Simon Cowell, Napa-Standing Ovation sa Performance ni Marcelito Pomoy



Maraming talentadong singers sa Pilipinas, at isa na sa kanila ay si Marcelito Pomoy. Kung inyong naaalala, si Marcelito ang nagwagi bilang grand champion ng "Pilipinas Got Talent" noong 2011. Ngayong January 2020, muli na naman niyang pinamalas ang kanyang kakaibang talento sa stage ng international talent program na "America's Got Talent."

Number 1 trending ngayon sa Youtube Philippines ang makapanindig-balahibong performance ni Marcelito Pomoy sa harap ng mga judges. Para sa kanyang performance, kinanta ni Marcelito ang "The Prayer," na nagpanganga sa mga judges na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Howie Mandel, at Alesha Dixon.




Pinahanga ni Marcelito ang mga judges nang awitin niya ang parehong female at male part ng kanta. Sa pagtatapos ng kanyang performance, napa-standing ovation ang mga studio audience at maging ang mga judges. Ayon kay Cowell, speechless siya sa kakaibang talento ni Marcelito:

"That was what I call a 10, a simple as that. I have a feeling that the super fans will put you through to the next round."


Sa kabilang banda, may mga netizens naman ang umalma at nagsabing deserve ni Marcelito ang golden buzzer. Gayunpaman, natutuwa pa rin sila dahil naipamalas ni Marcelito ang tunay na talento ng Pinoy sa buong mundo.

"Marcelito was amazing! I have never heard anyone like him in my life! He has a voice like no other! He definitely deserved the golden buzzer!" Ito ang pahayag ng isang netizen sa Facebook.




Ngunit kahit hindi man niya nasungkit ang golden buzzer, excited pa rin ang mga fans na abangan ang kanyang journey sa "America's Got Talent." Sa pagkakataong ito, mukhang malaki ang tsansa ng talentadong Pinoy singer na maiuwi ang title ng bilang grand champion!


Sa iyong palagay, deserve bang makakuha ni Marcelito Pomoy ng golden buzzer sa kanyang makapanindig-balahibong performance? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Simon Cowell, Napa-Standing Ovation sa Performance ni Marcelito Pomoy Simon Cowell, Napa-Standing Ovation sa Performance ni Marcelito Pomoy Reviewed by Publisher on January 15, 2020 Rating: 5