Belgian National na Humingi ng Tulong kay Tulfo, Kritikal Matapos Barilin!


Naaalala niyo pa ba ang Belgian national na humingi ng tulong kay idol Raffy? Nitong nakaraang December 2019, dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo sa "Wanted sa Radyo" ang Belgian national na si Joseph Swerts. Humingi ito ng tulong upang makausap ang kanyang dating Pinay na kasintahan na si Alma fe Lovio, na tubong Bohol.

Matapos maiere ang kanyang reklamo, agad na umaksyon si Idol Raffy upang matulungan si Joseph. Agad silang lumipad papuntang Bohol upang makausap sa personal ang dating kasintahan ng Belgian national. Ngunit kahit hindi man sila nagkabalikan, nagkausap at nagkapatawaran naman ang dating magkasintahan.


Agad namang nag-viral ang episode na ito, lalo pa't maraming tao ang nakaabang sa patutunguhan ng reklamo ni Joseph. Sa social media, marami ring Pinoy viewers ang nagpaabot ng kanilang dasal at pag-asa na muli pang masolusyunan ang problemang kinakaharap ng Belgian national.

Dahil dito, laking dismaya ng mga netizens matapos malaman na may kinaharap na namang pagsubok si Joseph! Sa pagkakataong ito, ang nagpahatid ng masamang balita ay ang translator na kasama dati ni Joseph sa TV5 studio na si Marc Spenser Martain. Ayon kay Martain, may nagtangka diumano sa buhay ni Joseph.



"Binaril po yung friend namin na Norwegian while they were on their way to Panglao. They tried to kill Josh the belgian guy," ito ang pahayag ni Martain sa kanyang Facebook post, na agad namang nag-viral sa social media. Nagbahagi rin siya ng mga litrato kung saan makikitang sugatan si Joseph.

Ayon kay Josh, may kasama pa silang dalawang kaibigan. Bago ang insidente, magkasama si Alma at Joseph na nakasakay sa isang tricycle. Bigla na lamang daw may isang tao na bumaril kay Joseph at nagtangka sa buhay nito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung sino ang suspek.



Sa kabilang banda, tinawag naman ng mga netizens ang atensyon ni Raffy Tulfo upang matulungan ang Belgian national. Ayon pa sa iba, baka may nagalit kay Joseph matapos siyang dumulog sa programa ni Tulfo.

Sa inyong palagay, sino kaya ang taong maaaring nagtangka sa buhay ng Belgian national? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Belgian National na Humingi ng Tulong kay Tulfo, Kritikal Matapos Barilin! Belgian National na Humingi ng Tulong kay Tulfo, Kritikal Matapos Barilin! Reviewed by Publisher on January 14, 2020 Rating: 5