Angel Locsin, Nagpahatid ng Tulong sa mga Pamilyang Nasalanta ng Taal


Sa kalagitnaan ng nakabadyang pagsabog ng Taal volcano, bumubuhos naman ang tulong mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Kabilang na sa mga nais mag-abot ng donasyon ay si Angel Locsin. Maraming netizens ang pumuri sa Kapamilya star matapos itong mag-reach out sa mga biktima na nasalanta ng pag-alburoto ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa Twitter, nag-reach out ang Kapamilya actress sa mga netizens upang alamin ang maaari niyang maitulong sa mga nasalanta. Talagang pinag-isipan ito ni Angel, dahil mas pinili niyang magdala ng mga donations na kakailanganin at talagang magagamit ng mga tao sa mga apektadong lugar:



"Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong baranggays at ilang families per baranggay?" Ito ang pahayag ng 34-anyos na aktres sa kanyang official Twitter account.

Dahil dito, maraming netizens ang humanga kay Angel. Totoo ngang hindi lamang siya maganda at magaling na aktres, kundi mayroon rin siyang ginintuang puso. Kung inyong matatandaan, tumulong rin si Angel sa mga biktima ng Marawi siege, Bagyong Ondoy, Typhoon Habagat, at sa nakaraang lindol sa Visayas.


Hindi ito ang unang beses na tumulong si Angel Locsin sa mga nangangailangan. Sa katunayan, hinahangaan ng marami ang aktres dahil sa kanyang bukal sa loob na pag-askyon tuwing may mga sakuna. Kung inyong maaalala, ilang beses nang nag-donate si Angel sa mga nasalanta ng bagyo at lindol.

Dahil dito, hindi na rin nakakapagtaka na naparangalan siya ng prestihiyosong Forbes magazine. Noong nakaraang December 2019, kabilang si Angel sa "Asia's 2019 Heroes of Philanthropy," kasama ang bilyonaryong si Hans Sy. Si Angel ang pinakabatang nakasama sa listahang iyon, na nagsabing mahigit P15 million na ang naitulong niya sa mga nangangailangan.



Ikaw, ano ang iyong maisa-suggest na paraan upang makatulong rin sa mga taong nasalanta ng Taal? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Angel Locsin, Nagpahatid ng Tulong sa mga Pamilyang Nasalanta ng Taal Angel Locsin, Nagpahatid ng Tulong sa mga Pamilyang Nasalanta ng Taal Reviewed by Publisher on January 14, 2020 Rating: 5