Ibinahagi ni Heart Evanghelista sa isang panayam ang reaksyon ng kaniyang asawa na si Chiz Escudero tuwing siya ay nagsha-shopping.
Si Heart na yata ang maituturing na pinakasosyal na aktres sa bansa dahil sa mga damit, alahas, at gamit nitong mamahalin.
Hindi rin matawaran ang fashion sense ng aktres kaya naman hinahangaan siya ng mga kababaihan sa bansa.
Siya rin ang itinuturing na Filipino version ng mga karakter sa pelikula at librong “Crazy Rich Asians.”

Sa kanilang interview kay Karen Davila, kinuwento ni Heart na minsan na ring napikon ang kaniyang mister sa kaniyang hilig sa pamimili.
Kahit pa isang bigating artista at isang respetadong pulitiko ang dalawa, tulad din sila ng ibang mag-asawa na nagkakaroon ng pagtatalo.
Sa nasabing panayam, tinanong ni Karen sa mag-asawa kung ano nga ba ang ‘biggest struggle’ sa kanilang pagsasama.
“For her to learn yung discipline and maturity and respect to the money that she earns and spends,” saad ni Chiz.

Bagay na agad namang sinagot ni Heart ng, “I understand.”
“It’s funny, but then, we are so opposites,” panimula ni Heart at isiniwalat ang reaksyon ng mister tuwing siya ay nagsha-shopping.
“When I shop? Napipikon siya.
“Before, not anymore. Napipikon siya sakin like, ‘Ilang bibig na napakain mo diyan?’ gaganunin niya ako eh sapatos lang yun. Syempre I’d hide everything, right?” dagdag pa ng aktres.

“Yun yung language of love ko rin. Even for me, I like to gift him with stuff,” saad ni Heart at ipinaliwanag na namana niya ang kaniyang hilig sa pagsashopping sa kaniyang mga magulang.
“Pero siya, I don’t get the reaction that I want, so it pisses me off, diba?
“Parang naiinis ako, parang, ‘Bakit ganun? Hindi ba siya nagce-care?’ so it’s really in the beginning, dun kami nagbabanggaan,” pahayag ng aktres.
Ngunit kahit na gano’n, marami raw siyang natutunan kay Chiz, lalo na ang pagpapahalaga sa pera.

Ayon kay Heart, kahit nakasale ang isang bagay na gusting-gusto niya ay hindi niya ito bibilhin kung hindi naman ito mahalaga at kung hindi niya ito kailangan.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!