Bastos na Doktor na Nagwala sa Daan, Matatanggalan ng Professional License


Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang video ng nagwawalang doktor. Huli sa camera si Tomas Joaquin Mendez habang nagwawala sa isang motorista na nakagitgitan niya sa daan. Imbes na ayusin sa mahinahong paraan, puro mura at panglalait ang ibinato ni Mendez sa kanyang nakagitgitan na si Santiago Paredes.

Umabot na sa milyon ang views ng video na ito sa social media. Maraming tao ang hindi makapaniwala sa bastos na asal ni Mendez, na napag-alamang isang surgeon pala sa Diliman Doctors Hospital. Hindi mapigilan ng mga netizens na maawa kay Paredes, kaya naman maraming tao ang tumawag sa pansin ni Raffy Tulfo.


Naimbitahan sa programa ni Raffy Tulfo na "Aksyon sa Tanghali" ang mag-asawang Santiago at Merly Paredes. Sa interview, napag-alaman ni Tulfo na hindi pala ito ang unang pagkakataon na nagwala si Mendez sa publiko. May isa pang lumutang na video kung saan makikita na nagwawala muli si Mendez sa harap ng ibang motorista.

Ayon kay Santiago, mukhang mayroong anger management si Mendez. Dahil dito, agad-agad kumilos si Tulfo upang hindi na maulit ang pangyayaring ito. Ayon sa sikat na host, aaksyon sila upang matanggalan ng LTO license ang lalaking ito. Bukod pa dito, papatanggalan rin siya ng kanyang PRC license dahil sa ginawa niyang pambabato.



Sa kabilang banda, ayon kay Director Roberto Valera ng Law Enforcement Services ng LTO, malakas ang kaso laban kay Mendez. Maaari daw itong makasuhan lalo pa't nambato ito ng sasakyan ni Paredes. Mas mabuti rin daw ang mayroong police blotter ang pamilya upang mas mapalakas ang ebidensya laban kay Mendez.

Sa ngayon naman ay maraming netizens ang nag-aabang sa kalalabasan ng kasong ito. Dahil sa bastos at maangas na ugali ni Mendez, marami ang umaasa na matuturuan ito ng leksyon upang hindi na niya muling magawa ito sa ibang tao. Ayon pa kay Tulfo, sa susunod ay baka hindi lang pambabato ang gawin nito sa mga makakasalamuhang motorista.



Panoorin ang video dito:


Sa inyong palagay, dapat lang bang matanggalan ng professional license ang doktor na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Bastos na Doktor na Nagwala sa Daan, Matatanggalan ng Professional License Bastos na Doktor na Nagwala sa Daan, Matatanggalan ng Professional License Reviewed by Publisher on December 03, 2019 Rating: 5