"You don't know me"- Unica Hija ni Gretchen Barreto, Pinatulan ang Basher


Nitong Oktubre ay may malaking dagok na dumating sa buhay ng mga Barretto. Noong October 15, pumanaw na ang kanilang family patriarch na si Miguel Alvir Barretto. Ngunit imbes na magkaroon ng pagkakaisa, ang pagkamatay pa ng kanilang ama ang naging hudyat sa hidwaan ng magkakapatid na si Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Isa sa mga nasangkot sa issue ay ang anak ni Gretchen Barretto kay Tony-Boy Cojuangco na si Dominique. Sa pagkamatay ng kanilang lolo ay present lahat ng mga apo, maliban na lamang sa unica hija ni Gretchen. Dahil dito, umugong ang mga usap-usapan tungkol kay Dominique at sa diumano'y attitude nito.



Para sa ibang mga netizens, kabastusan ang ginawa ni Dominique na hindi pagsipot sa burol at libing ng lolo niya. May ibang netizens rin na nagpahayag mismo ng kanilang saloobin sa Instagram ng dalaga. May isang nag-comment at pinayuhan si Gretchen at Dominique na tumigil sa pagpa-party.

Hindi naman napigilan ni Dominique na mag-react, at matatandaang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita siya tungkol sa alitan ng kanyang nanay at mga tita. Ayon kay Dominique, hindi dapat siya agad na hinuhusgahan ng mga tao dahil hindi naman nila alam ang tunay na pagkatao niya.

"You don't know me. I'm in a completely different country with a job," ito ang maikli ngunit malamang pahayag ni Dominique sa kanyang Instagram. Hindi na rin niya pinatulan ang mga kritiko na nag-iiwan ng hindi magagandang komento tungkol sa kanya sa social media.


Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang humanga sa pinakitang maturity na ito ni Dominique. Dati pa man ay hinahangaan na ang anak ni Greta dahil hindi ito nakikisawsaw sa kontrobersya, sa halip ay mas pinili nitong manahimik na lamang upang magkaroon ng mapayapang buhay.

"Kahanga-hanga naman anak ni Greta, pumatol man siya pero kakapiranggot na salita na malaman kahit hindi mo sabihin na well raised ka ng mgulang mo lahat ng netizen nagsasabi sayo ikaw ang tunay na well raised. Hindi tulad ng mag-inang Marjorie at Julia," ito ang comment ng isa sa mga netizens na pumanig kay Dominique.



Ano ang masasabi niyo sa pahayag na ito ni Dominique Cojuangco? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates sa inyong favorite celebrities, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"You don't know me"- Unica Hija ni Gretchen Barreto, Pinatulan ang Basher "You don't know me"- Unica Hija ni Gretchen Barreto, Pinatulan ang Basher Reviewed by Publisher on December 03, 2019 Rating: 5