes bilang kanilang celebrity client

Published

on

By

Nagbabadyang mag pull out ang ilan sa mga endorsements ng aktres na si Andrea Brillantes dahil sa pagiging palaban nito sa pulitika.

Tila marami ang nadismaya sa naging asal ng young actress matapos niyang sunod sunod na ipahayag ang kaniyang pagkadismaya sa pagiging palaban nito sa pulitika.

Ayon sa may ari ng isang bigating salon sa bansa, napag iisipan na di umano nila na i pull out si Andrea bilang isa sa kanilang mga celebrity clients.

Ito ay kasunod ng Twitter post ng aktres kung saan sinabi niyang, “seriously people??? nasan ang mga utak niyo???” nang lumabas ang resulta ng botohan at nangunguna ang presidential bet na si Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo.

Isa si Andrea sa mga kilalang masugid na taga suporta ni Leni, kabilang na ang mga artista na si Nadine Lustre, Angel Locsin at Anne Curtis.

Ani Mary Pauline Suson Danga-Obias, isa sa mga may ari ng Sir George Salon, kakausapin na nila ang ina ni Andrea upang mag pull out ng deal.

“She was our client sa Mary Pauline and Sir George since 2018. WhenI read her comments, I asked my partner in Sir George Salon to call her mom, Mabellle and to drop her from our roster of celebrity clients. Nakakahiya itong ginagawa niya. In behalf of the Mary Pauline and Sir George Salon, our sincerest apologies.” sabi ng negosyante.

Wala pa namang pahayag si Andrea tungkol dito, ngunit maraming netizens naman ang nagbigay ng komento patungkol sa sitwasyon.

““She was our client sa Mary Pauline and Sir George since 2018. WhenI read her comments, I asked my partner in Sir George Salon to call her mom, Mabellle and to drop her from our roster of celebrity clients. Nakakahiya itong ginagawa niya. In behalf of the Mary Pauline and Sir George Salon, our sincerest apologies.” sabi ng negosyante.

““Riight move po. This is one of the best ways to teach these influencers/celebrity a lesson on how to respect the other’s decision. Sad to say, but so disappointed sa attitude niya.”

“Lahat ng eendorso nitong aroganteng batang ito ay e boycott ng 31 million na Filipino…lesson learned wag masyadong feeling magaling”

“Same tlang yan cla anak ni sharon wlang modo wlang respito sumobra s katalinuhan nakakahiya…”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Sikat Na Aktor Inulan Ng Iba’t Ibang Reaksyon Matapos Ipost Ang Bagay Na Ito

Published

on

By

Following the incomplete, unofficial election results, veteran comedian and actor Michael V. released a poem expressing his feelings.

He added in his poetry, which he tweeted on Friday, May 13, that his blood is “pink,” a reference to Vice President Leni Robredo’s campaign color.

He accepted that the “red” had won without revealing any candidates’ names.

Ferdinand Marcos Jr., the presumed president-elect, has chosen red as his campaign color.

“Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.
Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO.
Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono
Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na ‘ko.”

“Hindi politiko kundi hamak na artista.
Larawan at tula; ‘yan lang ang hawak kong sandata.
Wala akong ambisyon na mamulitika.
Baka manalo lang ako, hala, naloko na! he wrote.

His post went viral almost quickly on Facebook.

It had 155,000 reactions, 7,500 comments, and 27,000 shares as of this writing.

“Comedy at entertainment” hanggang do’n lang ang ambisyon.
Hindi “puwesto sa gobyerno” kundi “time slot sa telebisyon”.
Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon
At wala ‘kong dahilan na baguhin ‘yon ngayon.

“Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n’yo.


Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko:
Isang mata sa bayan at isang mata sa ‘yo.
Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto.

“Sige na, move on na. ‘Wag nang maghanap ng butas.
Ang trabaho n’yong naiwan naghihintay pa rin ‘yan bukas.
Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas,
Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas.”

In the comments section, the poem itself received a variety of interpretations.

Some Facebook users interpreted this as a simple admission of defeat for their favorite candidate. They praised the comedian for being courteous in following the voting majority’s choice.

Michael V. did not publicly support or advocate for Robredo.

Instead, on election day, May 9, he shared a photo of himself wearing the indelible ink on his finger.

In the caption, he wrote: “Best of luck to our next president… whoever she may be.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

amazing

Sikat Na Celebrity Noon Pinahanga Ang Publiko Sa Kanyang Pagiging Simple Bilang Nanay

Published

on

By

Hinangaan ang singer na si Angeline Quinto matapos niyang ibahagi sa netizens ang kaniyang buhay bilang mommy sa kaniyang new born baby na si Sylvio.

Sa kaniyang Youtube channel, ipinakita niya kung gaano siya kasaya habang inaasikaso niya ng puno ng pagmamahal ang kaniyang anak.

Layunin ng vlog niya na ipakita sa mga fans kung paano tumatakbo ang buhay niya sa isang araw, at makikitang talagang occupied ito ng kaniyang mommy duties!

Kung kaya naman mula sa pagpapaligo, pagpapakain, pagdadamit at pagpapalit ng diaper ay kitang-kitang hands on ang ASAP singer.

Ipinakita din nila kung paano sila nagpeprepare magkasintahan para sa mga gamit ni Sylvio.

Kung si Ange ang todo asikado, si daddy naman ang nag aayos ng mga gamit at taga sunod ng kalat upang masigurado na maayos ang lahat para sa kanilang panganay.

Tuwang-tuwa naman ang fans ng first time mom sa kaniyang kagiliw giliw na vlog.

“so happy for you talaga mama angge!! ang sarap sarap nyong panoorin!! kinikilig din ako para sa family nyo 🥰 ang sweet nyo pa ni papa non ha’ yieee!! i love you 3! we love you baby sylvio 🤗💙”

“Congratulations idol angge and your partner..happy mother’s day po relate talaga puyat at pagod peru baliwala po mkita lng yong anak kakatuwa si sylvio nakikinig sayo idol hehe ang cute cute laking bata ingat po lagi idol and baby sylvio and daddy godbless keepsafe always 😍🙏🙏🙏”

“Watching you, I have no words for all the love & joy that sorrounds you but BIG HUGS ANGGE!!! Naiyak ako sa sobra! Nakakaliw ka at nakaka inspire… much-loved to you & your little ones and of course your other half… please take care, muah! ❤💙💚💛”

“Hi ate Angge always watching your videos from the first and now you have a baby, we always support you and also we stay tuned sa journey nyo ❤️👍
We love you! ❤️❤️❤️😁”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending