Barbie Imperial, Pina-Tulfo ng Personal Assistant Dahil sa Pang-Aabuso at Kulang sa Pasahod


Bilang isang artista, mahalaga ang magkaroon ng personal assistant. Kadalasan ay busy at hectic ang schedule ng mga sikat na personalidad, kung kaya naman importante na mayroon silang taong mapagkakatiwalaan upang mapadali ang trabaho nila. Hindi rin madali ang trabaho ng personal assistant, kaya dapat lamang na suklian rin ng appreciation ang kanilang sakripisyo.

Kamakailan lang ay inireklamo si Barbie Imperial ng kanyang personal assistant. Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo si Annalaine Revilla upang ireklamo ang Star Magic actress dahil sa kanyang diumano'y pang-aabuso sa kanyang personal assistant. Ayon kay Revilla, ginagawa siyang kasambahay ng aktres at pamilya nito.


"Simula po noong dumating ako doon, hindi na po sila kumikilos. So parang ang dating naging kasambahay na lang ako. To the point na halimbawa po every morning, halos hindi pa ko nagkakape, naglilinis na ko ng dumi ng dalawang aso," ito ang pahayag ni Revilla sa kanyang interview kay Raffy Tulfo.

Bukod pa dito, sinabi rin ni Revilla na kulang na kulang siya sa pahinga. Pagod na siya sa pagsisilbi kay Barbie Imperial, pagod pa siya sa paglilinis ng bahay nito. Buti sana kung malaki ang sahod, ngunit nakakalungkot na Php 7,000 a month lang ang sinasahod niya, na talaga namang mas mababa pa sa minimum wage.



Ngunit sa kabila ng lahat, tumanggi pa ring magpakumbaba ang aktres. Nang tawagan siya nila Raffy Tulfo, tumanggi si Barbie na mag-public apology sa harap ng maraming tao. Sa halip ay pumayag na lamang siya na sarilinin ang usapan nila at bayaran ang kulang na pasahod kay Revilla. Pumayag naman si Revilla, at nagbigay ng babala na sana ay maging eye-opener ito sa ibang tao.

Sa kabilang banda, kahit na hindi binanggit ang pangalan, may mga netizens naman na nanghula kung sino ang aktres na ito. Ayon sa iba, halatang ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang tinutukoy ng personal assistant na ito.

Marami rin ang nadismaya na hindi isiniwalat ang pagkatao ng artista, lalo na't maraming nakapansin na hindi naman na ito menor de edad. Kamakailan lang ay inanunsyo na si Barbie Imperial ang bagong calendar girl ng Tanduay.



Mag-sorry pa kaya si Barbie? Magkaayos pa kaya sila ng kanyang personal assistant? Panoorin ang buong pangyayari dito:


Ano ang masasabi niyo sa isyung ito? Sa tingin niyo'y si Barbie Imperial kaya ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Barbie Imperial, Pina-Tulfo ng Personal Assistant Dahil sa Pang-Aabuso at Kulang sa Pasahod Barbie Imperial, Pina-Tulfo ng Personal Assistant Dahil sa Pang-Aabuso at Kulang sa Pasahod Reviewed by Publisher on December 03, 2019 Rating: 5