Bulilit Child Star na si Chacha Canete, Pinanganga ang mga Hurados sa "Tawag ng Tanghalan"



Naaakala niyo pa ba si Chacha Canete? Ang child star na ito, na kilala bilang Trisha Louise sa totoong buhay, ay sumikat sa kanyang pinagbidahang Camella commercial na may kantang "Bulilit, bulilit, sanay sa masikip." Ang sikat na commercial na iyon ang naging tulay upang tuluyan nang pasukin ni Chacha ang buhay pag-aartista.

Apat na taong gulang lamang si Chacha nang madiskubre siya ng isang talent manager. Matapos mag-star sa iba't-ibang Camella homes commercial, sumali si Chacha sa sikat na tv gag show "Goin' Bulilit." Noong 2014 ay grumaduate na rin siya sa gag show. Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang pagpapamalas niya ng angking talento.



Bukod sa pag-arte, alam niyo ba na may isa pang angking talento si Chacha Canete? Sinong mag-aakalang ang child star na ito, na kilala sa pagpapatawa, ay may angkin palang boses anghel! Sa katunayan, ilang beses na rin pinatunayan ni Chacha ang galing niya sa entablado. Nanalo siya ng dalawang silver medals sa World Championship of Performing Arts sa Hollywood.

Noong 2017, naimbitahan si Chacha upang mag-guest sa Wish 107.5 bus. Kinanta niya ang isang powerful rendition ng "Fight Song," na inabot sa million views sa Youtube!



Ngayon naman, panahon na upang sumabak ulit sa kompetisyon si Chacha at sa pagkakataong ito, mga celebrities na ang mismong makakalaban niya.

Kamakailan lang ay isa si Chacha Canete sa naimbitahan upang lumahok sa "Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition." Kahit mga batikan at matatanda na ang kalaban niya, hindi pa rin umatras si Chacha, kaya naman suportado rin siya ng kanyang mga pamilya at fans.




At talaga namang kaabang-abang ang performance ni Chacha! Kahit mga Hurados at madlang pipol ay hindi mapigilang humanga sa taglay niyang galing nang kantahin niya ang sikat na "Girl on Fire" ni Alicia Keys. Panoorin ang kanyang makapanindig-balahibong performance dito:


Namangha ka rin ba sa performance na ito ni Chacha Canete? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Bulilit Child Star na si Chacha Canete, Pinanganga ang mga Hurados sa "Tawag ng Tanghalan" Bulilit Child Star na si Chacha Canete, Pinanganga ang mga Hurados sa "Tawag ng Tanghalan" Reviewed by Publisher on October 25, 2019 Rating: 5