Karamihan sa atin ay palaging nakatutok sa ating mga smartphones. Mula paggising hanggang sa pagtulog, ito ang unang-unang hinahanap natin sa umaga. Ngunit alam niyo ba na may masamang epekto pala sa iyong kalusugan? Ayon sa mga eksperto, ito ang maaaring mangyari sa iyo kapag nagse-cellphone ka bago matulog.
Ang iyong smartphone ay mayroong blue light, at maaari itong makaapekto sa iyong pagtulog sa gabi. Ang blue light ay nakakasagabal sa production ng melatonin hormone sa iyong katawan. Ang hormone na ito ang nagpapatulog sa iyo, kaya naman mahihirapan kang antukin kung lagi kang exposed sa blue light.
Read More: Sleep Paralysis: Ayon sa mga Eksperto, Ito ang Dahilan Kung Bakit ka Nakakaranas Nito

Night time connection
Narito ang iba pang epekto ng paggamit ng smartphone bago ka matulog:
1. Maaaring makasira ng iyong mata
Ang madalas na paggamit ng cellphone ay mayroong masamang epekto sa iyong paningin. Ayon sa mga eksperto, kapag lagi kang nakatitig sa screen ay maaari nitong ma-damage ang iyong retina. Makakaapekto ito sa iyong paningin lalo na kapag hindi naagapan.
2. Maaaring makaranas ng depresyon
Bukod sa iyong physical health, may masamang epekto rin sa iyong mental health. Kapag ikaw ay nakakaranas ng unhealthy sleeping patters, mas at risk kang magkaroon ng depression. Maaari rin itong mag-resulta sa pagiging makakalimutin at pagod tuwing umaga.

3. Naaapektuhan ang iyong memorya
Ayon sa mga eksperto, ang iyong utak ay direkta ring naaapektuhan ng labis na pagtitig sa smartphones. Kung ikaw ay kulang sa tulog, maaaring mahirapan kang makapag-focus at magiging makakalimutin ka dahil sa damaged connections sa iyong utak.
4. Risk ng cancer
Ang ating mga smartphones ay mayroong electromagnetic radiation. Ito ay nali-link sa ibang types ng cancer, at madadagdagan ang iyong risk na magkaroon ng malalang sakit na ito kung palagi mong hawak ang iyong cellphone.
Read Also: 2-Taong Gulang na Bata na Lumabas Lang ng Bahay, Nasawi Matapos Mahulog sa Balon, Paano ito Nangyari?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.