Itinampok ni Karen Davila sa kanyang pinakabagong vlog ang bagong gawang bahay ng sikat na child star at online personality na si Awra Briguela.
Si McNeal “Awra” Briguela ang batang nag-viral dahil sa kakaibang facial expression na siya lang ang nakakagawa. Matapos maging viral, ilang mga palabas na ang nag request na mag guest siya, at mula doon, sumikat siya at naging isang sikat na child star.

Bilang isang child star, nagawa niyang lumabas sa iba’t ibang palabas at pelikula, at kabilang sa mga maimpluwensyang personalidad na pinakamalapit niya sa industriya ng show business ay ang Kapamilya superstar na si Vice Ganda.
And in terms of investing his hard-earned money, mukhang malaki ang impluwensya ni Vice sa kanya. Noong nagsimula siyang kumita, ang ginawa nila ay nag-ipon at nag-invest. At ngayon, isa na sa kanyang checklist ay ang kanyang dream house para sa kanyang pamilya.

Ibinahagi niya sa vlog ni Karen Davila na bagong lipat lang sila sa kanilang bagong bahay at wala siyang ibang nararamdaman kundi ang kaligayahan dahil sa wakas ay mabubuhay na sila ng masaya at kumportable sa isang bahay na malaki ang espasyo.
“Before, ‘yung bahay namin, mabilis lang kaming magkita-kitang family. Parang pagkalabas mo ng kwarto, nandiyan na agad ‘yung hinahanap mo. Dito, kailangan mo pang sumigaw-sigaw ng ‘Mommy!’ kasi naghahanapan pa kami paikot-ikot sa house,” ani ng aktor.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga komento ng kaniyang mga fans at random netizens na hindi mapigilang humanga sa kaniya.
“So proud of you awra!!! Grabe ang maturity”
“Such an inspiring episode! Awra and his Father are both amazing!!!”
“I’m so proud of Awra. Sobrang inspirational ang life story nila ng family nya.”

“Awra’s family is a representation of how beautiful a filipino family is.”
“im so proud of you Awra, napaka sipag mo at mapagmahal sa pamilya
“This is such a nice and feel good vlog. I’m happy for Aura, she’s able to pull h”er family out of poverty and has learned to invest and handle money.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!